PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 

 

 

Katolikong Katesismo on the 4th Sunday of Easter, April 26, 2015..

ANO ANG PINAGMULAN AT KAHULUGAN NG BOKASYON SA PAGPAPARI?

 

 

Ang Bokasyon ng bawat kristyano ay isang pagtugon sa tawag ni kristo.
Sinabi ni Hesus sa Ebanghelyo ni San Mateo 19:21,
“SUMUNOD KA SA AKIN.”
Ang bawat isang kristyano, bata o matanda, babae o lalaki, anumang lahi o katayuan sa buhay ay tinatawag upang hanapin si Kristo, matagpuan siya at makapiling niya. Ang tawag na ito ay SANTATLUHAN, malayang kaloob ng diyos na nakasalig sa malaya at mapagmahal na pagpapasya ng ama, na nagpapala sa atin sa kanyang anak na si Hesukristo at nagtatak sa atin ng Espiritu Santo. Samantala, ang simbahan naman ang tagapagluwal at tagapagturo ng mga bokasyon sa kanyang ministeryo ng pagpapahayag ng salita, sa pagdiriwang niya ng mga sakramento at sa kanyang paglilingkod at patotoo sa kawanggawa.
Ang Bokasyon na natatamo ng bawat kristyano mula sa simbahan at sa kanyang pamamagitan ay nagkakaroon ng katuparan sa loob ng simbahan at isang paglilingkod para sa simbahan. Kung ano ang totoo sa bawat bokasyong kristyano ay totoo rin sa bokasyon sa pagpapari na ayon sa paglalarawan ni San Juan Pablo II ay
“ANG TAWAG NA KUNG SAAN ANG SAKRAMENTO NG MGA BANAL NA ORDEN AY NATATANGGAP SA SIMBAHAN UPANG ILAAN ANG SARILI SA PAGLILINGKOD SA BAYAN NG DIYOS NANG MAY NATATANGING PAG-ANIB AT PAGKA-ANYO KAY HESUKRISTO AT MAY KAPANGYARIHANG KUMILOS SA PANGALAN AT SA PERSONA NIYA NA ULO AT PASTOL NG SIMBAHAN.”
Gayundin, ang bokasyon ng pari ay nakasalig sa santatlo. Sa bisa ng pagtatalaga na tinatanggap niya sa sakramento ng mga banal na orden, ang pari ay isinusugo ng ama, sa tulong ng pamamagitan ni Hesukristo upang mabuhay at kumilos sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, sa paglilingkod ng simbahan. Ang huling mensahe ng ika-walong sinodo ng mga obispo noong 1990 ay nangusap sa paraang nakaantig tungkol sa misteryo at handog ng pagpapari sa ganitong mga katulad na katagang maka-santatlo. Sa katunayan, nanggagaling ang ating pagkakakilanlan mula sa pag-ibig ng ama, itinutuon natin ang ating paningin sa anak, na isinugo ng ama bilang punong pari at mabuting pastol. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, kaugnay niya tayo sa paraang sakramental.
Ang buhay at pagkilos ng pari ang nagpapatuloy sa buhay at pagkilos mismo ni Kristo. Naririto ang ating pagkakakilanlan, ang ating totoong dangal, ang pinagmumulan ng ating kagalakan, ang pinakabatayan ng ating buhay.