PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 

 

 

 

HOLY WEEK 2015.

 

MAUNDY THURSDAY, April 2, 2015

 

 

DESPEDIDA PARTY.

 A Gospel Reflection on the Commemoration of the Lord’s Supper, Maundy Thursday, April 2, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Isa sa mga malungkot na sandali ng ating buhay ay ang pamamaalam ng ating isang kapatid o kaibigan. Nalulungkot tayo ay sapagkat ilang taon nating nakasama ang taong minamahal natin. Ang taong minamahal natin ay naging bahagi ng ating buhay nung mga panahon na tayo ay masaya, malungkot at dumaan sa matitinding pagsubok. 

ANG KAIBIGAN NATIN AY NAGING BAHAGI NG ATING BUHAY,

NAGING BAHAGI NG ATING PAGLALAKBAY SA MUNDONG ITO.

ANG KAIBIGAN AY HINDI MO LANG KASAMA SA MGA KASIYAHAN, PAGLALARO NG DOTA AT PAGLALAKWATSA.

ANG KAIBIGANAY KASAMA MO SA HIRAP AT GINHAWA.

IBINIGAY SA ATIN NG DIYOS ANG ISANG KAIBIGAN PARA TULUNGAN TAYONG IANGAT ANG ATING SARILI AT IANGAT ANG BAWAT ISA.

Halimbawa na lamang, may isa akong kaibigan at naging kaklase sa isang minor subject doon sa Perpetual Help College of Manila na tinulungan ko para KAMI AY PAREHONG MAKAPASA SA EXAM sa pamamagitan ng pagbabahagi ko sa kanya ng reviewer sa isang subject at hindi lamang iyan, inaakay ko din siya na mapalapit sa Panginoon at patuloy akong gumagawa ng kabutihan para sa kanya.

ANO BA ANG TUNAY NA KAIBIGAN?

ANG TUNAY NA KAIBIGAN AY ANG HANDANG MAGLINGKOD SA IYO,

IBIBIGAY NIYA ANG LAHAT PARA MAPABUTI ANG BUHAY MO,

SASAMAHAN KA NIYA SA ORAS NG IYONG KALUNGKUTAN AT PAG-IISA,

AT HIGIT SA LAHAT AY TUTULUNGAN KA NIYANG MAGBAGO AT IANGAT ANG DIGNIDAD NG IYONG PAGKATAO.

KUNG ANG KAIBIGAN MO AY TINOTOLERATE ANG IYONG KAMALIAN,

TINUTULAK KANG GUMAWA NG MASAMA AY HINDI MO KAIBIGAN IYAN!

ANG MGA GANYANG KLASENG KAIBIGAN AY IPAPAHAMAK KA AT IIWAN KA NIYA SA ERE!

HINDI MO ALAM KUNG SINO ANG TATAKBUHAN MO PAGDATING NG ARAW.

Kaya mahalaga sa buhay natin ang merong kaibigan.

Sapagkat sa ORAS NG ATING KALUNGKUTAN AY MAY MATATAKBUHAN TAYONG KAIBIGAN.

Kapag ang isang kaibigan natin ay malapit nang umalis, nagdiriwang tayo ng DESPEDIDA PARTY para sa kanya.

NAGDIRIWANG TAYO NG DESPEDIDA PARTY AY SAPAGKAT NAKIKIBAHAGI TAYO SA KANYANG KAGALAKAN AT TAGUMPAY SA BUHAY.

NA ANG KANYANG PAG-ALIS SA BANSANG ITO AY PARA HANAPIN ANG KANYANG MAGANDANG KAPALARAN SA IBANG BANSA.

Kaya nung nalaman kong aalis na ang aking kaibigan at kaklase kong ito, dalawang bagay lamang ang aking nararamdaman:

Una, MASAYA ako sapagkat MAKIKITA NIYA ANG MAGANDANG KAPALARAN sa ibang bansa.

Pangalawa, MALUNGKOT ako sapagkat MAMIMISS KO ANG AMING MAGANDANG PINAGSAMAHAN.

Kaya kapag umaalis ang ating kaibigan ay nag-iiwan tayo ngMAGANDANG ALAALA.

Ang Magandang Alaala na ito ay walang iba kundi ang MAGANDANG PINAGSAMAHAN, PAGGAWA NG KABUTIHAN at HIGIT SA LAHAT, ANG PAGTUTULUNGAN PARA IANGAT ANG BAWAT ISA.

That is the reason why do we celebrate the DESPEDIDA PARTY TO OUR BELOVED BEST FRIEND.

Ito yung pagkakataon para tayo ay magkaroon ng bonding moments sa ating kaibigan at ipabaon ang ating mensahe para sa kanya.

Sa ating EbanghelyoPhoto is loading (John 13:1-15) ngayong hapon na ito ng Huwebes Santo, Abril 2, 2015 ay isa ring Despedida Party ang ating narinig. Ang Despedida Party na ito ay ang Huling Hapunan ng ating Panginoon na kasama ang kanyang mga alagad. 

Sa pagkakataong ito ay dito iniwan ang alaala ng kanyang pakikipagkaibigan sa atin.

Ang alaala na ito ay ang EUKARISTIYA at PAGPAPARI.

ANG EUKARISTIYA AY ALAALA NG DAKILANG PAG-IBIG NG DIYOS SA ATIN,

ANG PAGPAPARI AY PAGPAPATULOY NG MGA GAWAIN NI HESUS DITO SA LUPA.

Ang Dalawang Sakramentong ito ay iniwan sa atin ni Hesus bago siya mamatay sakrus. Ito ang magsisilbing alaala ng kanyang pakikipagkaibigan sa atin para tayo ay makibahagi sa biyaya ng Diyos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MAUNDY THURSDAY, April 2, 2015

 

 

HOLY WEEK 2015.