WORLD YEAR OF FAITH from October 11, 2012 – November 24, 2013. 

PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

MATIBAY NA PANANAMPALATAYA.

A Gospel Reflection on the 33rd Sunday in Ordinary time, November 17, 2013.

Kung kayo ay nakapunta sa Bohol at Cebu, marahil ay nakita ninyo rin o napuntahan ang mga lumang simbahan doon na tinaguriang; “NATIONAL CULTURAL TREASURE.” Ang mga Simbahang ito ay tinaguriang NATIONAL CULTURAL TREASURE sapagkat ito ay may magandang architectural design, kilala at dinarayo ng mga tao.
At kung babalikan natin ang kasaysayan ng kristyanismo dito sa pilipinas,
SAAN UNANG NAGMISYON ANG MGA PRAYLENG KASTILA?
Sa Visayas, lalo na doon sa Cebu na kung saan ay nagsimula ang pananakop ng mga kastila at pagpapalaganap ng pananampalatayang katoliko dito sa pilipinas. 
Nakakalungkot man sabihin na ang mga simbahang ito, sa ilang siglo o daang taon nang nakatayo ay hindi mo akalain na sa isang iglap ay bigla na lang bumagsak at ito ay nangyari noong Oktubre 15, 2013. Ang petsang ito ay hindi malilimutan sapagkat naganap ang isang pinakamalakas na lindol na tumama doon sa Bohol at Cebu. Halos lahat ng mga simbahan doon na tinaguriang NATIONAL CULTURAL TREASURE ay nasira at bumagsak.  Nakakalungkot ay sapagkat hindi na natin makikita ang ganitong kagandang simbahan. Kahit nasira o bumagsak man ang mga simbahan doon sa Bohol at Cebu ay hindi pa rin nawala ang pananampalataya ng mga tao doon. Nawala man ang kanilang simbahan ay tuloy pa rin ang pagdiriwang ng mga sakramento.
Ang Ebanghelyong  (Luke 21:5-19) binasa natin ngayong araw na ito ng 33rd Sunday in Ordinary time, Nobyembre 17, 2013 ay tungkol sa pagkawasak ng templo. Ito ay mangyayari sa katapusan ng mundo. 
Sinasabi ni Hesus dito;
“DARATING ANG PANAHONG LAHAT NG NAKIKITA NINYONG IYAN AY IGUGUHO AT WALANG BATONG ITITIRA SA IBABAW NG KAPWA BATO.”
Nung binasa ko ang Ebanghelyong ito ay napagnilayan ko na lahat ng sinabi ni Hesus dito ay unti-unti nang nangyayari ngayon. Nitong nakaraang Biyernes, Nobyembre 8, 2013 ay nanalasa ang Super Typhoon Yolanda na tumama doon sa Leyte. Halos walang itinirang mga bahay, evacuation center, eskwelahan, simbahan at maging ang buhay ng mga residenteng naninirahan doon.
Nung napanood ko ito sa TELEBISYON AY NAIIYAK AKO SAPAGKAT MARAMING BUHAY ANG NAWALA DOON AT MAGING ANG MGA SIMBAHAN O CATHEDRAL DOON AY NASIRA!
Kaya nung iniinterview si Love Anouver, reporter ng GMA 7 ay halos naiyak siya nung nakita niyang unti-unting nasisira ang bubong at kisame ng Cathedral ng Palo, Leyte. Akala niya ay ito na ang katapusan ng mundo.
Ang mga nangyayaring kalamidad ngayon ay bahagi ng pagsubok sa ating buhay, tayo ngayon ay nililinis na ng Panginoon upang makita niya kung gaano KATIBAY ANG ATING PANANAMPALATAYA. Nahahalintulad tayo sa isang ginto na dumadaan sa apoy upang makita kung gaano katibay ang gintong ito. Kaya kung dumating man ang mga kalamidad na hahantong sa  katapusan ng mundo ay HUWAG TAYONG MATAKOT SAPAGKAT HINDI TAYO PABABAYAAN NG PANGINOON at PATULOY TAYONG KUMAPIT SA KANYA.
 

 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 
    SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES