WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

ANG ATING MISYON SA MUNDO.

A Gospel Reflection on the 29th Sunday in Ordinary time, October 21, 2012.

JOHN REGINALD BAUTISTA  OP

Tayo ay may misyon sa mundong ito.

ANO BA ANG MISYON NATIN?

Kapag sinabing MISYON ay KATUNGKULAN SA BUHAY. Sa madaling salita ay ang papel na ating ginagampanan sa mundong ito. Tayong lahat ay tinatawag ng diyos na maging misyonero sa mundong ito. Tayong lahat ay pwedeng maging misyonero.

Ang MISYONERO ay hindi lamang mga pari, seminarista, madre, tertiaries at consecrated life. Maging ang mga ordinaryong layko, may asawa o walang asawa ay pwedeng maging misyonero. 

Ang ating unang pilipinong santo na si San Lorenzo Ruiz ay naging misyonero sa Japan kasama ng ilang mga prayle at tercerang Dominican. Iniwan niya ang kanyang asawa at anak dito sa pilipinas para ipalaganap niya ang pananampalatayang katoliko doon sa Japan. At sa araw na ito ng 29th Sunday in Ordinary time, October 21, 2012 ay may isa namang pilipino ang idedeklara ng simbahan bilang santo at ngayon ay dalawa na ang santong pilipino sa katauhan ni Pedro Calungsod. Si San Pedro Calungsod ay isa rin katekista, masigasig niyang ipinalaganap ang pananampalatayang katoliko. Namatay siya bilang martir ng ating simbahan dahil sa pagpapahayag niya ng pananampalataya sa diyos.

Marami sa atin kapag ipinahayag ang ating pananampalataya sa diyos at ipinangaral ang ebanghelyo ng ating panginoon ay ito ang nagiging mitsa ng buhay natin. Marami sa mga santo at santa at maging ang mga misyonero ng ating simbahan ay pinatay dahil sa pagpapahayag ng pananampalataya sa diyos. Kahit ang ating panginoon matapos ang tatlong taon ng kanyang public ministry, siya ay hinatulang mamatay sa pamamagitan ng pagpako sa krus.

Dito sa Ebanghelyong (Mark 10:42-45) binasa natin ngayon, si Hesus ay dumating sa mundong ito hindi para siya ay paglingkuran na tulad ng hari kundi para siya ay maglingkod. Ang kanyang paglilingkod ay ang pag-aalay ng kanyang buhay sa krus para matubos ang ating mga kasalanan.

Ito ang pinakamalaking bagay na ginawa sa atin ni Hesus na ialay ang kanyang buhay sa krus. Sa pamamagitan ng krus ay naging matapang tayo sa pagpapahayag ng ating pananampalataya. Ito ang misyon natin sa mundong ito na ibalik natin sa panginoon ang pagmamahal na ibinuhos niya sa atin.

SA ANONG PARAAN NATING IBABALIK ITO?

SA PAMAMAGITAN NG PAKIKIBAHAGI NATIN SA MISYON NG SIMBAHAN NA IPALAGANAP ANG PANANAMPALATAYANG KATOLIKO SA BUONG MUNDO.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 


   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon CitySCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:

WEEKDAYS (Monday – Saturday):

AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NN

PM – 6:00

* Rosary, Mass with Liturgy of the Hour

SUNDAYS AND HOLYDAYS:

AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00

PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00

* 8:00 am – Conventual Mass

* 4:00 pm – Parish Mass

PERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pm

MASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES