PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 

 

 

KONEKSYON ANG MAGPAPATIBAY NG RELASYON.

 A Gospel Reflection on the 5th Sunday of Easter, May 3, 2015.

 

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

 

Mabuti na lang sa panahon natin ngayon ay nauso ang SOCIAL MEDIA gaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Skype at maging ang Cellphone o Viber. Kahit nasa malayo man ang ating mga mahal sa buhay; ang pamilya at kaibigan ay hindi pa rin nawawala ang komunikasyon at koneksyon.

KAHIT MAGKABILA MAN ANG ATING MUNDO AY NALALAMAN PA RIN NATIN KUNG ANO ANG ATING KALAGAYAN SA BUHAY,

ANO ANG NANGYAYARI SA ATING BUHAY,

ANO ANG NAGING ACCOMPLISHMENT SA BUHAY.

Hindi man tayo nagkikita ng personal o nagkakasama, nagkikita o nag-uusap pa rin tayo sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya na ito.

Aminin natin na tayo ay nalulungkot dahil namimiss natin ang ating magandang pinagsamahan,

nami-miss natin ang mga masasayang araw nung tayo ay magkaklase at magkasama pa sa eskwela.

Dahil sa kalungkutang ating nararanasan ngayon ay gumagamit na lamang tayo ng social media at doon na lang tayo nagkikita at nagkakausap.

Kaya yung mga nakakaranas ng tinatawag na LONG DISTANCE RELATIONSHIP,

alam nating napakasakit ang karanasang ito.

ILANG TAON NANG NAGDIRIWANG NG BIRTHDAY, ANNIVERSARY O MONTHSARY NA WALANG BATIAN O WALANG DATE,

NAKAKA-MISS TALAGA.

MASAKIT SA ATIN ANG MAWALAY SA TAONG MINAMAHAL NATIN.

Pero hindi ito habang buhay, ito ay pansamantala lamang. Balang araw ay makakasama rin natin muli ang ating kaibigan.

BAKIT NANGYAYARI ANG MGA GANITONG SITWASYON?

NANGYAYARI ANG MGA GANITONG SITWASYON AY SAPAGKAT MAY MGA KANYA-KANYA TAYONG PANGARAP SA BUHAY.

IBA’T-IBA ANG LAYUNIN NG DIYOS SA BUHAY NATIN,

IBA’T-IBA ANG ATING MISYON SA MUNDONG ITO.

Sa mga magkakaibigan, hindi pareho ang talentong ibinigay sa inyo ng Diyos.

IBA’T-IBA ANG TALENTONG IBINIGAY NIYA SA INYO.

KAHIT MAGKAKAIBA MAN ANG INYONG TALENTO O ANG LAYUNIN SA INYO NG DIYOS AY HINDI PA RIN NAWAWALA ANG INYONG KONEKSYON BILANG MAGKAIBIGAN.

Halimbawa na lamang diyan sa Perpetual Help College of Manila, ako ay AB Mass Communication Student at ang kaibigan ko ay BS Occupational Therapy Student.

MAGKAIBA MAN ANG AMING KURSO PERO HINDI NAWAWALA ANG AMING KONEKSYON BILANG MAGKAIBIGAN.

KONEKSYON AT KOMUNIKASYON ANG NAGPAPATIBAY NG RELASYON.

MAHALAGA SA BUHAY NATIN ANG KONEKSYON,

MAHALAGA NA MERON TAYONG KONEKSYON SA ISA’T-ISA.

Ito ang nais ipahiwatig sa atin ng Ebanghelyo Photo is loading (John 15:1-8) sa araw na ito ng 5th Sunday of Easter, May 3, 2015 Mahalaga sa buhay natin na tayo ay may koneksyon sa Diyos.

ANG BUHAY NATIN AY DAPAT KONEKTADO KAY HESUS.

KUNG ANG BUHAY NATIN AY NAKA-KONEKTA SA DIYOS AY MAGKAKAROON NG LAMAN ANG ATING BUHAY.

ALAMIN NATIN KUNG ANO ANG LAYUNIN NG DIYOS SA BUHAY NATIN.

Ito ang dahilan kung bakit tayo nandito sa mundong ito ay sapagkat meron siyang nais ipagawa sa atin.

may misyon tayo sa mundong ito.

Kaya kung tayo ay patuloy na NAKASANDAL SADIYOS,

MAUUNAWAAN NATIN ANG KANYANG KALOOBAN PARA SA ATIN.

KUNG IKAW AY LALAYO AT PUPUTULIN MO ANG IYONG KONEKSYON SA DIYOS AY WALANG MANGYAYARI SA BUHAY MO!

ANG BUHAY MO AY KATULAD NG ISANG BASURA!

ANG BUHAY MO AY WALANG DIREKSYON KUNG LALAYO KA PA SA DIYOS!