WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

ANG PAG-IBIG AY BALANSE.

A Gospel Reflection on the 31st Sunday in Ordinary time, November 4, 2012.

JOHN REGINALD BAUTISTA  OP

Ang Ebanghelyong (Mark 12:28-34) binasa natin ngayong araw na ito ng 31st Sunday in Ordinary time, November 4, 2012 ay tungkol sa dalawang dakilang utos ng diyos.

ANO BA ANG DALAWANG DAKILANG UTOS NA ITO?

Ang sabi ni Hesus dito,

“MAHALIN MO ANG PANGINOON MONG DIYOS NANG BUONG PUSO, BUONG KALULUWA, BUONG PAG-IISIP AT BUONG LAKAS AT MAHALIN MO ANG IYONG KAPWA GAYA NG IYONG SARILI.”

PAANO BA NATIN MAPAPATUNAYAN NA MAHAL NATIN ANG DIYOS?

MADALING SABIHIN NA MAHAL NATIN ANG DIYOS,

MADALI NATING MAHALIN ANG DIYOS AY SAPAGKAT MINAHAL NIYA TAYO.

PERO PAANO BANG MAPAPATUNAYAN NA MAHAL MO ANG DIYOS?

Meron iba diyan pinapakita niya ang pagmamahal sa diyos sa pamamagitan ng pagsisimba, pagdarasal ng rosaryo at pagsama sa prusisyon ngLA NAVAL doon sa Santo Domingo Church  kamakailan lang ay ipinagdiwang natin ang kanyang  dakilang kapistahan. Madali nating sabihin na mahal natin ang diyos sa pamamagitan ng pagdalo natin sa mga rituwal ng simbahan.

Kaya nga ang tanong dito,

ANG PAGMAMAHAL BA NATIN SA DIYOS AY NATATAPOS LANG BA SA MGA RITUWAL SA SIMBAHAN?

HINDI PO.

HINDI NAGTATAPOS SA RITUWAL NG SIMBAHAN ANG PAGMAMAHAL NATIN SA DIYOS,

ANG PAGMAMAHAL NA GINAGAWA NATIN AY PANLABAS LAMANG.

ANG PAGMAMAHAL NATIN AY DAPAT BALANSE,

HINDI LANG TAYO PURO RITUWAL AT PAGSAMBA,

ANG PAGSAMBA NATIN SA DIYOS  AT ANG MGA SALITANG ISINASAMBIT NATIN SA PANALANGIN AY ISINASALIN NATIN SA GAWA AT DITO NGAYON PUMAPASOK ANG TINATAWAG NATING PAGMAMAHAL SA KAPWA.

LOVE GOD AND LOVE YOUR NEIGHBOR.

ANG PAGMAMAHAL AY DAPAT BALANSE.

Kung ang diyos na hindi mo nakikita ay MINAMAHAL MO,

EH PAANO NAMAN ANG KAPWA TAO NA IYONG NAKIKITA NA HINDI MO MINAMAHAL?

SINASABI MONG MAHAL MO ANG DIYOS PERO GALIT KA NAMAN SA IYONG KAPWA AY SINUNGALING KA!!!!

NAPAKALAKING KASINUNGALINGAN ANG GINAGAWA MONG NAGSISIMBA KA AT NAGDARASAL PERO HINDI MO BINIBIGYAN NG PAGKAKATAON NA MABUHAY ANG SANGGOL SA IYONG SINAPUPUNAN!!!!!!!!!!!!!

MAY ISANG SENADORA DIYAN, IPINAGMAMALAKI NIYANG NAG-ARAL SIYA NG THEOLOGY KUNO!!!!!

NAGSISIMBA RAW SIYA KUNO PERO SIYA PA ANG NAGSUSULONG NA MAIPASA ANG REPRODUCTIVE HEALTH BILL!!!!!!!!

GINAGAGO NINYO ANG DIYOS SA MGA KASINUNGALINGAN NINYO!!!!!!!!!!!!

YANG PAGPAPAHIRAP NINYO SA INYONG KAPWA!!!!!!!!!!

KASALANAN IYAN SA DIYOS!!!!!!!!!!!!!!!

TULAD NG SINABI KO KANINA, ANG PAGMAMAHAL AY DAPAT BALANSE.

KUNG MAHAL NATIN ANG DIYOS AY DAPAT MAHALIN NATIN ANG KAPWA TAO.

Tignan ninyo si San Martin De Porres, ibinuhos niya ang kanyang panahon sa pagpapagaling sa mga maysakit at pagpapakain sa mga mahihirap. Si San Martin ay binansagang patron ng SOCIAL JUSTICE ay sapagkat pinairal niya ang katarungan ng diyos lalo na sa mga mahihirap nating kapatid.

Kaya alam ninyo kapag may mga weather disturbance sa ating bansa gaya ng bagyo, pagbaha at nitong nakarang habagat, ang Santo Domingo Church sa Quezon City ay nagiging evacuation center para sa mga biktima ng baha diyan sa Barangay Tatalon at Barangay Santo Domingo at iba pang residente ng Quezon City. Kaligayahan ng mga Prayleng Dominikano  sa Santo Domingo Church ang makatulong sa kapwa. Ang Pagtulong sa kapwa at pagsagip sa buhay ng ibang tao ay isang paraan para mapatunayan natin na mahal natin ang diyos.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 

 

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY: 
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the Hour

SUNDAYS AND HOLYDAYS:

AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00

PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00

* 8:00 am – Conventual Mass

* 4:00 pm – Parish Mass

PERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pm

MASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES