WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013. 

PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

SANTO DOMINGO, TANGLAW NG BUHAY AT GABAY TUNGO SA MATIBAY NA PANANALIG SA DIYOS.

A Gospel Reflection on the Solemnity of the Holy Father St Dominic De Guzman, Founder of the Order of Preachers, August 8, 2013.

  
 Isa sa mga katangian natin bilang mga katoliko ay ang ating matibay na pananalig sa Diyos. Kahit marami tayong mga pagsubok na pinagdadaanan sa buhay ay hindi tayo nawawalan ng pag-asa at patuloy tayong kumakapit sa Diyos. Pinalalakas ang ating loob upang manatili tayong matatag sa ating pagharap sa mga hamon sa buhay. Tayong lahat ay dumaranas ng mga pagsubok sa buhay, nalalampasan natin ang mga pagsubok na ito sa pamamagitan ng ating matibay na pananalig sa Diyos. Ang mga pagsubok na nangyari sa ating buhay ay isang paraan upang tayo rin ay magbigay ng inspirasyon sa iba at makatulong tayo sa ating kapwa.
Iyan ang pamamaraan para tayo ay magbigay ng liwanag sa iba at iyan ang tampok sa ating Ebanghelyo (Matthew 5:13-16) sa araw na ito ng Huwebes ng Kapistahan ni Santo Domingo De Guzman, August 8, 2013. Ang Ebanghelyo natin ngayon ay tungkol sa tawag. Tinawag tayo ni Hesus upang maging ASIN at ILAW sa mundong ito.
PAANO BA TAYO TUTUGON SA KANYANG TAWAG NA MAGING ASIN AT ILAW?
Sa pamamagitan ng PAGHASIK NG KABUTIHAN.
HINDI LAGIM!
Kapag sinabing paghasik ng kabutihan ay ang ating mabuting halimbawa. Bukod sa mabuting halimbawa, tayo rin ay nagbibigay ng inspirasyon sa ating kapwa.
IBINABAHAGI NATIN SA KANILA ANG PAGMAMAHAL NG DIYOS,
IPINAPAHAYAG NATIN ANG KADAKILAAN NG DIYOS.
Ganyan ang ginawa ni Santo Domingo De Guzman, kapag kaharap niya ang mga tao, ang lagi niyang binabanggit sa mga tao ay ang tungkol sa Diyos. Alam ninyo sa totoo lang si Santo Domingo De Guzman ay hindi talaga siya kilala ng mga tao, mas kilala ang mga Dominicans kaysa kay Santo Domingo De Guzman.
BAKIT?
Sapagkat si Santo Domingo De Guzman ay hindi niya ipinakilala ang kanyang sarili, 
IPINAKILALA NIYA ANG DIYOS,
NANGIBABAW SA KANYANG BIBIG ANG TUNGKOL SA DIYOS.
Ito ang magandang pagnilayan natin sa araw na ito,
TAYO BA AY NAGING TAGA-SUNOD NI SANTO DOMINGO DE GUZMAN?
PAANO BA NATIN TINUTULARAN ANG MGA HALIMBAWA NI SANTO DOMINGO DE GUZMAN?
Balikan natin ang Ebanghelyo sa araw na ito, tayong lahat ay tinawag ni Hesus na maging asin at ilaw sa mundong ito. Magiging asin at ilaw tayo sa pamamagitan ng mga halimbawa ni Santo Domingo De Guzman. Ang katangian na dapat nating tularan kay Santo Domingo ay ang kanyang motto;
“CONTEMPLARE ET CONTEMPLATA ALIIS TRADERE.”
Kinakailangan na TAYO AY MAG-ARAL AT MATUTO PARA TAYO AY MAY IBAHAGI SA IBA.
MAY MGA KAPATID TAYO NGAYON NA NALILIGAW NG LANDAS AT NADIDILIMAN ANG KANILANG BUHAY!
MAY MGA KAPATID TAYO NGAYON NA PINANGHIHINAAN NG LOOB AT NAWAWALAN NG PAG-ASA SA BUHAY!
KAYA TUMUGON TAYO SA TAWAG NG DIYOS AY SAPAGKAT ITO ANG ATING MISYON SA MUNDONG ITO,
ANG MAGING ASIN AT ILAW DITO SA MUNDO.
TAYO ANG MAGBIBIGAY NG LIWANAG SA KANILANG BUHAY AT MAGPAPATIBAY NG KANILANG PANANALIG SA DIYOS.
Ang mga karanasan natin sa buhay ay bahagi ng ating paghuhubog para tayo ay magsilbing gabay sa mga tao. Ang mga pagsubok na iyan ay daan para maipahayag natin ang kadakilaan ng Diyos at MARINIG NG BUONG MUNDO KUNG PAANONG GUMALAW ANG DIYOS SA BUHAY NATIN.
 

SANTO DOMINGO CHURCH IN QUEZON CITY IS NOW ACCEPTING MASS SPONSORSHIP FOR LA NAVAL FESTIVITIES 2013.
 
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 
    SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES