WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

SILENCE….

 A Gospel Reflection on the Solemnity of Mary Mother of God, Tuesday, January 1, 2013.

Sinisimulan na natin ang Bagong Taon sa araw na ito ng Martes, Enero 1, 2013. Taun-taon kapag sinasalubong natin ang pagpasok ng bagong taon,
ANO ANG GINAGAWA NATIN?
Nagpapaputok tayo ng mga fireworks, pinaniniwalaan na ito ay nagpapalayas ng mga masasamang espiritu. Nandiyan ang nagsasalo ang buong pamilya sa media noche, kung mapapansin ninyo ang mga pagkaing nakahanda sa mesa ay puro BILOG noh, pinaniniwalaan na ito ay maraming pera ang darating sa taong ito gaya na lamang ng mga prutas na hugis bilog. Tapos nandiyan yung nakasuot pa tayo ng damit na may design na bilog o puro polkadats at kung anu-ano pa ang mga pamahiing ginagawa ninyo kapag bagong taon. Kapag tayo ay nagdiriwang ng bagong taon, tayo ay nagsasaya, nagpapaputok ng mga fireworks, nagpapatugtog ng mga malalakas na musical sounds, nagsasalo sa mesa. Bahagi na rin sa pagsalubong natin sa Bagong Taon ang mga kasiyahan na iyan. Pero ang tanong ko sa inyo,
KAYO BA AY NAGDARASAL, NAGPAPASALAMAT SA DIYOS AT NAGSISIMBA SA PAGSALUBONG O SA ARAW NG BAGONG TAON?
Sa unang araw pa lamang ng bagong taon ay dapat nagdarasal tayo at nagpapasalamat sa diyos sa mga biyayang ipinagkaloob niya sa atin sa mga nagdaang taon. Sa ating pagdarasal ay may kalakip na pananahimik, silence.
Sa Ebanghelyong (Luke 2:16-21) binasa natin ngayong ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Maria bilang Ina ng Diyos, si Maria ay nanatiling tahimik nung narinig niya ang sinabi ng mga pastol tungkol sa sanggol na si Hesus at pinagnilayan niya ang mga ito.
Sa buhay natin ay maraming nangyari. Nangyari man ang kagustuhan natin, natupad man ang mga plano natin o nabigo tayo sa mga plano natin. Madalas tayo ay nakakaranas ng mga FRUSTRATIONS kapag HINDI NANGYARI ANG MGA PLANO NATIN SA BUHAY.
Ito ang dapat nating gawin,
TAYO AY MANAHIMIK.
Ito ang nawawala sa atin ngayon, ang MANAHIMIK.
KAHIT SA PAGDARASAL NATIN AY PURO BUNGANGA ANG PINAANDAR NATIN,
HINDI TAYO TUMAHIMIK AT HAYAANG MANGUSAP ANG DIYOS SA ATIN.
Sa ating pananahimik ay nagkakaroon tayo ng discernment kung ano ba ang plano ng diyos para sa atin.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES