WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

   SIMBANG GABI 2012.

HUBAD.

A Gospel Reflection on the 2nd day of Simbang Gabi, Monday, December 17, 2012.

KAILAN BA TAYO NAGHUHUBAD?
Kapag tayo ay naliligo at nagpapalit ng damit. O kaya naman kapag mainit ang panahon lalo na tayong mga kalalakihan ay naghuhubad tayo. May dahilan din kung bakit kailangan nating maghubad. Halimbawa sa pagligo natin noh, hindi tayo pwedeng maligo na nakadamit, kinakailangan hubarin ang damit sa ating katawan para alisin ang mga dumi o libag sa ating katawan.
Sa ating Ebanghelyo (Matthew 1:1-17) ngayong ikalawang araw ng Simbang Gabi, Lunes, Disyembre 17, 2012 ay narinig natin ang tungkol sa angkan ni Hesus. Ang lahing pinagmulan ni hesus  ay mga makasalanan, immoral at mamamatay-tao. Pero ang malaking tanong dito,
BAKIT IBINILANG SI HESUS SA MGA MAKASALANAN?
May dahilan ang diyos kung bakit ibinilang si Hesus sa lahi ng mga makasalanan.
ANG MUNDO NATIN AY NAPAKASAMA!
ILANG PROPETA NA ANG IPINADALA NG DIYOS PARA MAGBAGO ANG MGA TAO?!
WALA RIN PAGBABAGO ANG MGA TAO!
MATIGAS PA RIN ANG ULO NG MGA TAO AT SUMASAMBA PA RIN SA MGA DIYUS-DIYOSAN!
PATULOY PA RIN NILANG NIYAYAKAP ANG GAWAING MAKASALANAN!!!!!
AT DAHIL DITO AY NINAIS NG DIYOS NA IPADALA SI HESUS SA ATIN PARA TAYO AY MAGBAGO AT MAGBALIK-LOOB SA KANYA.
Si Hesus ang katuparan ng plano ng diyos para sa kaligtasan ng mundo.
PAANO TINUPAD NI HESUS ANG KANYANG MISYON?
Sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang sarili sa krus. Kung titignan ninyo si hesus na nakapako sa krus, siya  ay HUBAD, HINUBAD ANG KANYANG PAGKA-DIYOS PARA YAKAPIN ANG MGA MAKASALANAN, MALIGTAS SA WALANG HANGGANG KAPARUSAHAN AT MAGBAGO ANG ATING BUHAY.
Ang pagiging hubad  isang paraan para linisin ang ating pagkatao.
KUNG HINDI TAYO MAGHUHUBAD AY NANDIYAN PA RIN ANG DUMI AT HINDI MALILINIS ANG ATING BUONG KATAWAN.
Sa paskong ito, si hesus ay darating para tayo ay maghubad, huhubarin ni hesus ang ating magiging makasalanan, huhubarin ni hesus ang ating maskara ng pagkukunwari at maging totoo tayo sa harapan ng diyos. Si Hesus ay naparito sa mundong ito para tayo ay maging malinis sa harapan ng diyos. Kaya niya hinubad ang kanyang pagka-diyos ay para maging kapantay natin bilang mga tao.
    

SIMBANG GABI 2012.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES


   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES