PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 

PAG-AAYOS NG SARILI.

A Gospel Reflection on 1st Sunday of Lent, February 22, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

 Madalas bago tayong umalis ng bahay ay nag-aayos muna tayo ng ating sarili.

PAANO BA NATIN INAAYUSAN ANG ATING SARILI?

Halimbawa na lang, ang pagligo natin araw-araw, naliligo tayo para matanggal ang dumi sa ating katawan at maging mabango tayo, paglalagay ng mga cosmetics at polbos sa mukha para tayo ay maging presentable sa mata ng tao at kung anu-ano pa ang mga pinaglalagay natin sa ating katawan. 

Lahat ng mga iyan ay pamamaraan kung paano natin aayusin ang ating sarili.

ANG PAG-AAYOS NG ATING SARILI AY HINDI LAMANG SA LABAS NG KATAWAN,

INAAYUSAN DIN ANG LOOB NG ATING KATAWAN,

INAAYUSAN DIN ANG ATING KALOOBAN,

NA ANG ATING KALOOBAN AY UMAYON SA KALOOBAN NG DIYOS.

ANO BA ANG KALOOBAN NG DIYOS PARA SA ATIN?

  Sinasabi ni Hesus dito sa EbanghelyongPhoto is loading (Mark 1:12-15) binasa natin ngayong araw na ito ng 1st Sunday of Lent, February 22, 2015;

“PAGSISIHAN NINYO AT TALIKDAN ANG INYONG MGA KASALANAN AT MANIWALA KAYO SA MABUTING BALITANG ITO.”

Ito ang kalooban ng Diyos para sa atin na TAYONG LAHAT AY MAGBALIK-LOOB SA KANYA AT MANIWALA SA KANYANG SALITA.

ANG SALITA NG DIYOS AY NAGBIBIGAY SA ATIN NG DIREKSYON SA BUHAY,

PINALALAKAS ANG ATING KALOOBAN.

Sa panahong ito ay nahaharap tayo sa maraming tukso.

NATUTUKSO TAYONG MAGKASALA AT GUMAWA NG MGA BAGAY NA LABAG SA KALOOBAN NG DIYOS!!!!!!

HALOS LAHAT TAYO AY BIKTIMA NG PANUNUKSO NG DEMONYO AT DITO TAYO BUMABAGSAK!!!!!!!!!!!

Naalala ko tuloy nung ako ay kumuha ng Alternative Learning System o ALS Exam ilang taon na ang nakalilipas. Nung ako ay nahuli sa pagsagot sa exam, ang aming proctor ay nagmagandang-loob na ipa-kopya sa akin ang test paper ng iba para mapadali ang pagsagot ko sa exam at makalabas na kami ng sabay-sabay sa classroom.

Hindi ko kinagat ang alok sa akin ng proctor na iyon at PINAIRAL KO ANG AKING PRIDE NA KAYA KONG IPASA ANG EXAM NA IYON.

Sa madaling salita ay MALAKAS ANG AKING PANANAMPALATAYA SA DIYOS at NANINIWALANG DIRINGGIN NI MARIA, ANG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA DOON SA SANTO DOMINGO CHURCH ANG AKING PANALANGIN,

PINANGHAWAKAN KO ANG PANGAKO SA AKIN NG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DOON SA SANTO DOMINGO CHURCH.

KUNG TAYO AY NANINIWALA AT PINANGHAHAWAKAN NATIN ANG SALITA NG DIYOS AY MATUTUPAD ANG MGA PANGAKO NIYA SA ATIN,

PANGAKO NA AAYUSIN ANG ATING BUHAY AT MAGKAROON NG DIREKSYON ANG ATING BUHAY.

Sa panahong ito ng Kuwaresma ay inaanyayahan tayo ni Hesus na AYUSIN ANG ATING BUHAY. 

Sabi nga ni Fr Domie Guzman;

“LENT IS A TIME OF PERSONAL RETREAT.”

HINDI NA NATIN KAILANGAN PUMUNTA PA SA TAGAYTAY AT BAGUIO PARA MAG-RETREAT,

KAHIT NASAAN MAN TAYO AY PWEDE TAYONG MAG-RETREAT,

MANAHIMIK TAYO AT PAGNILAYAN ANG SALITA NG DIYOS.