WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

   SIMBANG GABI 2012.

ANG KALOOBAN NG DIYOS.

A Gospel Reflection on the 4th day of Simbang Gabi, Wednesday, December 19, 2012.

 JOHN REGINALD BAUTISTA 

PAANO NATIN MALALAMAN ANG KALOOBAN NG DIYOS?
Malalaman natin ang kalooban ng diyos sa pamamagitan ng ating panalangin. Kapag tayo ay nananalangin ay kinakausap natin ang diyos. Kapag tayo ay nagdarasal, madalas ay puro tayong hingi, HINGI LANG TAYO NG HINGI SA DIYOS. Ngayon, tayo ay nasa Ika-apat na araw ng Simbang Gabi, Miyerkules, Disyembre 19, 2012, tayo  ay dumadalo sa simbang gabi ay sapagkat may mga hinihingi tayo sa diyos.
HUMIHINGI KAYO NA SANA AY MAKAPASA KAYO SA EXAM,
HUMIHINGI KAYO NA SANA AY MAGKAROON NA KAYO NG TRABAHO,
HUMIHINGI KAYO NA SANA AY MAKAPAG-ARAL AT MAKAPAGTAPOS NG KOLEHIYO,
HUMIHINGI KAYO NA SANA AY MANALO KAYO SA LOTTO,
HUMIHINGI KAYO NA SANA AY MAGKAROON NA KAYO NG ASAWA,
HUMIHINGI KAYO NA SANA AY MAGKAROON NA KAYO NG ANAK.
Ang dami nating hinihingi sa diyos, halos maturete na ang tenga ng diyos sa dami ng mga humihingi sa kanya. Kaya kapag tayo ay nagdarasal ay kausapin natin ang diyos at alamin kung ano ang kanyang kalooban.
Sa Ebanghelyong (Luke 1:5-25) binasa natin ngayon, ang mag-asawang Zacarias at Elizabeth ay humiling sa diyos na sila ay magkaanak. Kung kailan tumanda na ang mag-asawang Zacarias at Elizabeth ay dun pa lang sila nagkaroon ng anak. Minsan hindi natin maintindihan ang kalooban ng diyos kung bakit kinakailangang ma-delay ang ating mga hinihingi sa kanya. Madalas ay nade-delay ang mga plano natin sa buhay kaya dito ay nagkakaroon tayo ng FRUSTRATIONS. Kaya kung nade-delay man ang mga plano natin sa buhay ay marahil hindi pa itong napapanahon para sa atin.
Ako personally ay nasasaktan ng ganito, may mga bagay akong pinaghirapan ng ilang taon para makamit ko ang tagumpay tapos sa bandang huli ay MAUUWI LANG SA WALA ANG MGA PINAGHIRAPAN KO NG ILANG TAON!
TAPOS NGAYON AY MERON PA AKONG IBANG PLANO, NABUBULILYASO PA!
NAHADLANGAN PA!
KAYA MINSAN AY HINDI KO RIN MAINTINDIHAN KUNG ANO BA TALAGA ANG KALOOBAN NG DIYOS PARA SA AKIN!
BAKIT KINAKAILANGAN PAHIRAPAN PA ANG AKING KALOOBAN SA KABILA NG PAGLILINGKOD NA GINAGAWA KO PARA SA DIYOS?!
Kaya minsan ay tinatanong ko rin ang diyos;
“BAKIT GANITO ANG GINAWA MO SA AKIN?!
ANO BA ANG NAGING KASALANAN AT PAGKUKULANG KO SA IYO?!
HINDI NAMAN AKO NAGKULANG SA IYO PERO BAKIT GANITO PA ANG IBINIGAY MO SA AKIN?”
Kaya alam ninyo kapag nakakaranas ako ng frustrations sa buhay ay PINAGHIHINAAN AKO NG LOOB.
KAHIT NA AKO AY NAGAGALIT NGAYON SA PANGINOON,
KAHIT NA AKO AY NAGTATAMPO SA PANGINOON AY NANDITO PA RIN AKO, NANGANGARAL PA RIN NG EBANGHELYO, NAGDARASAL PA RIN AT NAGSISIMBA PA RIN AKO.
Hanggang ngayon ay hinahanap kopa rin ang kalooban ng diyos para sa akin.
    

SIMBANG GABI 2012.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES


   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES