SHARING IN THE NET

proudly presents

A HUMBLE SERVANT.

A Gospel Reflection on the 25th Sunday in Ordinary time, September 23, 2012.

https://i1.wp.com/a6.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/305433_1874681078330_3981293_n.jpg

JOHN REGINALD BAUTISTA 

Sa susunod na taon ng 2013 ay gaganapin na naman ang midterm election. Magpapalit na naman ng mukha ng mga nakaluklok sa puwesto. Meron iba ay mananatili sa puwesto, meron iba ay bababa sa puwesto at ang iba naman ay uupo pa lamang sa puwesto. Ngayon pa lang ay marami nang naghahangad na makaupo sa puwesto at magkaroon ng katungkulan sa gobyerno. Kaya ang ginagawa ng mga nais kumandidato sa eleksyon ay gumagawa na ng mga political advertisement sa telebisyon gaya nina Senator Bong Revilla, Senator Chiz Escudero, Congresswoman Cynthia Villar, Congressman Manny Pacquiao at iba pang mga politiko. Kanya-kanyang gimik ang ginagawa nila para makuha nila ang loob ng mga tao para sila ay iluklok sa puwesto.

Para sa mga kakandidato sa darating na eleksyon ay ito ang nais ninyong pagnilayan at pagmuni-munihan sa inyong sarili,

BAKIT NAIS NINYONG TUMAKBO SA DARATING NA ELEKSYON?

BAKIT NAIS NINYONG MAKUHA AT MAGKAROON NG POSISYON SA GOBYERNO?

Ang sagot sa mga katanungang iyan ay narinig natin ang sinabi ni Hesus dito sa Ebanghelyong (Mark 9:30-37) binasa natin ngayong araw na ito ng 25th Sunday in Ordinary time, September 23, 2012,

“KUNG MAY GUSTONG MAUNA AY MAGING HULI SIYA SA LAHAT AT MAGING LINGKOD NG LAHAT.”

Ito dapat ang maging dahilan kung bakit nais ninyong kumandidato sa eleksyon at magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

NAKAKALUNGKOT DAHIL MARAMING MGA PULITIKO ANG IRESPONSABLE AT NASASANGKOT SA CORRUPTION AT IBA PANG MGA ANOMALYA SA GOBYERNO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

NASAAN ANG IPINANGAKO NINYO NUNG KAYO AY NANGANGAMPANYA NA BABAGUHIN NINYO ANG ATING LIPUNAN?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

NAKAKALUNGKOT DAHIL ANG MGA PANGAKO NINYO AY NAPAPAKO!!!!!!!!!!!!!!

MGA SINUNGALING!!!!!!!!!!!

GINAGAGO NINYO ANG TAONG BAYAN!!!!!!!!!!

ITO ANG PAALALA SA ATIN NG PANGINOON NGAYON,

KAHIT NA KAYO AY NASA POSISYON,

KAHIT NA TUMAAS PA ANG INYONG POSISYON AY MAGPAKUMBABA PA RIN KAYO AT MAGING LINGKOD KAYO NG LAHAT.

Ang sabi nga ng yumaong Comedy King na si Dolphy,

“ANUMAN ANG NARATING MO SA BUHAY, YUMAMAN KA MAN, UMASENSO KA MAN AY MATUTO KA PA RIN TUMAPAK SA LUPA.”

ANO ANG IBIG SABIHIN NITO?

LUMINGON KA SA IYONG PINANGGALINGAN.

HINDI KA MAGIGING SIKAT AT HINDI KA MAKAKARATING DIYAN SA KINATATAYUAN MO NGAYON KUNG WALA ANG MGA TAONG NASA IBABA NA SILA ANG NAGLUKLOK SA IYO DIYAN SA PUWESTO MO.

Si Maria kahit siya ay ina ng diyos ay nagpakababa pa rin siya at hindi niya itinaas ang kanyang sarili bagkus siya ay tumapak sa lupa para ibigay ang pangangailangan ng mga tao, hindi niya ipinagkait ang kahilingan ng mga tao, ibinuhos pa niya sa mga tao ang biyaya ng diyos.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

https://i0.wp.com/a1.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/s720x720/553977_339897089423367_876576601_n.jpg

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon CitySCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:

WEEKDAYS (Monday – Saturday):

AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NN

PM – 6:00

* Rosary, Mass with Liturgy of the Hour

SUNDAYS AND HOLYDAYS:

AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00

PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00

* 8:00 am – Conventual Mass

* 4:00 pm – Parish Mass

PERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pm

MASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.