SHARING IN THE NET

proudly presents

DIGITAL WORLD.

A Gospel Reflection on the Solemnity of the Ascension of Our Lord, Sunday, May 20, 2012.

https://i1.wp.com/a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/306433_1874686638469_1580283005_31457064_4294548_n.jpg

JOHN REGINALD BAUTISTA 

 

Ang Mundo natin ay matatawag na Digital World.

ANO BA ANG MERON SA MUNDO NATIN NGAYON?

ANO BA ANG MGA USO NGAYON?

Hayan, nandiyan ang cellphone, internet, digital camera, telebisyon, radyo at iba pang mga makabagong komunikasyon.

Kaya ang tanong dito,

LAHAT BA NG MGA MODERN COMMUNICATION GADGETS NA ITO AY NAGAGAMIT BA SA TAMANG PAMAMARAAN?

SAAN BA NATIN GINAGAMIT ANG MGA GADGETS NA ITO?

Tayong lahat ay inuutusan ni Hesus dito sa Ebanghelyong (Mark 16:15-20) binasa natin ngayong araw na ito ng Ascension Sunday, May 20, 2012,

“PUMUNTA KAYO SA BUONG DAIGDIG AT IPAHAYAG ANG EBANGHELYO SA BUONG SANLIBUTAN.”

Ito ang misyon ng simbahan, ito ang misyon nating lahat bilang mga binyagang katoliko. Sa mundo ng makabagong komunikasyon o tinatawag na DIGITAL WORLD, ang mga modern communication gadgets na ito ay magagamit natin sa pangangaral ng ebanghelyo. Sa pamamagitan nito ay maririnig na ng buong mundo ang salita ng diyos.

Kaya ang simbahan natin ngayon ay nagsisikap na ipalaganap ang ebanghelyo sa media. Sa Telebisyon noong araw nandiyan ang Sharing in the City kay Fr Sonny Ramirez OP, ang nagsimula ng misa sa telebisyon ay si Fr Sonny Ramirez OP. Ngayon marami na ang sumunod sa kanyang yapak gaya nina Fr Jerry Orbos SVD, Fr Glen Gomez SVD at iba pang mga pari hanggang sa dumating ang TV Maria. Sa Radyo, nandiyan ang Radio Veritas,https://i0.wp.com/photos-c.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-prn1/538756_409748942369892_100000043683462_1639566_2011164202_a.jpg Radio Manaoag, DZMM kay Mr Jun Banaag OP sa programang Doctor Love Radio Show. At ganun din sa internet, gaya nitong Sharing in the Net at iba pang mga Social Network blog sites.

Ang Media ay isang epektibong pamamaraan ng pagpapahayag ng ebanghelyo sapagkat hinihipo natin ang puso ng mga tao para sila ay maniwala sa ebanghelyo, magsisi sa mga kasalanan at magbalik-loob sa diyos.

Ang Sabi nga ni Pope Benedict XVI,

“MAKE USE OF YOUR PRESENCE  IN THE DIGITAL WORLD.”

Tayong lahat ay gumagamit ngayon ng mga Social Network sites gaya ng Facebook, Twitter at mahilig tayong mag-upload ng mga pictures at video sa youtube.

Sana naman sa paggamit natin ng mga social network sites na ito ay HUWAG TAYONG MAGING ABUSADO!

ANG IBA DIYAN AY GINAGAMIT ANG INTERNET SA PAGTATALAK NATIN KUNG SINU-SINO ANG INAAWAY NATIN!

ANG IBA DIYAN AY BINUBULI PA ANG MGA ARTISTA!

ANG IBA DIYAN AY NAGLALAGAY PA NG MGA MALALASWANG LARAWAN AT PALABAS!!!!!!

ANONG KLASENG TAO KAYO?!!!!

KATOLIKONG KRISTYANO BA KAYO?!!!!!!

ANO ANG PUMASOK SA KUKOTE MO BAKIT NAGAWA MONG ILAGAY SA YOUTUBE ANG MGA MALALASWANG PALABAS?!!!!!!!!!!!!

KAYA AKO NAGSESERMON NG GANITO AY DAHIL ANG GINAGAWA NG MGA TAO NGAYON AY HINDI NAAAYON SA UTOS NI HESUS!!!!!!!!!!!!!!!!!

SI HESUS BAGO SIYANG UMAKYAT SA LANGIT AY INUTUSAN NIYA TAYO NA MAG-MISYON!

ANO ANG MISYON NATIN?

IPANGARAL ANG EBANGHELYO SA BUONG MUNDO.

Kaya nga tayo ipinapadala sa iba’t-ibang lugar, kaya nga meron tayong MEDIA ay para TAYO AY MAG-MISYON AT IPALAGANAP ANG EBANGHELYO.

SA TOTOO LANG, MAY MGA ILANG BANSA PA RIN HANGGANG NGAYON ANG HINDI PA NAKAKARINIG NG SALITA NG DIYOS AT HINDI PA NAKIKILALA SI KRISTO.

Kaya ang taong ito ng 2012 ay itinalaga ng simbahan bilang YEAR OF THE MISSION ay sapagkat binibigyang diin dito:

Una, ANO BA ANG MISYON NG SIMBAHAN?

Ikalawa, ANG PAGPAPAHALAGA SA MGA MISYONERO.

Ikatlo, TAYONG LAHAT AY TINATAWAG NA MAGING MISYONERO.

HINDI PA HULI ANG LAHAT PARA TAYO AY SUMUNOD SA UTOS NI HESUS.

HABANG NABUBUHAY PA TAYO SA MUNDONG ITO AY GAMITIN NATIN ANG MGA TALENTONG IBINIGAY SA ATIN NG DIYOS SA PAGMIMISYON NATIN SA BUONG MUNDO.

Gaya ng sinabi ko, ANG MEDIA AY EPEKTIBONG PAMAMARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS.

Bawat salitang namumutawi sa ating bibig ay makapangyarihan at epektibo. Nawa’y sa pagharap natin sa media ay magbigay tayo ng inspirasyon sa mga tao.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon CitySCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:

WEEKDAYS (Monday – Saturday):

AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NN

PM – 6:00

* Rosary, Mass with Liturgy of the Hour

SUNDAYS AND HOLYDAYS:

AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00

PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00

* 8:00 am – Conventual Mass

* 4:00 pm – Parish Mass

PERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pm

MASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.