WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013. 

PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

PANANAMPALATAYA SA GITNA NG MGA PAGSUBOK.

A Gospel Reflection on the 29th Sunday in Ordinary time, October 20, 2013.

Nitong nakaraang linggo ay ipinagdiwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Milagrosang Imahen ng OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church sa Quezon City. Marahil halos karamihan sa mga deboto ng LA NAVAL ay maraming isinumbong sa BIRHEN NG LA NAVAL.
BAKIT KO NASABI ITO?
Sapagkat ang petition box ay punung-puno ng mga prayer intentions na halos nag-uumapaw at hindi na maipasok sa butas ng kahon ang iba pang mga prayer intentions.
ANO KAYA ANG ISINUMBONG NINYO SA BIRHEN NG LA NAVAL DOON SA SANTO DOMINGO CHURCH?
Marahil halos karamihan sa inyo isinumbong ninyo ang mga problema ninyo at mga pagsubok na pinagdadaanan ninyo sa buhay, ang iba sa inyo ay humihiling na makapasa sa mga exam. Alam ninyo ay hindi ko makakalimutan ito nung ako ay nag-besa manto sa Imahen ng BIRHEN NG LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church noong Oktubre 7, 2011. Nung ako ay humiling na makapasa sa exam para ako ay makapag-aral sa kolehiyo ay pinahid ko sa Imahen ng BIRHEN NG LA NAVAL ang lapis na gagamitin ko sa exam at hiniling ko sa BIRHEN NG LA NAVAL na sana ay makapasa ako sa exam para ako ay makapag-aral ng kolehiyo at kung kalooban ng BIRHEN NG LA NAVAL na ako ay tawagin niya sa pagiging Dominican Priest ay tatanggapin ko at tutugon ako sa kanyang tawag. Ilang buwan ko rin itong hiningi sa BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church hanggang sa dumating ang Abril 28, 2012, ito ang araw na lumabas ang resulta ng Alternative Learning System Exam. Sa madaling salita ay dininig ni MARIA, ang MILAGROSANG IMAHEN NG REYNA NG ROSARYO NG LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church ang aking panalangin, ito ang malaking pasasalamat ko sa BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DOON SA SANTO DOMINGO CHURCH at ngayon ako ay nag-aaral diyan sa Perpetual Help College of Manila sa kursong AB Mass Communication. Ang pag-aaral kong ito ay paghahanda para sa pagtuloy ko sa seminaryo 4 years from now. Kaya lahat ng mga biyayang aking natatanggap lalo na sa aking pag-aaral ngayon ay galing iyan sa BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church sa Quezon City.
Ang Ebanghelyong (Luke 18:1-8) binasa natin ngayong araw na ito ng 29th Sunday in Ordinary time, October 20, 2013 ay tungkol sa isang biyuda na makulit na lumapit sa hukom upang ibigay sa kanya ang katarungan. Kahit napakasama ng hukom na ito at alam niyan labag sa kanyang kalooban ang gagawin niyang ito, dahil sa narindi ang kanyang tenga sa kakulitan ng biyudang ito ay ibinigay na ng hukom ang katarungang  nararapat para sa biyudang matagal nang humihingi nito. Nakita natin dito na dahil sa pangungulit ng isang biyuda ay nakuha na niya ang katarungang hinihingi niya mula sa hukom.
Ito ang aral na dapat nating matutunan ngayon, sa ating paghingi sa Diyos ay HUWAG TAYONG INSTANT!
ALAM NINYO BA ANG INSTANT?
YAN ang usung-uso ngayon. Halimbawa na lang ang KAPE ay pagsasamahin ng CREAMER at ASUKAL para maging 3 IN 1. Sa paghahanap ng bagong kaibigan at maging kasintahan ay gumagamit ka ng Facebook. Kaya kapag tinatanong mo ang magkaibigan, magkasintahan o mag-asawa kung saan sila nagkakilala. Ang sagot nila ay nagkakilala sila sa Facebook.
INSTANT NOH!
Noong araw ay hinihiling mo pa iyan kay St Jude na MAGKAROON KA NG BOYFRIEND O GIRLFRIEND pero ngayon FACEBOOK na ang GINAGAMIT SA PAGHAHANAP NG MAGIGING BOYFRIEND O GIRLFRIEND.
Ang buhay natin ngayon ay instant. Nandiyan ang INSTANT COFFEE O 3 IN 1 na KAPE, INSTANT NOODLES, INSTANT FRIENDS, iyan ang biyaya sa atin ng makabagong teknolohiya, sa isang iglap ay nandiyan na sa harapan mo at ISUSUBO NA LANG SA IYO.
ANG ATING PANALANGIN AY HINDI INSTANT.
BAGO NATING MAKUHA ANG ATING HINIHINGI AY KINAKAILANGAN PAGHIRAPAN MUNA NATIN ITO.
Tulad ng ginawa ng biyuda dito sa Ebanghelyo ay pinaghirapan niyang makuha sa hukom ang katarungang hinihingi niya.
Sa pagtiya-tiyaga ay makukuha natin ang ating hinihiling KUNG PAIIRALIN NATIN ANG ATING PANANAMPALATAYA SA DIYOS.
ANG DIYOS AY HINDI NATUTULOG AT ALAM NIYA ANG ATING MGA PANGANGAILANGAN.
PANANAMPALATAYA ANG DAPAT MANAIG SA ATIN NGAYON SA GITNA NG MGA PAGSUBOK AT TRAHEDYANG ATING NARARANASAN NGAYON.

 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 
    SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES