WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013. 

PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

SALITA AT PAGKAIN.

A Gospel Reflection on the Solemnity of the Body and Blood of Christ, Sunday, June 2, 2013.

 
Alam po ninyo tuwing Sabado ng gabi, ako ay pumupunta sa isang Bible Study na ginaganap diyan sa Nuestra Senora del Perpetuo Socorro Parish diyan sa Sampaloc, Manila. Ito ay programa ng nasabing parokya para sa pagdiriwang ng TAON NG PANANAMPALATAYA. Ang namumuno sa Bible Study na iyon ay si Mrs Jacky Marzan Tolentino. Doon sa bible study na iyon ay nagbibigay ng panayam tungkol sa bibliya at ipinaliliwanag ang mga teksto ng bibliya na may kinalaman sa ating pamumuhay. At pagkatapos ng panayam ay meron din salu-salo. Hindi kumpleto ang bible study kung walang pagkaing pagsasaluhan.
Dito sa Ebanghelyong (Luke 9:11-17) binasa natin ngayong araw na ito ng Linggo ng Banal na Katawan at Dugo ni Kristo, Hunyo 2, 2013, si Hesus ay nagsalita sa mga tao tungkol sa paghahari ng diyos, sa madaling salita ay nangaral si Hesus tungkol sa paghahari ng diyos. Ang pangangaral ni Hesus ay nagbibigay ng lakas ng loob at inspirasyon sa mga tao.
HINDI LAMANG PANGANGARAL ANG GINAWA NI HESUS NGAYON,
ANG GINAWA DIN NI HESUS NGAYON AY NAGPAKAIN SA MGA TAO,
HINDI LAMANG ANG KANILANG KALULUWA KUNDI MAGING ANG KANILANG KATAWAN.
KAYA KAPAG KAYO AY NAGBIBIGAY NG FORMATION O BIBLE STUDY SA MGA TAO AY HUWAG LAMANG PURO SALITA ANG IBIBIGAY NINYO SA KANILA,
KAHIT PAPAANO AY LAGYAN NINYO RIN NG LAMAN ANG KANILANG TIYAN PARA PUMASOK SA KANILANG ISIPAN ANG LAHAT NG MGA SINASABI NINYO.
HUWAG NINYONG SASABIHIN NA KAYA HINDI KAYO NAGPAPAKAIN SA MGA TAO DURING THE FORMATION SEMINAR O PRAYER MEETING AY DAHIL WALA KAYONG BUDGET O KAYA SASABIHIN NINYO AY GASTOS LANG IYAN!
HINDI VALID REASON NA WALA KAYONG BUDGET PARA HINDI NINYO PAKAININ ANG MGA PARTICIPANTS NINYO!
KAYA NGA KAYO MAY COMMUNITY EH!
OH!
ANO ANG PURPOSE NG COMMUNITY NINYO?!
MAGTULUNGAN KAYO!
PAGTULUNGAN NINYO KUNG PAANO NINYO PAKAKAININ ANG MGA PARTICIPANTS NINYO!
MAGPASALAMAT NGA KAYO KAHIT PAPAANO AY MAY NAGTIYATIYAGANG MAKINIG SA INYO TUNGKOL SA PAGPAPAHAYAG NINYO NG SALITA NG DIYOS!
KAHIT MAGPAKAPAGOD PA KAYONG NAKATAYO SA HARAPAN NG MGA TAO AY HINDI PA RIN SILA MAKIKINIG SA INYO.
BAKIT?
Sapagkat WALANG LAMAN ANG KANILANG SIKMURA.
Sabi nga ni Fr Enrico Gonzales OP;
“KAPAG KAYO AY NANGANGARAL, DALAWANG BAGAY LANG ANG TATANDAAN NINYO; UNA, HUWAG KAYONG MANGARAL SA WALANG LAMAN ANG UTAK AT PANGALAWA, HUWAG KAYONG MANGARAL SA WALANG LAMAN ANG TIYAN.”
TOTOO NGA NAMAN.
KAPAG WALANG LAMAN ANG TIYAN MO AY HINDI PAPASOK SA UTAK MO ANG LAHAT NG MGA ITINUTURO SA IYO AT MAWAWALAN KA NG GANA NA MAKINIG SA NAGSASALITA SA IYONG HARAPAN.
OH KAYONG MGA BATA PASUKAN NA NAMAN SA LUNES,
BAGO KAYO PUMASOK SA ESKWELA AY MAG-ALMUSAL MUNA KAYO,
LAGYAN NINYO NG LAMAN ANG INYONG SIKMURA PARA KAYO AY GANAHANG MAKINIG SA INYONG GURO.
Ang Pagkain ay siyang nagpapalakas ng ating katawan para tayo ay gumawa. Ganun din sa Eukaristiya, kapag dumadalo tayo sa misa, nakikinig sa salita ng diyos at tumatanggap ng katawan at dugo ni Kristo ay lumalakas ang ating kaluluwa.
GUMAGAWA TAYO NG KABUTIHAN SA KAPWA,
NAGLILINGKOD TAYO SA DIYOS AT SA TAONG BAYAN.
At iyan ang papel ng pagiging isang pulitiko,
ANG MAGLINGKOD SA TAONG BAYAN,
PAKAININ ANG MGA NAGUGUTOM,
BIGYAN NG HANAPBUHAY ANG MGA WALANG TRABAHO,
PAG-ARALIN ANG MGA GUSTONG MAG-ARAL.
Ito ang sinasabi ni Hesus ngayon;
“KAYO ANG MAGBIBIGAY SA KANILA.”
IBIGAY NINYO ANG PANGANGAILANGAN NG TAONG BAYAN.
Kaya kapag tuwing natatapos ang misa ay sinasabi ng Pari;
“HUMAYO KAYO AT DALHIN ANG PAG-IBIG NI KRISTO.”
Tuwing natatapos ang misa ay dito nagsisimula ang ating misyon.
KAYA IMPORTANTE NA KAPAG TAYO AY DUMADALO SA MISA AY DAPAT NAKUMPLETO NATIN,
NARINIG NATIN ANG SALITA NG DIYOS AT TINANGGAP NATIN ANG KATAWAN AT DUGO NI KRISTO.
Ang MISA ay may dalawang bahagi;
Ang LITURHIYA NG SALITA at LITURHIYA NG EUKARISTIYA.
HINDI PWEDENG LITURHIYA NG SALITA LANG!
HINDI RIN PWEDENG LITURHIYA NG EUKARISTIYA LANG!
SO DAPAT AY PAREHO NATIN ITONG NAAABUTAN SA MISA.
Dahil kapag nakumpleto natin ang misa ay TINANGGAP NATIN ANG BIYAYA NG DIYOS at IYAN ay DAPAT IBAHAGI NATIN SA IBA.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 
    SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES