WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

HALLOWEEN PARTY.

A Gospel Reflection on the Solemnity of All Saints, November 1, 2012.

JOHN REGINALD BAUTISTA  OP

Kapag sumasapit ang october 31, tayo ay nagsasagawa ng Halloween Party. Kapag tayo ay pumupunta at nagdiriwang ng halloween party, tayo ay nagsusuot ng mga katakut-takot na costume na gaya na lamang ng mga nakakatakot na maskara na sinusuot ng mga maliliit na bata at pati na rin ang mga kabataang kalalakihan at lahat ng mga kalalakihan ay nagsusuot ng maskara. Meron iba diyan ay naka-costume ng drakula, mangkukulam, nakasuot ng headban na may sungay. May ilang mga barangay o subdivision ay nagsasagawa ng Halloween parade, nandiyan ang mga nakasuot ng maskara at iba pang mga katakut-takot na costume.

ANO IYAN?

IPINAPARADA NINYO ANG MGA DEMONYO AT HALIMAW!

ANG MGA GANITONG PRACTICES AY MINANA NATIN SA MGA AMERIKANO,

HINDI NILA NAUUNAWAAN KUNG ANO BA ANG HALLOWEEN.

Akala nila ang HALLOWEEN ay tungkol sa mga HALIMAW, ASWANG, MANANANGGAL, TIKBALANG AT IBA PANG MGA NAKAKATAKOT!

MERON DIYAN MAY NAKA-DISPLAY PANG MANGKUKULAM NA NAKASAKAY SA WALIS PAPUNTANG LANGIT!

BINABASTOS NILA ANG ASSUMPTION NI MARIA!

Kaya tayo nagdiriwang ng halloween party ay sapagkat ito ay isang banal na gabi. Kaya nga tinawag na HALLOW EVE, ibig sabihin ay “HOLY NIGHT.”

ANG HALLOWEEN PARTY AY HINDI PARA SA MGA ASWANG, HALIMAW, TIKBALANG, MANANANGGAL, VAMPIRA, MANGKUKULAM AT IBA PA.

ANG HALLOWEEN PARTY AY PARA SA MGA BANAL,

KAYA ITO AY TINATAPAT NG OCTOBER 31 AY SAPAGKAT ITO AY GABI NG MGA BANAL AT BISPERAS NG Kapistahan ng Lahat ng mga Banal na ating ipinagdiriwang sa araw na ito ng Huwebes, November 1, 2012.

BAKIT IPINAGDIRIWANG NATIN ANG KAPISTAHAN NG LAHAT NG MGA BANAL?

Para tayo ay magkaroon ng MODELO SA ATING BUHAY KRISTYANO. Kaya sila ay naging banal ay sapagkat isinasabuhay nila ang ebanghelyo kahit sila ay pinag-uusig at pinahihirapan ng ibang tao. 

KUNG GAGAWIN NATIN ITO AT MAGIGING MATIBAY ANG ATING PANANAMPALATAYA SA DIYOS SA KABILA NG MGA PAG-UUSIG NA ITO AY MAY GANTIMPALA ANG DIYOS SA ATIN.

Dito sa Ebanghelyong (Matthew 5:1-12) binasa natin ngayon, tatawagin tayo ni Hesus na MAPALAD pagdating ng takdang araw, mapalad tayo ay sapagkat naging matibay ang ating pananampalataya sa diyos sa kabila ng mga pag-uusig na ating hinarap. Dahil sa ating pananampalataya ay nalampasan natin ang mga pagsubok na ito at nagtagumpay tayo sa pakikipaglaban natin sa buhay.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 


   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon CitySCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY: WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the Hour

SUNDAYS AND HOLYDAYS:

AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00

PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00

* 8:00 am – Conventual Mass

* 4:00 pm – Parish Mass

PERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pm

MASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES