SHARING IN THE NET

proudly presents

LANGIS.

A Gospel Reflection on the 15th Sunday in Ordinary time, July 15, 2012.

https://i1.wp.com/a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/306433_1874686638469_1580283005_31457064_4294548_n.jpg

JOHN REGINALD BAUTISTA 

Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao ay ang langis.

SAAN BA GINAGAMIT ANG LANGIS NA ITO?

Halimbawa sa mga sasakyan, hindi tatakbo ang sasakyan kung wala ang langis. Sa pagluluto, hindi tayo makapagluto at makakain ng mga masasarap na pagkain kung wala ang langis. Kung pupunta kayo sa mga bansang muslim gaya ng Saudi Arabia, Iraq, Iran at iba pang mga karatig bansa ay malaki ang kanilang deposito ng langis, sa madaling salita ay malaki ang kanilang imbakan ng langis at sila ang nagsu-supply ng langis dito sa ating bansa.

Ang nakakalungkot, ANG LANGIS PA NGAYON AY SIYANG UGAT NG KAGULUHAN SA IBA’T-IBANG BANSA.

MARAMING BANSA ANG GUSTONG MAGING MAY-ARI NG LANGIS NA ITO,

DAHIL SA LANGIS NA ITO AY NAGING MAUNLAD ANG KANILANG BANSA AT MARAMING BANSA ANG NAIINGGIT SA KANILA KAYA MARAMING BANSA ANG GUSTONG MAGING MAY-ARI NG KUMPANYA NG LANGIS NA ITO.

Napakahalaga talaga ng langis sa ating buhay. Sa Simbahan, ang langis ay may pakinabang din. Ito ay ginagamit sa mga sakramento gaya ng binyag, kumpil, ordinasyon sa pagpapari at pagpapahid sa mga maysakit na siyang tampok dito sa Ebanghelyong (Mark 6:7-13) binasa natin ngayong araw na ito ng 15th Sunday in Ordinary time, July 15, 2012. Isinugo ni Hesus ang kanyang mga alagad dala-dalawa sa iba’t-ibang lugar, isinugo niya ang mga ito ay para magpalayas ng masamang espiritu at magpagaling sa mga maysakit sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis.

ANG LANGIS AY SIMBOLO NG KALAKASAN AT KAPANGYARIHAN PARA TAYO AY MAKAPAGLINGKOD.

Doon po sa isang Marian Group ng Missionaries of Mary, kapag malapit na ang Marian Encounter Seminar ay ginaganap ang Mass of the Holy Spirit. Sa Misang ito, ang pari ay nagpapahid ng langis sa noo, bibig at kamay ng mga miyembro ng Missionaries of Mary lalung-lalo na ang mga working core.

Ang Langis ay nagbibigay sa atin ng kalakasan, kasiglahan at kapangyarihan para tayo ay makapaglingkodsa diyos at sa kapwa. Tayong lahat ay pinahiran ng langis, nawa ay magkaroon tayo ng kasiglahan na maglingkod sa diyos

at tumugon sa tawag ng diyos na TAYO AY MAGING MISYONERO NG ATING SIMBAHAN.


DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

https://i0.wp.com/a1.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/s720x720/553977_339897089423367_876576601_n.jpg

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon CitySCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:

WEEKDAYS (Monday – Saturday):

AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NN

PM – 6:00

* Rosary, Mass with Liturgy of the Hour

SUNDAYS AND HOLYDAYS:

AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00

PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00

* 8:00 am – Conventual Mass

* 4:00 pm – Parish Mass

PERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pm

MASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.