WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

PATAG AT MAAYOS NA DAAN.

A Gospel Reflection on the 2nd Sunday of Advent, December 9, 2012.

Sa panahong ito ay marami ang inaayos na mga kalsada, halos sabay-sabay ang pagpapaayos ng mga kalsada. Kahit saan tayo magpunta ngayon ay puro sira at pagkukumpuni ng mga kalsada ngayon. Inaayos ito ay sapagkat kailangan pataasin ang mga kalsada para makaiwas sa tubig baha, kinakailangan alisin ang mga lubak sa kalsada para maging maayos ang daraanan ng mga tao lalo na ang mga sasakyan. Ang ibang mga highway ngayon ay nagtayo na ng mga flyover para makaiwas na rin sa mabigat na daloy ng trapiko at maging mabilis ang daloy ng sasakyan.
BAKIT KAILANGAN AYUSIN ANG MGA KALSADA?
Para maging maayos ang daraanan ng mga tao at makaiwas na rin sa tubig baha. Kahit ilang beses pa tayong magpataas ng kalsada kung puno naman ng basura ang drainage system ay babaha at babaha pa rin ang mga kalsada. Kinakailangan linisin at alisin ang mga basura sa drainage system at ipagbawal ang pagtatapon ng basura sa mga lansangan. Kung ang pag-iwas sa baha ay pinaghahandaan natin sa pamamagitan ng pagpapaayos ng mga kalsada,
PAANO NAMAN NATIN NGAYONG PINAGHAHANDAAN ANG PAGDATING NG PANGINOON?
Sinasabi ni Juan Bautista dito sa Ebanghelyong (Luke 3:1-6) binasa natin ngayong araw na ito ng 2nd Sunday of Advent, December 9, 2012;
“IHANDA ANG DAAN PARA SA PANGINOON AT ITUWID ANG KANYANG LANDAS.”
ANO ANG IBIG SABIHIN NITO?
LINISIN ANG ATING PAGKATAO, ALISIN ANG MGA BASURA SA ATING KALOOBAN AT MAGSISI SA MGA KASALANAN.
ITO rin ang mga NAKAKABARA kung bakit HINDI PUMAPASOK SA ATIN ANG BIYAYA NG DIYOS.
MARAMI SA INYO AY NAGDARASAL AT NAGMAMAKAAWANG HUMINGI NG BIYAYA SA DIYOS PERO MAY MGA KAAWAY NAMAN KAYO,
GUMAGAWA NAMAN KAYO NG KASALANAN,
HINDI MO KINAKAUSAP ANG BIYENAN MO, ANG ASAWA AT MGA ANAK MO.
PAANO DADALOY SA INYO ANG BIYAYA NG DIYOS?
Ganun din sa pagdating ng panginoon sa buhay natin, para maramdaman natin ang kanyang pagdating ay DAPAT MAGING MALINIS TAYO PARA MAAYOS ANG KANYANG PAGPASOK SA BUHAY NATIN.
EH KUNG PUNO KA NAMAN NG KASALANAN MO AT HINDI MO PA RIN INAAMIN ANG MGA KASALANAN MO AY HINDI PA RIN DARATING ANG PANGINOON SA BUHAY MO AT LALO KA PANG PAHIHIRAPAN SA MGA SAKIT MO!
MATATAPOS LAMANG ANG PAGHIHIRAP MO KUNG IKAW AY MAGSISISI NA SA MGA KASALANAN MO AT INAAMIN MO NA ANG MGA KASALANAN MO.
UMAMIN KA LANG SA KASALANAN MO!


DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 

 

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY: 
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES