WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013. 

PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

TATLONG URI NG SIMBAHAN.

A Gospel Reflection on the Solemnity of All Saints, Friday,  November 1, 2013.

Ayon sa Katesismo ng ating Simbahang Katoliko ay meron tayong TATLONG URI NG SIMBAHAN. Kapag sinabing SIMBAHAN ay hindi yung gusali kundi TAYONG MGA MANANAMPALATAYANG KATOLIKO, TAYO ANG BUMUBUO NG SIMBAHAN.
So we have 3 KINDS OF CHURCHES:
1. CHURCH MILITANT.
Tayo yung mga nabubuhay pa dito sa lupa na patuloy na dumaranas ng mga pagsubok sa buhay at nakikipaglaban sa pagitan ng mabuti at masama. Dito tayo nagdadalawang-isip kung TUTUGON BA TAYO SA TAWAG NG DIYOS o HINDI? Madalas ay nangyayari iyan sa Seminaryo, kung ang professor o formator mo ay mabagsik, terror at estrikto, magdadalawang-isip ka kung magpapatuloy ka sa pagpapari o hindi. Alam ninyo palakasan lang ng loob iyan, kung malakas at matibay ang loob mo at determinado kang tumugon sa tawag ng Diyos, kahit SINO PA ANG NAKATAYO SA IYONG HARAPAN AY MAGPAPATULOY KA PA RIN, ika nga yung sinasabi nila, yan ang tinatawag na CALLING.
MAY CALLING KA KAPATID!
KAYA KA NAGPAPATULOY SA GANYANG PAMUMUHAY AT NAGPOPORSIGE KANG MATUPAD ANG KALOOBAN NG DIYOS PARA SA IYO.
KAYONG MGA NASA MENOR DE EDAD DIYAN,
HUWAG NINYONG SASABIHIN NA WALA KAYONG CALLING.
MAY CALLING KAYO!
TINATAWAG KAYO NG DIYOS!
TINATAWAG TAYO NG DIYOS SA KABANALAN.
Ang Pagtugon natin sa buhay kabanalan ay isang ENTRY POINT para tayo ay makarating sa langit.
GUSTO NINYO BA MAKARATING SA LANGIT?
PARA KAYO AY MAKARATING SA LANGIT AY TUMUGON KAYO SA TAWAG NG DIYOS.
Dalawang bagay lang ang pagpipilian natin kung kanino tayo susunod, SA TAWAG BA NG DIYOS O SA TAWAG NG MUNDO?
Ang CHURCH MILITANT ay TAYO YUNG MGA NAGLALAKBAY PA SA DAIGDIG NA ITO PATUNGO SA BUHAY-KABANALAN.
2. CHURCH SUFFERING.
ANO NAMAN ANG CHURCH SUFFERING NA ITO?
Sila yung mga namatay na naghihirap sa purgatoryo. Alam ninyo ang PURGATORYO ay HINDI ISANG LUGAR, kundi ito ay isang karanasan. Halimbawa, bago mamatay ang isang tao ay nakaranas siya ng malubhang sakit o cancer, naghirap siya ng ilang taon o buwan dahil sa cancer. Yang mga sakit na nararanasan natin ngayon ay matatawag iyan na PURGATORYO.
ANG PURGATORYO AY PAGPUPURGA O PAGLILINIS NG ATING KALULUWA.
Karamihan sa mga maysakit diyan na malapit nang mamatay ay nagsisisi sila sa mga kasalanan nila, humihingi sila ng tawad sa mga taong nasaktan nila at nagbabalik-loob sila sa Diyos. Kaya pagkatapos nilang magsisi sa kanilang kasalanan ay namamatay silang mapayapa, kasi panatag na ang kanilang kalooban at malinis na ang kanilang kalooban. 
KAYA KUNG GUSTO NINYONG MAMATAY NANG MAPAYAPA AY MAKIPAGKASUNDO KAYO SA DIYOS AT SA KAPWA.
EH KUNG PUNUNG-PUNO NG GALIT ANG PUSO MO HANGGANG MAMATAY KA!
ABA EH HABANG BUHAY KANG MAGDURUSA,
KAHIT NASA KABILANG BUHAY KA NA AY DADANASIN MO PA RIN ANG PURGATORYO.
MARAMI ANG NAMAMATAY NGAYON NA KAHIT NASA KABILANG BUHAY NA AY NAGDURUSA PA RIN DAHIL SA GALIT.
Kaya nga tayo ngayon ay nagdarasal para sa kanila, inaalayan natin sila ng panalangin at misa araw-araw para makaalis na sila sa purgatoryo at makarating na sa langit.
Sa panahon natin ngayon ay nakakaranas tayo ng mga katakut-takot na pagsubok at delubyo, ngayon pa lang ay NARARANASAN NA NATIN ANG PURGATORYO, NILILINIS NA TAYO NG PANGINOON AT TINITIGNAN DITO KUNG GAANO KATIBAY ANG ATING PANANAMPALATAYA SA DIYOS.
3. CHURCH TRIUMPHANT.
Sila yung mga nagtagumpay na at nakarating na sa langit. Napagtagumpayan na nila ang mga pagsubok sa buhay at maluwalhati na silang nakapasok sa langit. 
NAKAPASOK NA SILA SA LANGIT AY SAPAGKAT NATUPAD NA NILA ANG KALOOBAN NG DIYOS.
At ito ang ipinagdiriwang natin sa araw na ito ng Biyernes ng Kapistahan ng Lahat ng mga Banal, Nobyembre 1, 2013. Ang mga Banal ay kabilang sa Church Triumphant.
 Dito sa Ebanghelyong  (Matthew 5:1-12) binasa natin ngayon, tayong lahat ay tinawag ni Hesus na MAPALAD sapagkat NATUPAD SA ATIN ANG KALOOBAN NG DIYOS.
TINUPAD NATIN ANG KALOOBAN NG DIYOS SA KABILA NG MGA PAGSUBOK AT PAKIKIBAKA NATIN SA BUHAY.
Lahat ng mga pinagdadaanan natin ngayon ay may katapusan din iyan at makakamit natin ang tagumpay na ito.
MAGTATAGUMPAY TAYO KUNG SUSUNOD TAYO SA KALOOBAN NG DIYOS AT MAGIGING TAPAT TAYO KAY KRISTO.

 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 
    SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.

 

 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES