WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

Katolikong Katesismo on the 1st Sunday of Advent, December 2, 2012.

ANG KORONA NG ADBIYENTO.

 

Ang ADBIYENTO ay hango sa salitang latin na ADVENTUS na ang ibig sabihin ay ANG PAGDATING NG TAGAPAGLIGTAS. Ang ibig sabihin nito sa salitang Griyego na PAROUSIA  napapatungkol sa IKALAWANG PAGDATING NG ATING TAGAPAGLIGTAS.

Ang panahong ito ay may dalawang pakahulugan:

1. ANG PAG-ALAALA NATIN NOONG IPINANGANAK SI HESUS SA BETHLEHEM at

2. ANG PAGHIHINTAY SA MULING PAGBABALIK NI HESUS SA MUNDO.

Ito ay panahon ng pagpapabanal ng mga kristyano, sa kadahilanang ang lahat ay naghihintay at naghahanda sa pagdiriwang  ng Kapanganakan ni  hesus, na mas kilala sa katawagan ng mga pilipino na PANAHON NG KAPASKUHAN. Ito rin ay hudyat ng pagpasok ng panibagong panahon sa Liturhikal na Kalendaryo. Kasabay ng pag-aalala ay panahon din ng PAGBABALIK-LOOB upang tayo’y maging malinis at banal sa panahon ng Kapaskuhan.

Ang Adbiyento ay nagpapatungkol din sa apat na linggo bago ang Panahon ng Kapaskuhan. Ang Apat na Linggo ng Adbiyento ay karaniwang ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagsisindi sa apat na kandila na sinisindihan sa bawat linggo nito,

Ito ay tinatawag na ADVENT WREATH,

ito ay may apat na kandila na nakapatong sa bilog na lalagyan.

Ang Bilog na bagay ay nagpapakahulugan na WALANG HANGGAN.

Ang bawat Kandila ay may kahulugan na nakakawing sa iba’t-ibang aspeto ng kasaysayan ng Adbiyento.

Ang UNANG LINGGO ay nagsisimbolo sa PAG-ASA.

Ang IKALAWANG LINGGO ay sumisimbolo kung hindi sa pag-asa ay sa KAPAYAPAAN.

Ang IKATLONG LINGGO ay nagsisimbolo sa TUWA O LIGAYA na si HESUS AY PARATING NA.

At ang IKA-APAT NA LINGGO ay nagsisimbolo sa BISPERAS NG KAPANGANAKAN NI  HESUS.

Ang mga Pari ay nagsusuot ng mga vest na kulay Ube o Biyoleta. Kapansin-pansin din ang hindi pag-awit ng Gloria o Papuri sa kadahilanang tayo ay nasa panahon pa ng paghihintay, maliban sa ating tradisyon bilang mga pilipino, ina-awit ang Gloria o Papuri sa SIMBANG GABI tanda na tayo’y masayang naghahanda sa pagnonobena para sa kapanganakan ng ating tagapagligtas.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 

 

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY: 
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES