WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013.

SHARING IN THE NET

proudly presents

TAWAG NG PANANAMPALATAYA.

 A Gospel Reflection on the 5th Sunday in Ordinary time, February 10, 2013.

Ang Bansang Pilipinas ay mapalad sa taong ito ng pananampalataya para sa simbahang katoliko. Mapalad tayo ay sapagkat may isa na namang pilipino ang itinanghal sa altar ng simbahan bilang santo sa katauhan ni Pedro Calungsod. At hindi lamang ang canonization ni San Pedro Calungsod ang nangyari sa taon ng pananampalataya para sa simbahang katoliko dito sa pilipinas, ang Arsobispo ng Archdiocese of Manila na si Luis Antonio Tagle ay itinalaga bilang Cardinal. Just imagine isang taon pa lamang siyang nakaluklok bilang Archbishop ng Archdiocese of Manila ay pinili na siya para maging kabilang sa College of Cardinals. Si San Pedro Calungsod ay naging santo ay sapagkat siya ay naging martyr, ipinalaganap niya ang pananampalatayang katoliko doon sa Marianas Islands kasama ang isang Heswitang Pari at ipinagtanggol niya ang pari. Si Archbishop Luis Antonio Tagle ay naging Cardinal ay sapagkat siya ay pinili ng diyos. Kung titignan ninyo si Cardinal Tagle ay napaka-simple, may kababaang-loob at malapit sa mga tao ay siya pa ang naging Cardinal. Kahit napakahirap ang maging isang cardinal ay tinanggap pa rin ito ni Archbishop Tagle, dahil ang panginoon mismo ang pumili sa kanya. Kahit si San Pedro Calungsod ay tinawag rin ng diyos para maging katekista at katuwang ng pari sa misyon. Sina San Pedro Calungsod at Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay pareho nilang tinanggap ang pagtawag ng diyos sa kanila ay sapagkat pinairal nila ang kanilang pananampalataya sa diyos.
Sa Ebanghelyong (Luke 5:1-11) binasa natin ngayong araw na ito ng 5th Sunday in Ordinary time, February 10, 2013, si Hesus ay tumawag sa unang apat na alagad. At isa sa mga apat na alagad na ito ay si Pedro. Si Pedro ay isang mangingisda. Nakita natin dito sa ebanghelyo na si Hesus ay nangaral sa bangka.
Nung matapos siyang mangaral ay sinabi niya kay Pedro;
“PUMALAOT KAYO AT IHULOG ANG MGA LAMBAT UPANG MANGHULI.”
ANO NAMAN ANG SINAGOT NI PEDRO DITO?
“GURO MAGDAMAG PO KAMING NAPAGOD NGUNIT WALA KAMING NAHULI! NGUNIT DAHIL SA SINABI NINYO, IHUHULOG KO ANG MGA LAMBAT.”
SINUNOD NI PEDRO ANG UTOS NI HESUS AT DAHIL DITO AY NAKAHULI SILA NG ISDA,
NAPUNO ANG LAMBAT NG NAPAKARAMING ISDA,
DITO UMIRAL ANG KANILANG PANANAMPALATAYA SA DIYOS KAYA SINUNOD NILA ANG UTOS NI HESUS.
Ang PAGTAWAG NI HESUS sa unang apat na alagad ay isang PAGTAWAG NG PANANAMPALATAYA.
TINATAWAG TAYO NI HESUS AY PARA MAGKAROON TAYO NG PANANAMPALATAYA SA DIYOS.
KUNG IKAW AY TINATAWAG NG PANGINOON SA PAGPAPARI AT BUHAY RELIHIYOSO AY HUWAG KANG MATAKOT SAPAGKAT HINDI KA PABABAYAAN NG DIYOS AT PAIRALIN MO ANG IYONG PANANAMPALATAYA SA DIYOS.
Ang PAGTUGON NATIN SA TAWAG NG DIYOS ay pagpapakita na TAYO AY MAY PANANAMPALATAYA SA DIYOS,
TINANGGAP NATIN ANG TAWAG NG DIYOS AY SAPAGKAT MAY PANANAMPALATAYA TAYO.
Ang Diyos ay patuloy na lumalapit sa atin ngayon para tayo ay sumunod sa kanya at ipahayag sa buong mundo ang ating pananampalataya sa diyos.

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 

   SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:
AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES