WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.
SIMBANG GABI 2012.
PAANO MANGYAYARI ITO?
A Gospel Reflection on the 5th day of Simbang Gabi, Thursday, December 20, 2012.
Ang Pagtawag sa atin Diyos ay isang misteryo.
BAKIT TAYO ANG NAPILI NG DIYOS?
Sa dinami-dami ng mga makasalanan sa mundo ay TAYO PA ANG PINILI NG DIYOS?
Minsan ito rin ang tinatanong natin sa ating sarili,
PAANO MANGYAYARI ITO?
PAANO NANGYARI NA AKO AY TINAWAG SA GANITONG URI NG PAMUMUHAY SAMANTALANG AKO AY ISANG MAKASALANAN?
Kayong mga Seminarista diyan,
NAITANONG NINYO BA SA SARILI NINYO KUNG PAANO NANGYARI SA BUHAY NINYO NA KAYO AY TINAWAG NG DIYOS PARA YAKAPIN ANG BOKASYON SA PAGPAPARI?
Ang buhay natin ngayon ay puno ng mga katanungan,
“BAKIT AKO?
PAANO NANGYARI ITO?”
Hindi natin masasagot ang mga tanong na ito. Ang tanging makakasagot lamang ay ang panginoon sapagkat siya ang lumikha sa atin at pinahiram niya sa atin ang buhay.
KAYA TAYO NILIKHA SA MUNDONG ITO AY SAPAGKAT MAY PURPOSE ANG DIYOS AT GAGAMITIN NIYA TAYO PARA MAGING KANYANG LINGKOD.
Dito sa Ebanghelyong (Luke 1:26-38) binasa natin ngayong araw na ito ng Huwebes, Ika-limang araw ng Simbang Gabi, Disyembre 20, 2012 ay hindi malayo si Maria
sa sitwasyon natin ngayon.
Si Maria ay nagtanong din,
“PAANO MANGYAYARI ITO?”
PAANO NANGYARI NA SIYA AY BUNTIS SAMANTALANG HINDI PA SIYA GINALAW NI JOSE?
EH SI JOSEPH AY BUSY NGAYON SA PANGANGAMPANYA PARA SA PAGTAKBONG MAYOR NG MAYNILA KAYA WALA SIYANG PANAHON NA GALAWIN SI MARIA!
Ang Espiritu Santo ay bumaba kay Maria at ang sanggol na kanyang dinadala sa sinapupunan ay isang BANAL at ANAK NG DIYOS AMA. Bago pa naging tao si Maria
ay iniligtas na siya sa kasalanang mana at tanging si Maria
lamang ang binigyan ng ganitong pribilehiyo sapagkat meron siyang espesyal na misyon na gagampanin, ANG MAGING
INA NG ATING PANGINOON.
Ito ang magandang maihandog natin sa paskong ito na TAYO AY HANDANG TUMANGGAP SA PLANO NG DIYOS. Tanggapin natin ang pagtawag ng diyos sa atin ay sapagkat alam niya ang ating pagkatao.


SIMBANG GABI 2012.
DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL, 537 Quezon Avenue, Quezon City.






