PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

PAIN OF SEPARATION.

 A Gospel Reflection on the Solemnity of the Ascension of Our Lord, Sunday, May 17, 2015.

 

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

 

Isa sa mga masasakit na karanasan sa ating buhay ay ang MAWALAY SA ATING MGA MAHAL SA BUHAY; PAMILYA AT KAIBIGAN. Kapag tayo ay nagpapaalam na sa ating pamilya at kaibigan, hindi nating maiwasan ang ating emosyon. Madalas tayo ay naiiyak.

NAIIYAK TAYO DAHIL MAMIMISS NATIN ANG ATING PAMILYA AT KAIBIGAN.

Kamakailan lang ay may isa akong kaibigan at kaklase sa isang minor subject dito sa Perpetual Help College of Manila ang umalis patungong Texas. Nung ako ay nagpaalam sa kanya, hindi ko mapigilan ang aking emosyon na umiyak. Umiiyak ako sapagkat mamimiss ko ang aming magandang pinagsamahan at pagkakaibigan. Normal lamang na tayo ay umiyak, malungkot at masaktan kapag umaalis ang ating mahal sa buhay.

UMAALIS ANG ATING MAHAL SA BUHAY AY SAPAGKAT MAY DAHILAN.

Ang Dahilan nito ay para hanapin ang magandang kinabukasan at kapalaran.

Sa Ebanghelyong binasa Photo is loading (Mark 16:15-20) ngayong araw na ito ng Ascension Sunday, May 10, 2015, si Hesus ay umalis na sa mundong ito. Umalis na siya sa mundong ito ay para ipaghanda tayo ng permanenteng tirahan.

ANG PERMANENTENG TIRAHAN NATIN AY WALANG IBA KUNDI DOON SA LANGIT.

Sa mga nangingibang bansa ay nag-aapply ng green card para sila ay maging DUAL CITIZEN.

Tayong mga kristyano, PAANO BA TAYO MAG-AAPPLY PARA MAGING HEAVEN CITIZEN?

Kinakailangan sundin natin ang utos ni Kristo.

Ang utos ni Kristo dito sa ebanghelyo ngayon;

“HUMAYO KAYO SA BUONG SANLIBUTAN AT IPANGARAL NINYO SA LAHAT ANG MABUTING BALITA.”

Yung mga kapatid nating migrante sa ibang bansa ay sila ang nagiging misyonero at dinadala ang ating pananampalatayang katoliko. Kaya maganda rin ang layunin ng Diyos kung bakit tayo ay naghihiwalay paminsan-minsan.

NAGKAKAHIWALAY ANG MAHAL SA BUHAY AY SAPAGKAT MAY MISYONG INIATANG PARA SA KANILA.

HINDI NATING MAGAGAMPANAN ANG ATING MISYON O ANG LAYUNIN NG DIYOS SA ATIN KUNG TAYO AY NASA LOOB NG COMFORT ZONE.

ANG COMFORT ZONE NATIN AY ANG ATING TAHANAN, PAMILYA AT KAIBIGAN.

Kaya ang paghihiwalay ng mahal sa buhay; PAMILYA man o KAIBIGAN ay hindi nangangahulugan na HINDI NA TAYO MAGKAKASAMA HABANG BUHAY, MAGKIKITA O MAG-UUSAP.

Ito ay pansamantala lamang at balang araw ay MAGKAKASAMA MULI TAYO.

Sa panahong ito ay meron tayong alternatibong pamamaraan para manatili ang koneksyon sa ating mahal sa buhay. Ito ay ang SOCIAL MEDIA gaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Skype at iba pa. Dito lamang natin nakakausap at nakikita ang ating mahal sa buhay na nasa malayong lugar.

Habang hinihintay natin ang ating visa para tayo ay makarating sa langit, patuloy nating IPANGARAL SA BUONG MUNDO ANG EBANGHELYO.

ANG SOCIAL MEDIA AY PWEDE NATING GAMITIN SA PANGANGARAL NG EBANGHELYO.

At kahit hindi nating kasama si Hesus nang pisikal ay maririnig at matatanggap natin ang kanyang salita sa pamamagitan ng ating PAG-AARAL, PANGANGARAL at PAGSASABUHAY NG EBANGHELYO.