PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 

 

 

HAPPY REUNION.

 A Gospel Reflection on the 2nd Sunday of Easter, April 12, 2015.

 

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

 

Kapag nagkakaroon ng reunion sa isang pamilya at magkakaibigan o magbabarkada, ang pakiramdam natin ay masaya tayo.

MASAYA TAYO SAPAGKAT MULI TAYONG MAGKIKITA AT MAGKAKASAMA.

At kapag nagkikita-kita tayo ay binabalikan natin ang mga masasayang araw nung tayo ay magkasama pa.

Sa EbanghelyongPhoto is loading (John 20:19-31) binasa ngayong araw na ito ng 2nd Sunday of Easter, April 12, 2015 ay matatawag nating isang MASAYANG REUNION. Si Hesus ay nagpakita sa kanyang mga alagad matapos ang kanyang muling pagkabuhay. Laking gulat ng kanyang mga alagad na nagpakita si Hesus sa kanila.

Nung mga panahong iyon ay nababalot sila ng lungkot at takot.

LUNGKOT dahil NAWALA SI HESUS sa kanila,

TAKOT dahil baka HULIIN SILA NG MGA KAWAL O SUNDALO.

Kaya nung nagpakita si Hesus sa kanila ay halos hindi sila makapaniwala na siya ay muling nabuhay at isa na dito ay si Tomas. Si Tomas ay nag-alinlangan nung nabalitaan niyang nagpakita si Hesus sa mga alagad.

PAANO NAMAN MAKIKITA NI TOMAS SI HESUS EH LAGI SIYANG WALA,

ABALA SA KANYANG NEGOSYO SA PAGGAWA NG SARSA NG LECHON DIYAN SA LA LOMA.

Kaya nung pagbalik ni Tomas sa kanilang lungga at nabalitaang muling nabuhay si Hesus ay HINDI SIYA MAKAPANIWALA.

SINABI PA NIYA NA HANGGA’T HINDI NIYA NAKIKITA ITO AY HINDI SIYA MANINIWALA.

Nung pagkasabi niya ng ganito ay biglang nagpakita si Hesus kay Tomas.

ANO ANG SINABI NI TOMAS KAY HESUS?

“PANGINOON KO AT DIYOS KO!”

MY LORD AND MY GOD!

Ito ang pagpapahayag ng ating pananampalataya sa Diyos.

Madalas ay pinapahayag natin ito sa misa kapag itinataas ng pari ang tinapay at alak.

ANG PAGPAPAKITA NI HESUS AY NAPALITAN ANG LUNGKOT SA TUWA,

ANG TAKOT SA TIBAY AT LAKAS NG LOOB.

MASAYA BA TAYO NGAYON SA MULING PAGKABUHAY NI HESUS?

Marahil hindi lahat ay masaya.

Ang iba diyan ay mga BIYERNES SANTO PA ANG MUKHA DAHIL SA MGA PROBLEMA SA BUHAY, FINANCIAL CRISIS, IDENTITY CRISIS, BROKEN HEARTED at MATINDING KALUNGKUTAN.

ANG IBA DIYAN AY PINIPILIT NA MAGPAKATATAG SA GITNA NG MGA PAGSUBOK SA BUHAY.

KAHIT PILIT NATING MAGPAKATATAG AT TIBAYAN ANG LOOB AY HINDI NATING MAIIWASANG UMIYAK!

UMIIYAK TAYO DAHIL SA MATINDING KALUNGKUTAN!

UMIIYAK TAYO DAHIL NAG-IISA LANG TAYO NGAYON!

UMIIYAK TAYO DAHIL INIWAN NA TAYO NG ATING MAHAL SA BUHAY!

UMIIYAK TAYO DAHIL ITINATAKWIL AT BINABALEWALA TAYO NG IBANG TAO!!!!!!!!!!!!!!!

UMIIYAK TAYO DAHIL NAMI-MISS NATIN ANG MGA TAONG NAGING BAHAGI NG BUHAY NATIN AT MALAPIT SA PUSO NATIN!!!!!

MASAKIT SA PAKIRAMDAM NATIN NA TAYO AY MAWALAY SA PAMILYA AT SA MGA KAIBIGAN!

Ngunit kung titignan natin ang sitwasyon ay may mga kadahilanan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito.

ANG MGA GANITONG PANGYAYARI SA ATING BUHAY AY ISANG PAGSUBOK LAMANG.

SINUSUBUKAN TAYO KUNG GAANO KATIBAY ANG ATING PANANAMPALATAYA SA DIYOS,

SINUSUBUKAN TAYO KUNG GAANO KATIBAY ANG ATING PAKIKIPAGKAIBIGAN AT RELASYON.

Mga Kapatid,

ang lahat ng ito ay pansamantala lamang.

Kinakailangang HARAPIN ANG MGA HAMON SA BUHAY.

ITAAS NATIN SA DIYOS ANG LAHAT NG MGA NANGYAYARI SA ATING BUHAY AT LAHAT NG MGA NARARANASAN NATING LUNGKOT NGAYON,

balang araw ay papalitan ito ng tuwa.

MAGTIWALA LAMANG TAYO SA DIYOS!

MAGTIWALA LAMANG TAYO SA KANYA!