PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 

 

REQUIREMENTS FOR SUCCESS..

A Gospel Reflection on 5th Sunday of Lent, March 22, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Sa panahong ito ay marami ang magsisipagtapos sa pag-aaral at aakyat sa entablado para sabitan ng medalya. Sa mga estudyante ngayon, bago natin marating ang tagumpay sa buhay ay marami pa tayong pagdadaanan. At isa sa mga pagdadaanan natin ngayon ay ang PAGSUNOD SA MGA REQUIREMENTS. Kapag nakumpleto natin ang mga requirements na ito ay maaari nating sabihin na tayo ay NAKAANGAT NA, NAKATAPOS NA at higit sa lahat ay NAGTAGUMPAY NA TAYO. Kaya kapag nagampanan na natin ang mga hinihingi sa atin at kapag nagawa na natin ang mga ipinapagawa sa atin, tayo ay nagsasaya at nagbubunyi sapagkat natagumpay tayo.

MATAGUMPAY ANG ATING MGA GINAWA,

MATAGUMPAY ANG ATING PINAGHIRAPAN,

NAGBUNGA ANG ATING PINAGHIRAPAN.

 Sa EbanghelyongPhoto is loading (John 12:20-33) binasa natin ngayong araw na ito ng 5th Sunday of Lent, March 22, 2015,  ay tungkol sa requirement. 

MARAMI SA ATIN AY NAGHAHANAP NG MAGANDANG PAGKAKATAON.

PARA MAKUHA NATIN ANG MGA BAGAY NA HINAHANAP NATIN SA BUHAY AY DAPAT SUMUNOD TAYO SA REQUIREMENT.

Si Hesus ay humihingi sa atin ngayon ng requirement para tayo ay maglingkod sa kanya.

ANO ANG REQUIREMENT NA HINIHINGI SA ATIN NI HESUS?

Sinasabi ni Hesus dito;

“DAPAT SUMUNOD SA AKIN ANG NAGLILINGKOD SA AKIN.”

Kahit pala sa paglilingkod sa Diyos ay meron din hinihinging requirement.

HINDI KA LANG BASTA PAPASOK SA ISANG RELIGIOUS COMMUNITY NA KULANG ANG IYONG REQUIREMENTS.

PARA MAKAMIT NATIN ANG TAGUMPAY SA BUHAY AY DAPAT MATUTO TAYONG SUMUNOD.

SI HESUS AY SUMUNOD SA KALOOBAN NG AMA,

TINUPAD NIYA ANG KANYANG MISYON NA ILIGTAS ANG SANGKATAUHAN.

Ang Pag-aalay ni Hesus ng kanyang buhay sa krus ay isang pagpapakita na dapat TAYO RIN AY MATUTONG MAMATAY SA ATING SARILI PARA PAGLINGKURAN ANG IBA.

Sa panahong ito ng Kuwaresma, tayo ay nag-aalay ng sakripisyo.

Halimbawa, yung pera na sobra sa ating baon o kaya naman yung mga naiipon nating pera.

IMBIS NA IBILI MO NG SIGARILYO AT IPANLARO MO NG DOTA AY DAPAT NAGBIBIGAY KA SA SIMBAHAN,

NAGHUHULOG KA NG PERA SA LOVE OFFERING PARA MATUGUNAN ANG PANGANGAILANGAN NG MGA KAPATID NATING DUKHA.

Ito ang panawagan sa atin ni Hesus ngayong Kuwaresma na MATUTO TAYONG MAGSAKRIPISYO, KALIMUTAN MUNA ANG ATING PANSARILING KALIGAYAHAN.

Ang tunay na kaligayahan sa buhay ay ang MAG-ALAY NG SARILI PARA SA KABUTIHAN NG IBA.

Kaya ito ang sinasabi sa atin ni Hesus ngayon;

“PARARANGALAN NG AMA ANG SINUMANG NAGLILINGKOD SA AKIN.”