WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

   SIMBANG GABI 2012.

ANG TANDA NG PASKO.

A Gospel Reflection on the 1st day of Simbang Gabi, 3rd Sunday of Advent, December 16, 2012.

Dito sa pilipinas, sa pagpasok pa lamang ng BER months; September, October, November at December ay naririnig na natin ang mga Christmas songs na pinatutugtog sa mga malls at maging sa ilang mga tahanan. Sa mga shopping malls ay marami nang mga binebenta na Christmas Decors at iba pang mga palamuti sa pasko. Ang mga nakikita nating ito ay senyales na malapit na ang pasko.
Sa araw na ito ng 3rd Sunday of Advent, December 16, 2012 ay sinisimulan na natin ang siyam na araw na paghahanda para sa pasko, ito ay tinatawag na Simbang Gabi. Tayo ngayon ay nasa Unang araw ng Simbang Gabi, tayong lahat ngayon ay dumadalo sa simbang gabi para ihanda ang ating sarili sa pagdating ng ating panginoon ngayong darating na pasko. Ang Ebanghelyong (Luke 3:10-18) binasa natin ngayon ay tungkol sa tanda ng pasko, the sign of christmas.
ANO BA ANG MGA TANDA NG PASKO?
Sa Ebanghelyong binasa natin ngayon ay may tatlong bahagi na nais kong bigyan ng diin para tayo ay maghanda sa darating na kapaskuhan:
Una, sinabi ni Juan Bautista dito;
“ANG MAY DALAWANG BALABAL AY MAGBIGAY SA TAONG WALA AT GAYON DIN ANG GAWIN NG MAY PAGKAIN.”
Marami sa atin ay bili tayo nang bili ng mga gamit gaya ng mga bagong damit. Hindi natin namamalayan na ang ating closet ay punung-puno ng mga damit, halos nag-uumapaw na ang mga damit sa ating closet. Hindi lahat ng damit ay nagagamit natin.
ANO ANG NANGYAYARI SA MGA DAMIT NA HINDI NAGAGAMIT?
NAKATAGO lang.
So dapat ang mga damit na iyan ay dapat IPAMIGAY MO NA,
HINDI NA IYAN SA IYO EH!
MARAMI TAYONG MGA KAPATID DIYAN AY WALANG MAISUOT NA DAMIT,
SO DAPAT TAYO AY NAGBIBIGAY NG DAMIT PARA SA KANILA.
KUNG HINDI MO IBIBIGAY SA IBA ANG MGA DAMIT NA HINDI MO NA ISINUSUOT AY MAITUTURING KANG MAGNANAKAW DAHIL INAANGKIN MO ANG MGA DAMIT NA HINDI MO NA NAGAGAMIT.
Ganun din sa PAGKAIN,
Alam naman natin na kapag pasko ay marami tayong mga nakahandang pagkain sa mesa. Nandiyan ang lechon, mga karneng baboy,  at iba pang mga pagkain sa mesa.
SARAP NA SARAP TAYONG KUMAKAIN NG MGA PAGKAING NAKAHANDA SA PASKO PERO MAY MGA KAPATID TAYONG NAGUGUTOM AT WALANG MAKAIN DAHIL WALANG PAGKAING NAKAHANDA SA KANILANG MESA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ANG IBA SA KANILA AY NAMUMULOT NG PAGKAIN SA BASURAHAN PARA MAY MAKAIN SILANG MAG-ANAK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
SA MGA LUGAR NA SINALANTA NG BAGYONG PABLO HALOS KARAMIHAN SA KANILA AY HINDI NA KUMAKAIN!!!!!!!!!
ANO ANG GINAGAWA MO PARA SA KANILA?!!!!!!!!!
KAIN KAYO NANG KAIN!!!!!!!!!!!!!
KAIN DITO!!!!!!!!!!!! KAIN DOON!!!!!!!!!!!!!
KUNG SAAN-SAAN PA KAYO KUMAKAIN!!!!!!!!!!!!!!
NAKIKITA NINYO ANG MGA PULUBI SA LABAS NA LUMALAPIT SA INYO PARA HUMINGI NG PAGKAIN PERO ANO ANG GINAGAWA NINYO?!!!!!!!!!!
WALA!!!!!!!!!!!
NAGPIPIKIT-MATA LANG KAYO!!!!!!!!!!!!!!!
SARILI LANG ANG TINITIGNAN NINYO!!!!!!!!!!!
SARILI LANG ANG INIISIP NINYO NA KAYO LANG ANG MABUBUSOG!!!!!!!!!!!!!!!
HINDI NINYO INIISIP ANG SIKMURA NG INYONG KAPWA!!!!!!!!!!!!!!
KAYA MARAMI SA INYO AY NAGKAKASAKIT GAYA NG HYPERTENSION, SAKIT SA PUSO, SAKIT SA BATO, DIABETES AT IBA PA AY DAHIL MGA SAKIM KAYO!!!!!!!!!!!
MAKASARILI KAYO!!!!!!!!!!!!
WALA KAYONG PAKIALAM SA KAPWA!!!!!!!!!!!
ANG DAMI NINYONG PAGKAIN SA MESA,
MARAMI NA NAMAN KAYONG IHAHANDANG PAGKAIN SA MESA NGAYONG DARATING NA PASKONG ITO.
Sana naman ibahagi ninyo sa iba ang pagkaing nakahanda sa inyong mesa. Magkaroon kayo ng feeding program ngayong kapaskuhan, magkaroon din kayo ng gift giving ngayong kapaskuhan.
ANO MAN ANG SOBRA SA INYO AY IBIGAY NINYO NAMAN SA IBA PARA SILA RIN AY MAKATIKIM NG BIYAYA NG DIYOS.
Pangalawa, sinasabi ni Juan Bautista dito;
“HUWAG KAYONG MANINGIL NG HIGIT SA IPINAG-UUTOS SA INYO.”
AYAN, KAYONG MGA NAGPAPAUTANG DIYAN AH!
IPINAPAUTANG NINYO SA IBA ANG PERA NINYO PAGKATAPOS KAPAG KAYO AY NANINGIL AT HINDI NABAYARAN SA TAKDANG ORAS ANG UMUTANG SA INYO AY DINADAGDAGAN NINYO PA AT GINAGATUNGAN NINYO PA ANG KANILANG BABAYARIN PARA SA INYO!
KAYA MARAMING MGA BOMBAY DIYAN AY PINAPATAY DAHIL GANYAN ANG LIFESTYLE NILA,
KAPAG HINDI NAKABAYAD SA TAKDANG ORAS ANG UMUTANG SA KANILA AY GAGATUNGAN PA NILA,
MALI PO IYON!
SO DAPAT KUNG ANO ANG IPINAHIRAM MO AY YUN DIN ANG IBABALIK NILA SA INYO AT HUWAG KAYONG MANDADAYA!
KAYONG MGA NEGOSYANTE DIYAN,
DINADAYA NINYO ANG MGA CUSTOMER NINYO KAYA MALAKI ANG NAIBABAYAD NILA SA INYO!
HUWAG NAMAN KAYONG GANYAN,
KUNG ANO LANG ANG HALAGA NG PRODUKTONG IBINENTA NINYO AY YUN LANG,
HUWAG NINYONG PAPALITAN O DADAGDAGAN PARA LAMANG KAYO AY MAKAPAGBULSA NG PERA AT MAKALAMANG NG KAPWA!
MAGING TAPAT KAYO SA INYONG MGA CUSTOMER AT PAIRALIN NINYO ANG KATAPATAN.
Pangatlo, sinasabi ni Juan Bautista dito,
“HUWAG KAYONG MANGIKIL O MAGPARATANG NANG DI-TOTOO KANINO MAN, MASIYAHAN KAYO SA INYONG SUWELDO.”
KAYONG MGA PULIS DIYAN!
MAGALING KAYONG MANGHULI NG MGA TRAFFIC VIOLATOR AT NANGINGIKIL PA KAYO!!!!!!!
MAGALING KAYONG HUMINGI NG LAGAY SA MGA TAONG LUMALABAG SA BATAS TRAPIKO!
PERO ANG TUNGKULIN NINYO NA PAIRALIN ANG KAAYUSAN, KAPAYAPAAN AT KATAHIMIKAN SA ATING LUGAR AY HINDI NINYO NAGAGAMPANAN!
KAYA NGA KAYO NAGING PULIS AY PARA KAYO AY MAGBIGAY NG PROTEKSYON SA MGA TAO!
KASO ANG NANGYAYARI NGAYON, ANG PULIS AY SIYA PANG KINAKATAKUTAN NG MGA TAO!
BAKIT?
DAHIL NAUUBOS ANG LAMAN NG BULSA NG MGA TAO DAHIL SA PANGINGIKIL NG ILANG MGA KAPULISAN.
HUWAG NAMAN SANA KAYONG GANYAN,
KUNG ANO MAN ANG SWELDONG NATATANGGAP NINYO AY MASIYAHAN NA KAYO,
MAKUNTENTO KAYO KUNG ANO ANG IBINIGAY SA INYO.
Sana sa paskong ito ay pairalin natin ang PAGBIBIGAYAN, KATAPATAN at KATARUNGAN sapagkat ito ang TANDA NG PASKO.
    

SIMBANG GABI 2012.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES


   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES