PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

SALES TALK.

A Gospel Reflection on the 15th Sunday in Ordinary time, July 12, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Isa sa mga pinakamahirap na trabaho ngayon ay ang MAGBENTA. 

Kapag tayo ay nagbebenta ng isang produkto,

IPINAPAKILALA MUNA ANG PRODUKTONG IBINEBENTA NATIN,

IPINAPALIWANAG KUNG ANO BA ANG PRODUKTONG ITO AT ANO BA ANG KABUTIHANG MAIDUDULOT NG PRODUKTONG ITO.

Kapag nasabi na ang description ng produktong ibinebenta natin ay dun na natin sinasabi ang presyo ng produktong ibinebenta natin.

Alam ninyo kapag sinabi mo na sa kliyente mo ang presyo ng produktong inaalok mo,

ang kliyente mo ay napapakamot na lang sa ulo,

nagdedesisyon kung bibilhin ba ang produktong ibinebenta mo o hindi.

Meron iba ay bibili at meron din iba na hindi bibili.

Kaya kapag tayo ay isinabak sa pagbebenta ng mga produkto, dalawang bagay ang mae-encounter natin:

ACCEPTANCE and REJECTION.

Masuwerte na lamang kung meron bibili sa produktong ibinebenta natin.

HINDI LAHAT NG TAONG NAKAKAUSAP NATIN AY MABEBENTAHAN NATIN.

MADALAS AY NAKAKATANGGAP TAYO NG REJECTION!

HINDI NILA TATANGKILIKIN ANG PRODUKTONG IBINEBENTA NATIN!

Ito rin ang MASAKIT sa atin bilang isang negosyante,

MAY MGA ARAW NA MALAKAS ANG ATING BENTA AT MAY MGA ARAW DIN NA WALANG BENTA.

Iyan ang dahilan kung bakit mabagal ang pagpasok ng pera at hindi agad naibabawi ang perang ipinundar natin dito.

Sa pagbebenta ng ating produkto ay HINDI LAMANG YUNG PRODUKTO ANG IBINEBENTA NATIN,

IBINEBENTA NATIN DITO ANG PRODUKTO NG PRODUKTO NATIN.

ANO ANG IBIG SABIHIN NITO?

YUNG PRODUKTO NA ATING IBINEBENTA AY DAPAT MAKITA SA PAGKATAO NATIN.

Halimbawa, ang produktong ibinebenta mo ay ang Vida Drink Mix.

PARA SAAN BA ITO?

PAMPAPAYAT AT GAMOT SA SAKIT SA PUSO.

NAGBEBENTA KA NG PAMPAPAYAT PERO IKAW MISMO AY MATABA PA RIN!

SINONG MANINIWALA SA IYO NA NAKAKAPAYAT ANG PRODUKTONG IBINEBENTA MO KUNG IKAW MISMO AY WALANG PAGBABAGO SA KATAWAN MO?

Yung Glutathione Soap, Kojic Acid Soap, Vitamins C Soap at Whitening Soap.

PARA SAAN BA ANG MGA ITO?

PAMPAPUTI, PAMPATANGGAL NG MGA WRINKLES, TIGYAWAT, OILY AT DEAD SKINS, ANTI-AGING OPAMPABATA.

PAANONG MANINIWALA SA IYO NA NAKAKAPUTI AT NAKAKALINIS NG BALAT ANG MGA SABONG ITO KUNG IKAW MISMO AY WALANG PAGBABAGO SA IYONG KATAWAN,

MAITIM KA PA RIN AT PURO TIGYAWAT ANG IYONG MUKHA.

Alam ninyo marami akong ibinebenta ng mga produkto ngayon tulad ng mga beauty and healthy products:

Yung GLUTATHIONE, KOJIC ACID,VITAMINS C at WHITENING SOAP,

FACIAL and BODILY WASH,

FOOD SUPPLEMENT,

HERBAL TOOTHPASTE,

ALKALINE COFFEE,

ALKALINE CHOCO,

at PERFUME.

Para sa mga gustong bumili ng aking produkto ay magtext kayo sa aking bagong cellphone number # 09165587280. Kahit nasa religious life ako ay nagbebenta pa rin ako ng mga produktong ito ay para makatulong ako sa inyo at siyempre pa ay gusto ko rin KUMITA NG MALAKING PERA para matulungan ko ang aking sarili at pamilya, magkaroon ako ng savings, sasakyan, bahay at lupa, at higit sa lahat, ang MATUSTUSAN KO ANG AKING PAG-AARAL.

Sa pagbebenta natin ng mga produkto ay DAPAT NAKIKITA SA ATIN ANG MGA PRODUKTONG IBINEBENTA NATIN,

NAKIKITA SA ATIN KUNG TAYO BA AY GUMAGAMIT NG MGA PRODUKTONG IBINEBENTA NATIN.

Naalala ko tuloy nung ako ay nag-aaral pa sa Perpetual Help College of Manila, sa isang subject namin doon sa Interpretative Report, may pinagawa sa amin ang aming professor doon. Gumawa kami ng isang presentation kung paano namin ibebenta ang mga produktong ipapakita namin sa aming professor. Ang produktong ibinenta at ipinakita ko sa aming professor ay ang KAPE, KOPIKO BLACK. Nung ipinaliwanag ko ang tungkol sa kape at ang benefits ng kapeng ito ay nabentahan ko ang professor at sa madaling salita ay NABILI NG PROFESSOR ANG AKING PRODUKTO.

Alam ng buong Perpetual Help College of Manila na mahilig akong uminom ng kape araw-araw, oras-oras at walang palya.

BAHAGI NG BUHAY KO ANG KAPE.

SO IYAN ANG SINASABI KO SA INYO NGAYON.

KAPAG IBINEBENTA MO ANG IYONG PRODUKTO AY NAKIKITA ITO SA IYO.

 

Ito ang hamon sa atin ni Hesus dito sa Ebanghelyo  (Mark 6:7-13) sa araw na ito ng 15th Sunday in Ordinary time, July 12, 2015.  Tayong lahat ay tinawag ng Panginoon para magmisyon at sumunod sa kanya.

Sa ating pangangaral ay hindi lamang tayo puro BUNGANGA,

DAPAT NAKIKITA SA ATIN SI HESUS ANG SALITA NA ATING IPINANGANGARAL.

Sa ating pagmimisyon, DALAWANG BAGAY ANG ATING INAASAHAN:

Ang TANGGAPIN TAYO o ITAKWIL TAYO.

HINDI NATIN PWEDENG PWERSAHIN ANG MGA TAO NA MAKINIG SA ATING MGA SINASABI TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS.

ANG SA ATIN AY GINAWA LAMANG NATIN ANG ATING TUNGKULIN NA IPANGARAL ANG SALITA NG DIYOS.

Tulad sa pagbebenta ng mga produkto,

HINDI NATIN PWEDENG PWERSAHIN ANG MGA TAO NA TANGKILIKIN ANG ATING MGA PRODUKTO.

NASA SA KANILA KUNG PAANO NILANG TATANGGAPIN ANG MGA PRODUKTONG INAALOK NATIN.

Kaya kapag mahina ang ating negosyo o hindi man tayo nakakabenta sa isang araw,

HUWAG TAYONG PAGHINAAN NG LOOB.

ALAM NG DIYOS NA TAYO AY NAGHAHANAP-BUHAY AT MAY PANGANGAILANGAN SA BUHAY.

IPAGKATIWALA NATIN SA KANYA ANG ATING KABUHAYAN AT SIYA ANG BAHALANG MAGBIBIGAY NG ATING PANGANGAILANGAN.