PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

FLASHBACK.

A Gospel Reflection on the 16th Sunday in Ordinary time, July 19, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Marahil lahat tayo ay nakadalo na sa mga seminars, retreats at recollections.

Kapag tayo ay nakakadalo sa mga ganitong pagtitipon, 

ANO ANG GINAGAWA NATIN?

Tayo ay nakaupo para makinig sa speaker.

Habang tayo ay nakikinig sa speaker, 

PINAGNINILAYAN NATIN ANG KANYANG MGA SINASABI.

Habang pinagninilayan natin ang kanyang mga sinasabi, umiikot ang ating isip.

Nagkakaroon tayo ng tinatawag na FLASHBACK.

ANO BA ANG MGA MASASAYA AT MALULUNGKOT NA NANGYARI SA ATING BUHAY?

Ang masasayang pangyayari sa ating buhay ay tulad ng pagiging successful sa buhay, natupad ang mga pangarap sa buhay, nagkaroon ng BOYFRIEND o girlfriend, nanalo ka sa lotto at marami pang iba. Ang malulungkot na pangyayari sa ating buhay ay tulad ng kabiguan, nabulilyaso ang mga plano sa buhay, iniwan ng boyfriend o girlfriend, kahirapan at marami pang iba.

Ang kasiyahan at kaligayahan ay bahagi ng ating buhay.

IBINIBIGAY SA ATIN ANG KALIGAYAHAN AY SAPAGKAT MAHAL TAYO NG DIYOS AT GUSTO NIYANG MAGING MASAYA TAYO.

IBINIBIGAY DIN SA ATIN ANG KALUNGKUTAN AY SAPAGKAT MAY ITINUTURO SA ATIN ANG DIYOS.

Kapag tayo ay nadarapa sa buhay,

KANINO TAYO LUMALAPIT?

Sa DIYOS

SAPAGKAT ANG DIYOS LAMANG ANG MAKAKAPITAN NATIN,

ANG DIYOS LAMANG ANG MAGBIBIGAY SA ATIN NG KAPAHINGAHAN.

Sa Ebanghelyong  (Mark 6:30-34) binasa natin ngayong araw na ito ng 16th Sunday in Ordinary time, July 19, 2015,  nakita natin ang pagkahabag ni Hesus sa mga tupang walang pastol.

Ang mga tupang walang pastol ay sila yung NALILIGAW NG LANDAS NA NAGHAHANAP NG MAGBIBIGAY NG DIREKSYON SA KANILANG BUHAY,

SILA YUNG MGA NABUBUHAY SA KADILIMAN NA NAGHAHANAP NG LIWANAG SA KANILANG BUHAY,

SILA YUNG MGA DUKHA NA PATULOY NA NAGHAHANAP NG KATARUNGAN AT HUSTISYA.

Tayo rin ay katulad sa mga TUPANG WALANG PASTOL.

PATULOY TAYONG NAGHAHANAP NG KASAGUTAN SA MGA PANGYAYARI SA ATING BUHAY.

Si Hesus ay patuloy na nakatingin sa atin ngayon,

NAKIKITA NIYA ANG MGA PANGYAYARI SA ATING BUHAY,

ALAM NIYA ANG ATING PINAGDADAANAN.