WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

   SIMBANG GABI 2012.

PRAYER AND DISCERNMENT.

A Gospel Reflection on the 3rd day of Simbang Gabi, Tuesday, December 18, 2012.

Sa buhay natin, tayo ay may mga binabalak o pinagpaplanuhan.
ANO BA ANG PLANO NATIN SA BUHAY?
Bago tayo gumawa ng plano o mga hakbang para matupad ang plano na iyon, tayo ay nagdarasal at nagdi-discern kung ito ba ang mga binabalak natin, ang mga plano natin sa buhay ay naaayon ba sa kalooban ng diyos.
Sa Ebanghelyong (Matthew 1:18-25) binasa natin ngayong araw na ito ng Martes, Ikatlong araw ng Simbang Gabi, Disyembre 18, 2012, si Jose ay binalak na hiwalayan si Maria.
BAKIT NIYA HIHIWALAYAN SI MARIA?
Sapagkat ang sanggol na dinadala ni Maria sa kanyang tiyan ay hindi galing kay Jose, yun ay galing sa espiritu santo.
HINDI NAGTALIK SINA JOSE AT MARIA PARA ANG MAGING BUNGA AY SI HESUS.
Kaya nga si MARIA ay tinawag na BIRHEN sapagkat HINDI SIYA GINALAW NI JOSE.
Malaking insulto kay Jose iyan, nag-engage pa lang sila ni Maria ay nabuntis na si Maria. At ang masakit pa nito ay hindi si Jose ang ama ng dinadalang bata sa tiyan ni Maria. Ngayon nakita ng diyos ang binabalak ni Jose ang kanyang pagtatangkang hiwalayan si Maria, ipinadala ng diyos ang anghel Gabriel para sabihin kay Jose na HUWAG NIYANG HIWALAYAN SI MARIA AT PAKASALAN NIYA SI MARIA. 
Mabuti na lang marunong makinig si Jose at pinagnilayan niya ang mga sinabi ng anghel sa kanyang panaginip. Si Jose ay nanalangin at nag-discern na pakasalan niya si Maria.
EH KUNG HINDI NIYA PINAKASALAN SI MARIA NA NAGDADALANG-TAO,
ANG MANGYAYARI KAY MARIA AY BABATUHIN HANGGANG SA ITO AY MAMATAY DAHIL SA PAG-AAKALANG NAKI-APID SI MARIA SA IBANG LALAKI.
Ganyan ang batas nung panahon nila na kapag nakiapid ang isang babae, ito ay papatayin sa pamamagitan ng pagbabato.
Inisip din ni Jose ang kapakanan ni Maria.
PINAIRAL NI JOSE ANG KANYANG KONSENSYA.
Sa buhay natin bago tayo gumawa ng hakbang ay humingi tayo ng gabay sa panginoon KUNG ANG MGA PLANO BA NATIN AY NAAAYON SA KALOOBAN NG DIYOS O HINDI? Kinakailangan sa ating panalangin ay magkaroon tayo ng discernment at alamin kung ano ba ang plano ng diyos para sa atin.
    

SIMBANG GABI 2012.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES


   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES