PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

&

PERPETUAL HELP COLLEGE OF MANILA

COLLEGE OF BACHELOR OF ARTS IN MASS COMMUNICATION DEPARTMENT

proudly presents

MAMATAY SA ATING SARILI.

A Gospel Reflection on 5th Sunday of Lent, April 6, 2014.

 

Ang Panahon ng Kuwaresma ay panahon para mamatay sa ating sarili. Ang Pagkamatay sa sarili ay isang paghahanda para sa muling pagkabuhay na naghihintay sa atin. Ang Muling Pagkabuhay ng Patay ay magaganap sa huling araw o katapusan ng mundo.
PAANO BA NATIN PINAGHAHANDAAN ANG ATING MULING PAGKABUHAY?
Kinakailangan ay MAMATAY MUNA TAYO SA ATING SARILI SA PAMAMAGITAN NG PAGTALIKOD SA KASALANAN AT MGA BAGAY NA MAKAMUNDO.
Halimbawa sa mga estudyante, 
KUNG GUSTO NINYONG MAKAKUHA NG MATAAS NA GRADES AY KINAKAILANGAN MAMATAY MUNA KAYO SA INYONG SARILI,
IWASAN MUNA ANG BARKADA AT SYOTA PARA MAGPOKUS MUNA SA PAG-AARAL.
Kaya kung titignan ninyo ang POGING mukha kong ito ay may dalawa akong mukha:
Una ay BROTHERLY FACE at Pangalawa ay INSTITUTIONAL FACE.
Kapag sinabing BROTHERLY FACE ay makikita ninyo sa akin na ako ay nakangiti at masayang nakikihalubilo sa mga tao. Kapag sinabi namang INSTITUTIONAL FACE ay makikita ninyo sa akin ay naka-pormal ang mukha ko, ibig sabihin ay marami akong ginagawa at ang utak ko ay nakatutok sa academics.
Kaya kapag ako ay nasa eskwela diyan sa Perpetual Help College of Manila, ako ay 100 % INSTITUTIONAL FACE, walang panahon para tumambay at makipag-usap sa mga kaklase o kaibigan MALIBAN lang kung ang pag-uusap ay mahalaga at may kinalaman sa academics. Kaya kapag breaktime ako ay laging nasa library at nakapokus lang ako sa pag-aaral, pagre-review at pagmeme-morize ng mga teorya para may maisagot sa mga quizzes at major exams, that is an INSTITUTIONAL FACE. Kinakailangan ay umiwas sa anumang ingay at destructions para makamit ang pangarap sa buhay. Ang pangarap sa buhay ay makakuha ng mataas na grado sa eskwela, makapagtapos ng kolehiyo at matupad ang pangarap sa buhay.
Ganyan din sa ating pagiging buhay kristyano, pangarap nating lahat ay makarating sa langit.
Kaya nga sa panahong ito ng Kuwaresma, ang paalala ng simbahan para maramdaman natin ang sakripisyo ni Hesus para sa atin ay ang MAMATAY TAYO SA ATING SARILI, TALIKURAN ANG TAWAG NG MUNDO at PAGTUUNAN KUNG ANO BA ANG KALOOBAN NG DIYOS PARA SA ATIN.
ANO BA ANG NINANAIS NG DIYOS PARA SA ATIN?
Fasting is also a form of self-denial. 
Ang FASTING ay HINDI LAMANG SA PAGKAIN kundi sa mga bagay na nakagawian natin,
yung mga bagay na nakikita ng ating mga mata.
Sa araw na ito ng 5th Sunday of Lent, April 6, 2014   ay mapapansin ninyo sa mga simbahan ngayon na lahat ng mga rebulto o larawan ng santo ay nakatakip ngayon o nakatakpan ngayon ang buong altar sa simbahan.
BAKIT?
Sapagkat mula sa araw na ito hanggang sa huling tatlong araw ng Semana Santa ay kinakailangan pagtuunan muna natin ang ating sarili at pagnilayan ang pag-ibig ng Diyos sa atin,
ANG MGA SAKRIPISYONG GINAWA NIYA PARA MATUBOS ANG ATING MGA KASALANAN.
ANG KUWARESMA AY HINDI LAMANG PANAHON PARA TAYO AY MAGBAKASYON AT MAGSAYANG MALIGO SA BEACH RESORT KUNDI ITO AY PANAHON PARA TAYO AY MAGSISI SA KASALANAN AT MAGBALIK-LOOB SA DIYOS.
SAPAGKAT ANG BUHAY NATIN DITO SA MUNDO AY PANSAMANTALA LAMANG AT BALANG ARAW TAYONG LAHAT AY BABALIK SA AMA.
HINDI MO NA KAILANGAN SAKTAN MO PA ANG IYONG SARILI GAYA NG PAGHAHAMPAS SA IYONG KATAWAN O PAGPAPAPAKO SA KRUS NA GINAGAWA DIYAN SA PAMPANGA TUWING BIYERNES SANTO!
ANG HINIHINGI SA IYO NG PANGINOON AY MAGSISI KA SA IYONG KASALANAN!
TALIKURAN MO ANG KASALANAN!
MAGING TOTOO KA SA IYONG SARILI!!!!!!!
ANG PAGHINGI NG TAWAD AY HINDI LAMANG YUNG PAGSABI MO NG “IM SORRY” SA HARAPAN NG TELEBISYON!!!!!!!
PAKITANG-TAO LANG GINAGAWA MO PARA MAKUHA MO ANG ATTENTION NG TAONG BAYAN!!!!!!!!!!
ANG TUNAY NA PAGSISISI SA KASALANAN AY MAY NAKIKITANG PAGBABAGO SA INYONG BUHAY!!!!
IYAN ang hinihingi sa atin ng Panginoon,
ANG PAGBABAGO NG ATING BUHAY.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating mamatay para sa ating sarili para MATUMBASAN ANG PAGHIHIRAP AT SAKRIPISYONG GINAWA NI HESUS SA KRUS PARA SA ATIN PARA SA KAPATAWARAN NG ATING KASALANAN.
Ang pinaghahandaan natin ngayon ay ang ating muling pagkabuhay.
PAANO BA TAYO MULING MABUBUHAY SA KATAPUSAN NG MUNDO?
Ito ang sinasabi ni Hesus  sa Ebanghelyong  (John 11:3-7,17,20-27,33-45) binasa natin ngayon,
Photo is loading“AKO ANG MULING PAGKABUHAY AT ANG BUHAY. ANG NANANALIG SA AKIN, KAHIT MAMATAY AY MULING MABUBUHAY AT NANANALIG SA AKIN AY HINDI MAMAMATAY KAILANMAN.”
Sinabi niyaPhoto is loading ito nung binuhay niya si Lazaro. Ang pagkabuhay ni LazaroPhoto is loading ay isang pagpapakita na si Hesus ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ito ang pangako sa atin ni HesusPhoto is loading kung patuloy tayong SUSUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS, MAKIKINIG SA ARAL AT TURO NI HESUS, TATALIKOD SA KASALANAN AT SA TAWAG NG MUNDO at higit sa lahat ang PAGTUGON NATIN SA TAWAG NG DIYOS PARA SA KAGANAPAN NG ATING BUHAY. 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 
    SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES