WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013. 

PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents


                                              

MARIA, PAGNINILAY AT PAGPAPAHAYAG NG MAGANDANG BALITA.

LA NAVAL DE MANILA 2013.

Katolikong Katesismo on the Solemnity of the Miraculous Image of OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL DE MANILA, Mother, Queen and Patroness of Santo Domingo Church, Quezon City, Dominican Province of the Philippines, Sunday, October 13, 2013.

ANG IMAHEN NG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA.

 

Ang pag-ukit ng imahen ng BIRHEN NG SANTO ROSARYO ay iniutos ni Don Luis Dasmarinas, ang Gobernador-Heneral ng Pilipinas sa ilalim ng pangangasiwa ni Kapitan Hernando Delos Rios Coronel. Ito ay may itaas na limampu’t anim na talampakan. Ang ulo nito ay gawa sa garing or ivory, maging ang buong Nino Hesus.

Noong taong 1646, labinlimang barkong pandigma ng mga Olandes o Dutch ang sumalakay sa Pilipinas. Dalawang lumang galyon lamang ang ginamit laban sa mga Olandes. Sa kabila ng malaking lamang ng mga kaaway, MAHIMALANG NAGWAGI ANG PWERSA NG MGA PILIPINO AT KASTILA SA TULONG NG BIRHEN NG SANTO ROSARYO. At dahil dito ang BIRHEN NG SANTO ROSARYO ay nakilala sa pangalang LA NAVAL DE MANILA.

Noong Oktubre 5, 1907 ay opisyal na kinilala ng Simbahang Katolika ang BIRHEN NG LA NAVAL sa pamamagitan ng maringal na ritwal na kung tawagin ay CANONICAL CORONATION.

Ilang siglo rin na nakaluklok sa Simbahan ng Santo Domingo sa Intramuros ang IMAHEN NG LA NAVAL. Ngunit noong Disyembre 1941 ay pinaulanan ng bomba ang Intramuros at kasamang nawasak ang Simbahan ng Santo Domingo. Mabuti na lamang at nailipat na ang IMAHEN NG LA NAVAL sa Unibersidad ng Sto Tomas.

Noong Oktubre 10, 1954 sa isang maringal na prusisyon, dinala ang IMAHEN NG LA NAVAL sa bago nitong dambana sa Simbahan ng Santo Domingo sa Lungsod ng Quezon at itinalaga ng Simbahang Katolika ang Dambanang ito bilang PAMBANSANG DAMBANA o NATIONAL SHRINE ng OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL.

Mahigit 400 na ang nakalilipas ay nanatili pa rin ang kagandahan at kaayusan ng IMAHEN NG BIRHEN NG SANTO ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA sa pangangalaga ng mga Prayleng Dominikano dito sa Santo Domingo Church. Mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa rin nating ipinagdiriwang  ang Dakilang Kapistahan ng Milagrosang Imahen ng BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA sa pamamagitan ng kanyang prusisyon dito sa Santo Domingo Church sa Quezon City. Ang IMAHEN NG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL ay nagsisilbing inspirasyon sa mga Prayleng Dominikano na nangangalaga sa kanya at sa mga taong patuloy na lumalapit sa kanya dito sa Santo Domingo Church sa Quezon City. Noong Oktubre 4, 2012, ang Santo Domingo Church  sa Quezon City kasama ang IMAHEN NG OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL ay idineklara ng National Museum bilang “NATIONAL CULTURAL TREASURE” dahil sa milagrong ipinamalas niya dito sa pilipinas na patuloy natin pinahahalagahan, ipinagdiriwang, iniingatan at ginugunita taun-taon.


                                              

OUR LADY OF THE  ROSARY OF LA NAVAL DE MANILA.

MARIA, PAGNINILAY AT PAGPAPAHAYAG NG MAGANDANG BALITA.

LA NAVAL DE MANILA 2013 sa Santo Domingo Church, Quezon City,  Oktubre 3 – 13, 2013.

Talaan ng mga gawain:

Oktubre 3, 2013 –  Pagluluklok sa IMAHEN NG BIRHEN  – 5:00 pm.

 Oktubre 4 – 12, 2013 – Misa Nobenaryo
Lunes – Sabado
Mga Misa
5:00 am – 12:00 nn (bawat oras)
6:00 pm
Linggo
Mga Misa
5:00 am – 12:00 nn (bawat oras)
4:00 – 7:00 pm (bawat oras)
Nobena
6:50 (Filipino) & 11:45 am(English)
5:30 pm (Filipino)
Oktubre 4, 5, 7, 11 & 12, 2013 – Besa Manto – 7:00 pm
Oktubre 13, 2013 – Dakilang Kapistahan ng MAHAL NA BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA.
Mga Misa
5:00 am – 12:00 nn (bawat oras)
3:00, 5:00 & 7:00 pm

Engrandeng Prusisyon – 4:00 pm

 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES