SHARING IN THE NET

proudly presents

MAY HIMALA PA BA?
A Gospel Reflection on the 13th Sunday in Ordinary time , July 1, 2012.

https://i1.wp.com/a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/306433_1874686638469_1580283005_31457064_4294548_n.jpg

 JOHN REGINALD BAUTISTA 

Tayong mga katoliko ay mahilig tayong maglakbay. Pinupuntahan natin ang mga sikat na simbahan gaya nghttps://i1.wp.com/a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/300942_2003736344631_913584101_n.jpg Manaoag sa https://i0.wp.com/a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/406799_2342285008136_938598813_n.jpgPangasinan, Antipolo, Kamay ni Hesus sa Lucban at may ilan din sa inyo ay pumupunta sa Europa gaya ng Lourdes sa France, Fatima sa Portugal, sa Roma at maging sa Holy Land. Kapag may naririnig din tayo na may Healing Mass sina Fr Joey Faller at Fr Fernando Suarez ay pinupuntahan agad natin ito. Marami talaga sa atin kaya tayo naglalakbay sa mga sikat na simbahan at dinarayo pa natin ang healing masses ng mga sikat na healer priest ay naghahanap tayo ng himala, umaasa tayo sa himala ng diyos, umaasa tayo na paggagalingin tayo ng panginoon at hihilumin niya ang mga sakit at sugat sa ating katawan at kaluluwa.

Dito sa Ebanghelyong (Mark 5:21-43) binasa natin ngayong araw na ito ng 13th Sunday in Ordinary time, July 1, 2012, dalawang milagro ang ginawa ni Hesus ngayon: ANG BINUHAY NA ANAK NG PINUNO NG SINAGOGA at ANG PAGPAPAGALING SA BABAENG LABING-DALAWANG TAON NG DINUDUGO.

PAANO NANGYARI ITO?

Sa pamamagitan ng PANANAMPALATAYA.

Marami pa rin sa atin ngayon ay naghahanap ng himala at umaasang GAGALING TAYO SA ATING KARAMDAMAN. Ang iba sa atin ay kung anu-ano ang mga ginagawa para humingi ng kagalingan.

Halimbawa na lang, yung mga deboto ng nazareno. Kapag pista ng poong nazareno diyan sa Quiapo, ang mga tao ay nagsisiksikan para lamang mahawakan ang lubid at imahen ng poong nazareno. Ang paniniwala nila na kapag nahawakan ang lubid at humipo sa imahen ng poong nazareno ay gagaling daw sila.

HINDI LUBID AT IMAHEN ANG NAGPAPAGALING SA INYO,

ANG NAGPAPAGALING SA INYO AY ANG INYONG PANANAMPALATAYA SA DIYOS.

Ang Milagro ay patuloy na nangyayari sa buhay natin kung tayo ay may pananampalataya sa diyos. Hangga’t may naniniwala sa diyos ay patuloy pa rin nagaganap ang milagro. Sa pagdalo natin sa misa ay nandiyan na ang milagro na kung saan si

Hesus ay bumababa sa altar sa pagtataas ng tinapay at alak na nagiging katawan at dugo ni kristo, at dahil dito ay patuloy tayong gumagaling sa ating karamdaman at pinalalakas ang ating buhay kabanalan.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon CitySCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:

WEEKDAYS (Monday – Saturday):

AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NN

PM – 6:00

* Rosary, Mass with Liturgy of the Hour

SUNDAYS AND HOLYDAYS:

AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00

PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00

* 8:00 am – Conventual Mass

* 4:00 pm – Parish Mass

PERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pm

MASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.