PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

MANATILI SA PAG-IBIG.

 A Gospel Reflection on the 6th Sunday of Easter, May 10, 2015.

 

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

 

Ang ating Ebanghelyo Photo is loading (John 15:9-17) ngayong araw na ito ng 6th Sunday of Easter, May 10, 2015 ay may koneksyon sa Ebanghelyo nitong nakaraang linggo. Kung maalala ninyo ang Ebanghelyo noong nakaraang linggo, sinabi ni Hesus na siya ang puno at tayo ang mga sanga.

SI HESUS ANG PUNO SO TAYO AY DAPAT NAKAKABIT SA KANYA,

TAYO YUNG NAKAKABIT SA PUNO.

KUNG TAYO AY NAKAKABIT SA PUNO,

TAYO NAMAN AY MAMUMUNGA.

Para tayo ay makapamunga, kinakailangan ay magkaroon tayo ng KONEKSYON SA DIYOS,

MAGKAROON TAYO NG KONEKSYON KAY HESUS.

KUNG TAYO AY NAKAKONEKTA SA DIYOS,

MAPAPALALIM ANG ATING RELASYON SA KANYA.

Katulad sa isang magkaibigan, ang nagpapalalim at nagpapatibay ng relasyon ay KONEKSYON o KOMUNIKASYON. Kaya kahit malayo man sa isa’t-isa,

KAHIT MAGKABILA MAN ANG ATING MUNDO AY HINDI PA RIN NAWAWALA ANG KONEKSYON.

Dahil koneksyon sa magkaibigan ang pinag-uusapan natin ngayon,

PAANO NAMAN MANANATILI ANG ATING KONEKSYON SA DIYOS?

Sinasabi ni Hesus dito sa Ebanghelyo ngayon;

“KUNG PAANONG INIIBIG AKO NG AMA, GAYUNDIN NAMAN, INIIBIG KO KAYO AT MANANATILI KAYO SA AKING PAG-IBIG.”

Ang pananalitang ito ni Hesus ay tinatawag na FAREWELL DISCOURSE. Ipinahayag niya ito sa kanyang mga alagad noong Huling Hapunan ng Huwebes Santo. At alam nating lahat na ang gabi ng Huwebes Santo ay pagtatatag ni Hesus ng dalawang sakramento:

Ang HULING HAPUNAN at PAGPAPARI.

Kasabay ng pagtatatag nito ay doon niya ipinahayag na TAYO AY DAPAT MANATILI SA KANYANG PAG-IBIG.

PAANO BA TAYO MANANATILI SA PAG-IBIG NG DIYOS?

Kinakailangan TAYO AY MAGLINGKOD.

Kung naalala ninyo nung huwebes santo, hinugasan ni Hesus ang paa ng kanyang mga alagad. Nung hinugasan ni Hesus ang paa ni Pedro, ayaw niyang ipahugas kay Hesus ang kanyang paa.

ANO NAMAN ANG BUWELTA NI HESUS KAY PEDRO?

“KUNG HINDI KA MAGPAPAHUGAS NG IYONG PAA AY WALA KANG UGNAYAN SA AKIN.”

Dito ipinapakita ni Hesus na ang halimbawa ng pag-ibig ay ang PAGLILINGKOD.

HINDI MO PWEDENG SABIHIN NA MAHAL KITA PERO WALA KA NAMANG GINAGAWA!!!!!!

ANG PAGMAMAHAL AY HINDI LAMANG PURO SALITA!!!!!!!

ANG PAGMAMAHAL AY MAY GINAGAWANG SAKRIPISYO!!!!!!

INAALAY MO ANG IYONG BUHAY PARA SA MINAMAHAL MO!!!!!

KATULAD NG GINAGAWA NG MGA INA NG TAHANAN,

GINAGAWA NILA ANG LAHAT PARA MAPABUTI ANG KANILANG ANAK.

Kaya may mga ina ngayon na kahit masakit sa kanilang kalooban ay napipilitang maging OFW o magtrabaho sa ibang bansa para lamang MAGKAROON NG MAGANDANG KINABUKASAN ANG KANILANG ANAK.