WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013. 

PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

THE MYSTERY OF FAITH.

A Gospel Reflection on the Solemnity of the Blessed Trinity, Sunday, May 26, 2013.

 
Nitong nakaraang Sabado, Mayo 18, 2013 ay dumalo ako sa isang Pentecost celebration na ginanap diyan sa Ninoy Aquino Stadium, at isa sa mga naging speaker doon sa nasabing pagtitipon ay si Msgr Gerry Santos. Doon sa kanyang panayam ay tinanong niya ang mga audience kung ANO ANG ATING SIMBAHANG KATOLIKO?
IS IT A UNITARIAN OR TRINITARIAN CHURCH?
May ilang sumagot “UNITARIAN,” ang iba naman ay “TRINITARIAN.”
Ang tamang sagot dito ay TRINITARIAN.
ANG ATING SIMBAHANG KATOLIKO AY TRINITARIAN.
BAKIT?
Sapagkat ang ating PANANAMPALATAYANG KATOLIKO ay nakaugat sa SANTISIMA TRINIDAD na siyang ating ipinagdiriwang sa araw na ito ng Linggo ng Santatlo, Mayo 26, 2013.
SINO ANG BUMUBUO NG SANTISIMA TRINIDAD?
Ang AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO.
SILA ay mga TATLONG PERSONA SA IISANG DIYOS.
May ilang nagtatanong diyan,
BAKIT MAY TRINITY?
BAKIT DAW TATLO ANG DIYOS NATIN?
Alam ninyo HINDI TATLO ANG DIYOS NATIN,
IISA LANG ANG DIYOS NATIN,
ANG DIYOS NATIN AY MAY TATLONG PERSONA;
Ang AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO.
EH ANG DIYOS NATIN AY IISA LANG, BAKIT MAY TATLONG PERSONA PA?
Ito ay isang MISTERYO NG ATING PANANAMPALATAYANG KATOLIKO,
HINDI NATIN MASASAGOT ANG TANONG NA ITO,
HINDI NATIN KAYANG UNAWAIN ITO.
Sabi nga ni Fr Aries Reyes, Parish Priest ng San Roque Parish diyan sa Sampaloc, Manila;
“HINDI MAUUNAWAAN NG TAO ANG SANTISIMA TRINIDAD, KAHIT NGA MGA PARI, SEMINARISTA AT RELIHIYOSO AY HINDI KAYANG UNAWAIN ANG SANTISIMA TRINIDAD. KUNG SASABIHIN MONG NAUUNAWAAN MO ANG SANTISIMA TRINIDAD ABA EH BAKA IKAW NA ANG IKA-APAT NA PERSONA.”
KAYA NGA TINAWAG NA MISTERYO NG PANANAMPALATAYANG KATOLIKO AY SAPAGKAT ITO AY HINDI BASTA NAUUNAWAAN,
KAHIT MAHIRAP UNAWAIN ANG MISTERYONG ITO AY ITO ANG PINANINIWALAAN AT SINASAMPALATAYANAN NATIN BILANG MGA KATOLIKO SAPAGKAT ITO AY ISA SA MGA DOKTRINA NG SIMBAHANG KATOLIKO.
Ang Simbahan ay maraming itinuro sa atin para maunawaan ang ating pananampalatayang katoliko. Kaya nga dito sa Ebanghelyong (John 16:12-15) binasa natin ngayon ay ipinadala ni Hesus ang Espiritu Santo UPANG ITURO SA ATIN ANG MGA ARAL NI HESUS, ITINUTURO SA ATIN ANG KATOTOHANAN KAYA TAYO AY NANINIWALA SA SANTISIMA TRINIDAD.
Ginagabayan tayo ng Espiritu Santo upang tayo ay matuto sa pananampalatayang katoliko.
ANO NGAYON ANG ARAL NA MAPUPULOT NATIN SA KAPISTAHAN NG SANTATLO?
PAGKAKAISA.
Ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay NAGKAKAISA para TAYO AY MALIGTAS.
Ito ang misyon ng Panginoon sa atin na tayo ay maligtas sa kapahamakan. 
KAYA NGA IPINADALA NG DIYOS AMA ANG ANAK NA SI HESUS AY PARA TAYO MALIGTAS AT SI HESUS NAMAN AY IPINADALA NIYA ANG ESPIRITU SANTO UPANG MAUNAWAAN NATIN ANG KANYANG MGA KATURUAN.
PAGKAKAISA, ito ang panawagan ng ating simbahan ngayon na DAPAT TAYO AY MAGKAISA, MAGMAHALAN at MAGTULUNGAN. 
HINDI NATIN MARARAMDAMAN ANG PAGBABAGO NG MUNDO KUNG HINDI TAYO NAGKAKAISA.
ANG PAGKAKAISA AY DAPAT SIMULAN NATIN SA ATING PAMILYA AT MAGING SA ATING MUNTING SAMBAYANAN.
KAYONG MGA PAMILYANG NAGBABANGHAYAN DIYAN AT MAGING MGA MAGKALABAN SA PULITIKA AY SANA MAGKASUNDO NA KAYO, MAGPATAWARAN NA KAYO SA ISA’T-ISA.
TAPOS NA ANG ELEKSYON, SO DAPAT TAYO AY MAGKAISA NA AT MAGTULUNGAN.
Tulungan natin ang mga namumuno ng ating bansa at suportahan ang kanilang programa para MANGYARI ANG PAGBABAGONG HINAHANGAD NG TAONG BAYAN.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 
    SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES