WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

TAONG 2012.

A Gospel Reflection on the 33rd Sunday in Ordinary time, November 18, 2012.

JOHN REGINALD BAUTISTA  OP

 

Ilang taon ang nakalipas nang ipalabas sa sine ang  2012. Ito ay naglalaman tungkol sa mga mangyayari sa taong ito ng 2012. May ilan din nagsasabi na maraming mga kalamidad at kaguluhan ang mangyayari sa taong ito at ito ay natutupad na, may nagsasabi rin na matatapos na raw ang Mayan Calendar sa darating na December 21, 2012. At may mga nagsasabi rin na bago daw matapos ang taong ito ay magaganap ang tinatawag na THE GREAT TRIBULATION, dito daw magaganap ang kaparusahan ng diyos at magkakaroon daw ng tinatawag na 3 days of darkness. Sinasabi nila na kapag hindi raw nabasbasan ang kandila na gagamitin sa loob ng 3 days of darkness na ito ay HINDI RAW MAGSISINDI.

Kung naririnig natin ang mga bagay na ito, DAPAT BA TAYONG MANIWALA SA MGA SINASABI NILA?

Kung inyong natatandaan, MAY NAGSABI RIN NA MAGUGUNAW NA RAW ANG MUNDO NOONG MAY 21, 2011!

OH!

HANGGANG NGAYON AY BUHAY PA TAYO.

Kaya ito lang ang sasabihin ko sa inyo,

ANG PAGGUNAW NG MUNDO O ANG ARAW NG PAGDATING NG PANGINOON AY WALANG NAKAKAALAM.

SINO KA PARA MAGSABI SA MGA TAO NA ANG KATAPUSAN NG MUNDO AY MANGYAYARI SA TAONG ITO NG 2012?!!!!!!!!!

SINO KA PARA SABIHIN SA MGA TAO NA MARAMI ANG MANGYAYARI BAGO MATAPOS ANG TAONG ITO NG 2012?!!!!!!!!

ANG SIMBAHAN  HINDI NAGSASABI NG GANITO!

ANG LAGING IPINAPAALALA SA ATIN NG SIMBAHAN AY MAGSISI TAYO SA MGA KASALANAN AT MAGBALIK-LOOB TAYO SA DIYOS!

HINDI SINASABI NG SIMBAHAN NA MAGSISI NA KAYO SA MGA KASALANAN NINYO DAHIL MAGUGUNAW NA ANG MUNDO SA DECEMBER 21, 2012!!!!!!!!

KAHIT NGA SI HESUS  AY HINDI NIYA ALAM KUNG KAILAN SIYA DARATING!

ANG AMA LAMANG ANG NAKAKAALAM KUNG KAILAN ANG ITINAKDA NIYANG ARAW PARA SA MULING PAGDATING NI KRISTO!

Malinaw iyan na sinabi ni Hesus dito sa Ebanghelyo (Mark 13:24-32) na ating binasa ngayong araw na ito ng 33rd Sunday in Ordinary time, November 18, 2012.

ANO ANG SINABI NI HESUS DITO?

“NGUNIT WALANG NAKAAALAM SA ORAS AT ARAW NA IYON KAHIT NA ANG MGA ANGHEL SA LANGIT O ANG ANAK, ANG AMA LAMANG ANG NAKAAALAM.”

PINANGUNGUNAHAN NINYO ANG DIYOS!!!!!!!!!!!

GUSTO NINYONG IPAGMALAKI SA MGA TAO NA MAS MAGALING PA KAYO KAYSA SA DIYOS!!!!!!!!!!!

KAYA AKO AY NABUBUWISIT AT NAGAGALIT NG GANITO!!!!!!!

SAPAGKAT ANG MISMO PANG NAGSASABI NG MGA ITO AY MGA MIYEMBRO PA NG ILANG TRANSPAROCHIAL CHARISMATIC GROUP AT ISANG MARIAN GROUP DIYAN SA CALOOCAN!!!!!!!!!!!

NATURINGAN PA KAYONG MGA MIYEMBRO NG GANITONG GRUPO TAPOS GANITO PA ANG PANANAW NINYO!!!!!!!!!!!

PINANINIWALAAN NINYO ANG PELIKULANG 2012!!!!!!!!!!

HINDI KAYO SUMUSUNOD SA TURO NG SIMBAHAN!!!!!!!!!

GUMAGAWA PA KAYO NG SARILING INTERPRETASYON PARA GULUHIN ANG ISIP NG MGA TAO AT TAKUTIN ANG MGA TAO!!!!!!!!!!

DAPAT ANG GINAGAWA NINYO AY NAGBIBIGAY KAYO NG PAGHUHUBOG SA MGA TAO PARA HUBUGIN SILA SA PANANAMPALATAYANG KATOLIKO AT HINDI PARA TAKUTIN ANG MGA TAO!!!!!!

Tulad ng sinabi ko kanina, ANG SIMBAHAN AY HINDI NAGSASABI NA ANG KATAPUSAN NG MUNDO AY MANGYAYARI SA TAONG ITO NG 2012!

SINASABI NG SIMBAHAN NA MALAPIT NA ANG KATAPUSAN NG MUNDO AT TAYO AY PAPALAPIT NA SA KATAPUSAN NG MUNDO PERO WALANG NAKAKAALAM KUNG KAILAN MANGYAYARI ITO.

KAHIT MISMO ANG SANTO PAPA, ANG MGA OBISPO, KAPARIAN, SEMINARISTA AT RELIHIYOSO AY HINDI ALAM KUNG KAILAN ANG KATAPUSAN NG MUNDO.

LALO NA MISMO ANG PANGINOON AT MGA ANGHEL AY HINDI ALAM KUNG KAILAN ITO MANGYAYARI.

Ang mahalaga sa panahong ito, TAYO AY MAGHANDA SAPAGDATING NG PANGINOON.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 

 

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY: 
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish Mass

PERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pm

MASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES