PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

&

PERPETUAL HELP COLLEGE OF MANILA

COLLEGE OF BACHELOR OF ARTS IN MASS COMMUNICATION DEPARTMENT

proudly presents

HOLY WEEK 2014


BLACK SATURDAY, April 19, 2014

MARIA, INA NG LAGING SAKLOLO.

 An Encounter with Mama Mary, Black Saturday, April 19, 2014.

 

 

Isa sa mga sikat na Debosyon sa ating Mahal na Ina ay ang INA NG LAGING SAKLOLO. Ito ay dinarayo ng ilang mga katoliko tuwing araw ng Miyerkules doon sa Baclaran. Ang Debosyon sa Ina ng Laging Sakolo dito sa Pilipinas ay nagsimula sa Baclaran. At hindi nagtagal, dahil sa kahirapang magtungo doon sa Baclaran, ang simbahan ay nagpasiya na magkaroon ng debosyon sa Ina ng Laging Saklolo sa iba’t-ibang parokya, kapilya, at maging sa institusyon dito sa buong pilipinas.

ANO BA ANG KASAYSAYAN NG INA NG LAGING SAKOLO?

Ang Pagkaguhit sa larawang ito ay tunay na kakaiba.

BYZANTINE ang tawag sa sining ng pagguhit na ito.

Makikita sa larawan na hawak ni Maria ang Banal na Sanggol na si Hesus sa kaliwang bisig.

Sa magkabilang ulo ni Maria ay may dalawang arkanghel.

Sa kanan ay naroon si Arkanghel San Miguel at sa kaliwa naman ay si Arkanghel San Gabriel.

Ang Banal na Tradisyon ay naglalahad ng kuwentong ito tungkol sa larawan.

Ang batang si Hesus ay naglalaro nang dumating ang dalawang arkanghel na nagpakita sa kanya ng KRUS, mga PAKO, ang SIBAT at ang ESPONGHANG ISINAWSAW SA SUKA AT APDO na nagpapahayag ng hinaharap niyang paghihirap. Natakot ang Banal na Sanggol at tumakbong patungo sa kanyang inang si Maria. Hinawakan ni Maria ang sanggol sa kanyang bisig at hinapit ito sa kanyang dibdib. Dahil sa takot, nagsumiksik ang sanggol sa pagkakayakap ng kanyang ina. Sa pagmamadali sa pagtakbo, natanggal ang isa niyang sandalyas. Kaya sa larawan ay makikitang walang sapin ang isang paa ng sanggol.

Ang Kuwentong ito ay naglalahad ng isang pangyayari na nagpapakita na si Maria ay tunay na INA NG LAGING SAKLOLO para kay Hesus.

Ang orihinal na larawan na iginuhit sa Crete noong ikalabintatlong siglo ay 21 pulgada ang haba at 17 pulgada ang lapad.

Ang mantel ng Birhen ay asul o DARK BLUE, ang tunika ay pula, ang belo sa ilalim ng mantel ay berde.

Ang mantel ni Hesus ay kulay tsokolate o BROWN, ang tunika ay berde na may pulang pamigkis sa baywang.

Ang mantel ni Arkanghel Miguel ay berde, ang kay Gabriel ay granate.

Ang ginto sa paligid ay sumasagisag sa langit at nagpapaalala sa atin na ang langit ay binili para sa atin ng ating tagapagligtas na si Hesus na namatay sa krus at si Maria na PINTO NG LANGIT ay ating daan patungo kay Hesus.

Sa belo ni Maria ay may bituin:

Si Maria ay TALA SA UMAGA at TALA SA KARAGATAN.

Ang mga mata ni Maria ay nakatingin sa atin na kanyang mga anak, punung-puno ng pagmamahal at handang tumulong sa atin at TUMUGON SA ATING MGA PANALANGIN.

Ang sanggol na si Hesus, bagaman natakot sa nakita niyang pangitain ng kanyang paghihirap ay nanatiling mapayapa, nagpapakita sa atin na ang kanyang kalooban ay lubusang kaugnay ng kalooban ng kanyang Ama sa langit.

Ang apat na letrang Griyego sa itaas ay nangangahulugan ng INA NG DIYOS.

Ang apat na letra sa kanan ng sanggol ay nangangahulugan ng HESUKRISTO.

Ang mga letra sa itaas ng mga arkanghel sa kaliwa ANG ARKANGHEL MIGUEL at sa kanan ANG ARKANGHEL GABRIEL.

Hawak ni Arkanghel Miguel ang sibat at espongha at ni Arkanghel Gabriel ang krus at mga pako, mga sagisag ng pagpapasakit ni Hesukristo.

Ang orihinal na larawan ay nakatanghal ngayon sa simbahan ng mga Redemptorista sa Roma. Ito ay pinutungan ng korona noong Hunyo 20, 1867 at noong 1876 ay ipinahayag ni Papa Pio IX ang Kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo tuwing Hunyo 27.

 

 

BLACK SATURDAY, April 19, 2014

HOLY WEEK 2014

 


DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES

 
    SANTO DOMINGO CHURCH – NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL537 Quezon Avenue, Quezon City.
SCHEDULE OF MASSES AND OTHER LITURGICAL SERVICES IN SANTO DOMINGO CHURCH, QUEZON CITY:
WEEKDAYS (Monday – Saturday):AM – 5:45*, 6:30, 7:15, 8:00 AM & 12:15 NNPM – 6:00* Rosary, Mass with Liturgy of the HourSUNDAYS AND HOLYDAYS:AM – 5:00, 6:00, 7:00, 8:00*, 9:00, 10:00, 11:00, 12:00PM – 4:00*, 5:00, 6:00, 7:00* 8:00 am – Conventual Mass* 4:00 pm – Parish MassPERPETUAL NOVENA IN HONOR OF OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL – every Saturday at 11:45 am & 5:30 pmMASS WITH BLESSING OF THE SICK AND DISTRIBUTION OF BREAD – every Tuesday right after 12:15 nn & 6:00 pm Mass.
 

DOMINICAN PROVINCE OF THE PHILIPPINES