WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

   SIMBANG GABI 2012.

THE FIRST MISSIONARY.

A Gospel Reflection on the 6th day of Simbang Gabi, Friday, December 21, 2012.

 JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Ngayong taong ito ng 2012 bago binuksan ng simbahan ang pagdiriwang ng taon ng pananampalataya o YEAR OF FAITH ay idineklara ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang YEAR OF THE MISSION. Dito ay binigyang diin ang kalagayan ng mga misyonero, ANO BA ANG KAHULUGAN NG PAGIGING MISYONERO at ANO BA ANG MISYON NATIN SA BUHAY. Ang pagdiriwang ng Year of Mission at Year of Faith ay may malaking kaugnayan sa ating simbahan. At ang misyon natin ngayon ay ipalaganap ang ating pananampalatayang katoliko.

Sa Ebanghelyong (Luke 1:39-45) binasa natin ngayong araw na ito ng Biyernes, Disyembre 21, 2012, Ika-anim na araw ng Simbang Gabi, si Maria ay matatawag na unang misyonera ng ating simbahan. When we say MISSIONARY, a Missionary gives witness of Jesus and shares the good news. Tinanggap ni Maria ang magandang balita na siya ay nagdadalang-tao at ang sanggol na kanyang dinadala ay isang banal at anak ng kataastaasan at magliligtas sa mundong ito. Dahil sa biyayang tinanggap ni Maria ay nagpunta siya kay Elizabeth para ibahagi ang magandang balita. Nang marinig ni Elizabeth ang magandang balitang ito mula kay Maria, ang sanggol sa sinapupunan ni Elizabeth ay lumundag sa tuwa, siguro sumayaw ng gangnam style noh.

Marahil tayo rin ay nakatanggap ng magandang balita, sa tuwing tayo ay nagsisimba ay naririnig natin ang salita ng diyos at nakakatanggap tayo ng biyaya mula sa diyos.

PAANO BA NATIN ITO IBINABAHAGI SA IBA?

Sa pagdalo ninyo sa mga formation sa inyong parokya at transparochial groups, lahat ng mga naririnig  at natutunan ninyo ay dapat ibinabahagi ninyo sa iba at HUWAG NINYONG SASARILININ ANG MGA NARINIG AT NATUTUNAN NINYO.

Ito ang motto ni Santo Domingo De Guzman at ng buong Dominican Order;

“CONTEMPLARE ET CONTEMPLATA ALIIS TRADERE.”

TO CONTEMPLATE AND TO SHARE THE FRUITS OF CONTEMPLATION TO OTHERS.

Matatawag din kayong misyonero kung ibinabahagi ninyo si Kristo sa iba sa pamamagitan ng pagbabahagi at pangangaral tungkol sa salita ng diyos, pagsasabuhay ng ebanghelyo at pagbabahagi sa iba ang biyayang natanggap mula sa diyos.

    

SIMBANG GABI 2012.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES