SHARING IN THE NET

proudly presents

 Katolikong Katesismo on the Celebration of the  National Laity Sunday, September 30, 2012.

ANG LAYKO.

https://i1.wp.com/a6.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/305433_1874681078330_3981293_n.jpg

JOHN REGINALD BAUTISTA 

ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG LAYKO?

Ang LAYKO ay hango sa salitang griyego na “LAOS” na ang kahulugan ay “MGA TAO”. Ang salitang ito ay 140 ulit na makikita sa Bagong Tipan. Ayon naman sa dokumento ng Vatican II na LUMEN GENTIUM, ang layko ay ang lahat ng mananampalataya maliban sa mga pari at relihiyoso. Sa pamamagitan ng binyag, ang mga kasapi ng layko ay naging kaisa ng katawan ni kristo at sa kanilang sariling pamamaraan, sila ay nakikibahagi sa kanyang pagiging pari, propeta at hari.

Ang Layko bilang bahagi ng mundong ginagalawan ng mga ordinaryong tao ay inaasahang susunod sa kalooban ng diyos sa matapat na pagtupad ng kanilang tungkulin ayon sa kani-kanilang propesyon o trabaho. Sila ay may responsibilidad din na tumulong sa simbahan sa pagpapalaganap sa kaharian ng diyos sa pamamagitan ng kanilang mabubuting gawa at halimbawa, pagtuturo at panalangin.

Ang Kauna-unahang santong pilipinong si San Lorenzo Ruiz ay isang layko. Sa October 21, 2012 ay isa na namang pilipinong layko ang magiging santo. Siya ay si Pedro Calungsod, isang batang katekista mula sa Visayas. Sila ay kapwa pinatay dahil sa kanilang pananampalataya.

Marami pang layko dito sa pilipinas at maging sa ibang bansa ang tumutulong sa pagpapalaganap ng pananampalatayang katoliko.

ANO ANG MAGAGAWA NG MGA KATOLIKO UPANG MAGAMPANAN ANG KANILANG TUNGKULIN BILANG LAYKO?

1. Magsimba tuwing linggo at mga araw ng pangilin.

2. Magbasa at mag-aral ng salita ng diyos at ibahagi ang natutunan sa iba.

3. Mag-boluntaryo bilang choir member, altar server, lector at commentator, greeter at collector sa simbahan.

4. Makilahok sa lahat ng gawain sa simbahan tulad ng holy hour, bible study, nobena, recollection, seminars at PRUSISYON NG LA NAVAL DOON SA SANTO DOMINGO CHURCH SA QUEZON CITY.

5. Tumulong sa mahihirap, maysakit at matatanda.

Ang lahat ng ito ay kaya nating gawin sa tulong ng espiritu santo. Ang sabi ni Hesus sa Ebanghelyo ni San Juan 15:16,

“HINDI NINYO AKO PINILI, KAYO ANG PINILI KO. PINILI KO KAYO UPANG KAYO’Y MAGBUNGA AT MANATILI ANG INYONG BUNGA UPANG ANG ANUMANG HINGIN SA AMA SA AKING PANGALAN AY IBIBIGAY SA INYO.”

https://i0.wp.com/a1.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/s720x720/553977_339897089423367_876576601_n.jpg


DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon CitySCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:

WEEKDAYS (Monday – Saturday):

AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NN

PM – 6:00

* Rosary, Mass with Liturgy of the Hour

SUNDAYS AND HOLYDAYS:

AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00

PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00

* 8:00 am – Conventual Mass

* 4:00 pm – Parish Mass

PERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pm

MASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.