WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

PAGBABAGO DULOT NG SALITA NG DIYOS.

 A Gospel Reflection on the 3rd Sunday in Ordinary time, January 27, 2013.

Sa buhay natin madalas tayo ay may mga problema o may pinagdadaanang pagsubok sa buhay. Kapag tayo ay nadadapa ay naghahanap tayo ng taong mapagsasabihan natin ng ating mga problema para tayo ay matulungan at mabigyan ng payo. Ang iba ay pumupunta sa kumpisalan para doon ikumpisal sa pari ang mga nangyayaring pagsubok sa kanilang buhay at mabigyan ng kaliwanagan ang isipan. Ang iba naman ay pumupunta sa Adoration Chapel para doon isumbong sa panginoon ang mga nangyayaring pagsubok sa kanya. Ako kapag may pinagdadaanan akong mga pagsubok sa buhay, ang lagi kong kinakausap ay ang IMAHEN NG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church, sa kanya lang akong humuhugot ng lakas para harapin ko ang mga pagsubok na ito sa aking buhay. Naghahanap tayo ng taong mapagsasabihan natin ng ating problema at pagsubok para tayo ay maliwanagan. Sa pamamagitan ng salita ay doon tayo humuhugot ng lakas para pagtibayin ang ating loob sa gitna ng mga pagsubok na ating pinagdadaanan sa buhay.
Sa Ebanghelyong (Luke 1:1-4,4:14-21) binasa natin ngayong araw na ito ng 3rd Sunday in Ordinary time, January 27, 2013, si Hesus ay nangaral ng mabuting balita. Ipinangaral niya sa mga dukha ang kabutihan ng diyos. Sa panahon natin ngayon, ang mga pangaral at turo ni Hesus ay makikita natin sa bibliya. Ang Bibliya ay siyang naglalaman ng salita ng diyos.
Eh ang tanong dito,
KAILAN BA NATIN BINABASA ANG BIBLIYA?
Binabasa natin ang bibliya kapag tayo ay may problema at naguguluhan sa buhay. Siyempre doon tayo humuhugot ng lakas. Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon para palakasin ang ating loob.
SA SALITA NG DIYOS AY BINABAGO ANG ATING BUHAY.
Tignan ninyo ang mga miyembro ng Charismatic Group, dati nung wala pa sila sa grupo sila ay mga drug addict, kriminal at naliligaw ng landas. Nung sila ay pumasok sa Charismatic at dumalo sa Catholic Life in the Spirit Seminar o CLSS ay nagbago ang kanilang buhay at doon nila nakilala si Hesus sa pamamagitan ng salita ng diyos at dahil dito ay nagkaroon ng direksyon ang kanilang buhay.
Kaya KUNG KAYO MAN AY DUMARANAS NG MGA PAGSUBOK SA BUHAY AY HUWAG NINYONG IDAAN SA DROGA AT SA MGA MASASAMANG BISYO, SA HALIP AY IDAAN NINYO SA PAGBABASA NG BIBLIYA AT PAKIKINIG SA SALITA NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PAGDALO NINYO SA MGA PAGHUHUBOG SA SIMBAHAN.
ANG PAGBABAGO AY MAGAGANAP SA BUHAY NINYO KUNG ITATANIM NINYO SA INYONG PUSO ANG SALITA NG DIYOS AT GAGAWIN NINYO ANG MGA ARAL AT TURO NI KRISTO.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES