PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 

PHOTO ALBUM.

A Gospel Reflection on 2nd Sunday of Lent, March 1, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Marahil tayong lahat ay mahilig kumuha o magpakuha ng mga pictures o litrato. Kahit saan man tayo pumunta ay mahilig tayong magpa-picture. Sa panahong ito ay usung-uso ang tinatawag na SELFIE at GROUPIE. Kapag may okasyon o kaya naman ay may pagkakataon na magkakasama ang buong pamilya at magkakaibigan ay nagpapa-groupie tayo. Kapag tayo ay nag-iisa lang na pumunta sa isang lugar, tayo ay nagpapa-selfie.

Lahat ng anggulo,

konting galaw ng ating katawan,

konting ayos ng ating katawan ay may kuha tayong larawan.

At kapag nakarami na tayo ng mga kuha ng litrato ay nilalagay natin ito sa photo album.

ANG PHOTO ALBUM AY NAGSISILBING ALAALA NG ATING BUHAY, ALAALA NG ATING NAKARAAN AT KAHAPON.

At kapag tinitignan natin ang photo album, inaalala natin ang mga masasayang sandali ng ating buhay. Mula nung tayo ay musmos pa hanggang sa ating kasalukuyang buhay. Sa panahon natin ngayon ay usung-uso ang social networking sites gaya ng facebook, twitter at instagram. Doon na natin nilalagay ang ating mga larawan at nilalagyan pa natin ito ng captions. Habang tayo ay gumagamit ng facebook, twitter at instagram at kapag tinitignan natin ang ating mga larawan ay binabalikan natin ang ating nakaraan.

 Sa EbanghelyongPhoto is loading (Mark 9:2-10) binasa natin ngayong araw na ito ng 2nd Sunday of Lent, March 1, 2015, si Hesusay nagbagong-anyo at ang kanyang pagbabagong-anyo ay katulad ng isang photo shots.

Kaya kapag may mga masasayang sandali sa ating buhay ay hindi nating maiwasan ang magpakuha ng picture.

Ang Eksena sa ating ebanghelyo ngayon ay maihahalintulad sa isang photo album na kung saan ay mailalarawan ang masayang sandali na magkakasama sina Hesus, Pedro, Santiago at Juan sa bundok. 

ANG PAGBABAGONG-ANYO NI HESUS AY ISANG PAGHAHANDA SA KANYANG PAGHARAP SA PAGPAPAKASAKIT, KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY.

Ito ay nagpapahiwatig sa atin na ang BUHAY ay may SAYA, SAKIT, LUNGKOT at GINHAWA.

ANG KASIYAHAN AY PANSAMANTALA LAMANG,

MARARANASAN NATIN ANG LUNGKOT AT SAKIT,

WALA SA ATIN ANG MAKAKAIWAS DITO,

LAHAT TAYO AY DARATING SA KAHIRAPAN AT SAKIT,

AT SA BANDANG HULI AY MARARANASAN NATIN ANG HABANG BUHAY NA KALIGAYAHAN AT KAGINHAWAHAN,

ito ay ang BUHAY NA WALANG HANGGAN.

Ang Photo Album ay mahalaga sa buhay natin sapagkat ito ang ating legacy at alaala na TAYO AY NABUHAY AT NAGLAKBAY SA MUNDONG ITO. Inaalala dito ang masasayang sandali ng ating buhay, mga panahon na tayo ay mga bata pa at ang mga nagawa natin sa mundong ito.