SHARING IN THE NET

proudly presents

POTLUCK.
A Gospel Reflection on the 17th Sunday in Ordinary time , July 29, 2012.

https://i1.wp.com/a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/306433_1874686638469_1580283005_31457064_4294548_n.jpg

 JOHN REGINALD BAUTISTA 

Lahat tayo ay mahilig sa handaan. Kapag tayo ay naghahanda ng pagkain, hindi lang isang tao ang pwedeng maghanda ng pagkain. Halimbawa sa isang komunidad, kapag may pagtitipon ay hindi mawawala ang pagkain. Sa dami ng taong dumalo sa isang pagtitipon ay hindi pwedeng isa o dalawang tao ang magdadala ng pagkain, kinakailangan lahat ng dadalo sa pagtitipon ay magdala ng kanya-kanyang pagkain para lahat ay maihain sa mesa, ito ay tinatawag na POTLUCK. Kapag sinabing potluck, BRING YOUR OWN FOOD. Siyempre kapag nagbaon ka ng pagkain ay hindi lang ikaw ang kakain ng pagkaing dinala mo, kinakailangan ay ibahagi mo rin iyan sa iba para lahat ay makatikim at makakain ng pagkaing dinala mo.

Alam ninyo kapag pinag-uusapan natin ang pagbabahaginan ng pagkain sa isang handaan, ang isang magandang halimbawa na pwede nating tularan ay ang maliit na bata dito sa Ebanghelyong (John 6:1-15) binasa natin ngayong araw na ito ng 17th Sunday in Ordinary time, July 29, 2012. Ang Batang ito ay may dalang limang tinapay at dalawang isda. Nakita naman natin dito na nagkaka-problema na sila kung paano nila pakakainin ang limang-libong katao. Mabuti na lang nandiyan ang bata na may dalang limang tinapay at dalawang isda. At dahil sa ginawa ng batang ito ay napakain ang limang-libong katao, lahat ay nakatikim ng pagkain dahil sa pagbabahaginan.

Sa pagbabahagi ng pagkain o anumang grasya na meron tayo ay nagkakaroon ng milagro. Kapag sinabing milagro, hindi yung napabalitang sumasayaw na rebulto ng Sto Nino at lumuluhang dugo ang imahen ng Birheng Maria, ang milagro ay ang paggalaw ng kamay ng diyos.

SA PAGBABAHAGI NATIN NG PAGKAIN AY MERON NANG MILAGRO,

TAYO NA MISMO ANG MILAGRO SAPAGKAT TAYO ANG INSTRUMENTO NG BIYAYA NG DIYOS AT TAYO ANG KAMAY NG DIYOS.

Kung babalikan natin ang ebanghelyo ngayon, alam ni Hesus ang kanyang gagawin pero nagtanong pa siya kay Felipe. Ginawa niya ito ay para subukan si Felipe kung ano ang gagawin para pakainin ang limang libong katao. Dito ay nais ipahiwatig ni Hesus sa ating lahat na tayo ay matutong magbahagi sa iba kung ano man ang meron tayo.

Kaya sa pagdadala mo ng pagkain sa isang pagtitipon o sabihin natin sa isang malaking handaan ay matatawag na itong milagro sapagkat ang lahat ay matitikman ang pagkaing dala mo.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

https://i0.wp.com/a1.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/s720x720/553977_339897089423367_876576601_n.jpg

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon CitySCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:

WEEKDAYS (Monday – Saturday):

AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NN

PM – 6:00

* Rosary, Mass with Liturgy of the Hour

SUNDAYS AND HOLYDAYS:

AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00

PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00

* 8:00 am – Conventual Mass

* 4:00 pm – Parish Mass

PERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pm

MASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.