PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

DINUGUAN.

 A Gospel Reflection on the Solemnity of the Body and Blood of Christ, Sunday, June 7, 2015.

 

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

 

SINO SA INYO ANG MAHILIG KUMAIN NG DINUGUAN?

Marahil lahat tayo ay kumakain ng dinuguan MALIBAN sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo. Ako rin ay kumakain ng dinuguan.

Kapag tayo ay kumakain ng dinuguan,

ANO ANG NAPAPANSIN NATIN?

Yung BABOY, SABAW at SILI.

Yung sabaw ay ang dugo ng baboy.

SARAP NA SARAP TAYONG KUMAKAIN NG DINUGUAN,

ANG KINAKAIN PALA NATIN AY DUGO NG BABOY.

Anyway, speaking of dinuguan, ang tinutumbok natin dito ay ang pagkain.

Iba’t-ibang uri ng pagkain na ating kinakain sa araw-araw.

Halimbawa na lamang dito ay ang DINUGUAN, LECHON, MANOK, BABOY, ADOBO, KARNE at IBA PANG MGA PAGKAIN.

Kumakain tayo ay para lumakas ang ating katawan at magampanan ang ating tungkulin.

KUNG IKAW AY GUTUM NA GUTOM AT WALANG LAMAN ANG IYONG SIKMURA,

HINDI MO MAGAGAMPANAN ANG IYONG TUNGKULIN AT MANGHIHINA ANG IYONG KATAWAN.

Sa Ebanghelyong  (Mark 14:12-16,22-26) binasa natin ngayong araw na ito ng Corpus Christi Sunday, June 7, 2015 ay  inaalok sa atin ni Hesus ang pagkain. Ang pagkaing ito ay nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan.

Ang ibinibigay sa atin ng Panginoon ay ang kanyang KATAWAN AT DUGO.

SA PAMAMAGITAN NG KANYANG KATAWAN AT DUGO AY NALINIS ANG ATING PAGKATAO.

KAYA KAPAG TINATANGGAP NATIN ANG KATAWAN AT DUGO NI KRISTO AY NAGBABAGO ANG ATING PAGKATAO AT NAGIGING KAMUKHA NATIN SI KRISTO.

Sa mga pagbasang ating narinig ngayon sa misa, ang key word na ating narinig dito ay ang DUGO.

Ang sabi nga ni Moises:

“ANG DUGO AY SIYANG KATIBAYAN NG PAKIKIPAGTIPANG GINAWA SA INYO NG PANGINOON SA PAGBIBIGAY SA INYO NG KAUTUSANG ITO.”

Sa pamamagitan ng dugo ay NALINIS AT NAPATAWAD ANG ATING MGA KASALANAN!

ANG DUGO AY SIYANG NAGDALA SA ATIN SA BUHAY NA WALANG HANGGAN.

Kaya marapat lamang na kumain tayo ng dinuguan.

Ang dinuguan ay hindi lamang yung DUGO NG BABOY na karaniwang kinakain natin.

Ang DINUGUAN na tinutumbok dito ay ang KATAWAN at DUGO NI KRISTO.