WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents.

SEEKING THE FACE OF JESUS.

Advent Retreat ng Barkada, Saturday, December 15, 2012.

 Ang taong 2012 hanggang 2013 ay idineklara ng ating
Pope na si Benedict XVI ang YEAR OF FAITH o TAON NG PANANAMPALATAYA. Kaugnay sa pagdiriwang na ito, ang simbahan
ay nag-aanyaya sa atin na IPAGDIWANG, SARIWAIN, ISABUHAY, MAG-ARAL at IPAHAYAG ANG ATING PANANAMPALATAYANG KATOLIKO.  Kaya ito ang tema ng ating Advent Retreat ngayong araw na ito ng Sabado, Disyembre 15, 2012 ay “SEEKING THE FACE OF JESUS.” 

Kung titignan natin ang Ebanghelyo ni San Lucas 19:1-10, si Zakeo ay gustong makita si Hesus. Dahil sa dami ng mga taong lumalapit kay Hesus ay hindi siya agad nakita ni Zakeo. Si Zakeo ay isang pandak at hindi niya nakita si Hesus.

Para makita ni Zakeo si Hesus,

ANO ANG GINAWA NIYA?

Siya ay umakyat sa puno ng sikomoro at dun niya nakita si Hesus.

Sa buhay natin, lahat tayo ay nagiging Zakeo, patuloy nating hinahanap ang kasagutan sa mga tanong sa ating buhay. Patuloy tayong naghahanap ng mga milagro para mapatunayan at maramdaman natin ang presensya ng diyos sa ating buhay. Doon na lang sa Santo Domingo Church sa Quezon City, kapag fiesta ng IMAHEN NG OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL tuwing Second Sunday of October taun-taon ay maraming mga Zakeo na gustong makita at makalapit sa Imahen ng BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL. Kaya ang ginagawa ng ilang mga deboto ng LA NAVAL ay sumasampa sa mga bangkopara lamang makita ang imahen ng LA NAVAL sa kanyang paglabas at pagpasok sa Santo Domingo Church hanggang sa iluklok at iakyat ang imahen ng LA NAVAL DE MANILA sa kanyang trono doon sa Santo Domingo Church.

BAKIT MARAMI ANG LUMALAPIT SA IMAHEN NG OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL DOON SA SANTO DOMINGO CHURCH SA QUEZON CITY?

SAPAGKAT ANG IMAHEN NG OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL DOON SA SANTO DOMINGO CHURCH AY MAKAPANGYARIHAN AT MILAGROSA DAHIL IPINAGKAKALOOB NIYA ANG BIYAYA NG DIYOS SA MGA TAONG LUMALAPIT SA KANYA DOON SA SANTO DOMINGO CHURCH.

Kaya ang mga Deboto ng LA NAVAL ay patuloy na nagsisikap na makita at makalapit sa IMAHEN NG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA doon sa Santo Domingo Church. At Ganun din ang ating panginoon, kaya sinikap ni Zakeo na makita ang panginoon ay sapagkat siya ay may pananampalataya sa diyos. At alam ni Zakeo na si Hesus ay nagpapamalas ng mga himala kaya siya lumapit sa ating panginoon.

Ito ang magandang pagnilayan natin ngayong panahon ng Adbiyento.

TAYO BA AY HINAHANAP NATIN ANG PANGINOON SA ATING BUHAY?

PAANO BA NATIN HINAHANAP SI HESUS?

SAAN BA NATIN MAKIKITA SI HESUS?

KATULAD DIN BA TAYO NI ZAKEO NA NAGSISIKAP NA HANAPIN AT MAKITA SI HESUS?

Ilang araw na lang ay pasko na at isisilang na si Hesus sa sabsaban sa Bethlehem. Patuloy siyang naghihintay para tayo ay makalapit sa kanya at ipakilala siya sa mga tao.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES