PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

KAGANDAHANG-LOOB AT KABUTIHAN NG DIYOS.

A Gospel Reflection on the 17th Sunday in Ordinary time, July 26, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Alam ninyo tuwing Martes, ako ay pumupunta sa isang grupo diyan sa Divine Word Seminary sa Quezon City. Ang Grupong ito ay tinatawag na SERVANTS OF THE LUMINOUS CROSS OF GRACE. Ang mga miyembro ng grupong ito ay nagtitipon tuwing araw ng martes para sa sama-samang ipagdiwang ang Misa at Healing Session. Siyempre pa ang pinaka-highlight ng pagtitipon na iyon ay ang FELLOWSHIP. Dito ay magkasamang nagsasalu-salo ang mga miyembro ng grupong ito. At ang magandang gawain dito, ang pagkaing pinagsasaluhan ay nanggagaling sa ilang miyembro nito. Madalas, kung sino man sa miyembro nito ang nagdiriwang ng birthday, anniversaries at kung ano man ang occassion sa kanilang buhay ay nagdadala sila ng mga pagkain tulad ng LECHON BABOY, LECHON MANOK, BARBECUE, KANIN, PALABOK, PANSIT, PASTA at marami pang iba.

Kaya nga kapag araw ng martes ay gustung-gusto kong makibahagi sa Banal na Misa doon sa grupong iyon. 

DOON SA LUMINOUS AY MARAMING PAGKAIN AT MASASARAP PA KAYA NGA NAGMUKHANG HEALTHY ANG AKING KATAWAN NGAYON.

Doon ko nararamdaman ang tunay na misa na parang binabalikan ang eksena sa huling hapunan ng ating Panginoon.

Tatlong Pagkain ang pinagsasaluhan doon:

Una, ang SALITA NG DIYOS.

Pangalawa, ang EUKARISTIYA.

At Pangatlo, ang FELLOWSHIP.

Doon nating nararanasan ang PAGKAKAPATIRAN, PAKIKIPAGRELASYON at PAGBABAHAGINAN.

Ganyan ang nangyari sa Ebanghelyong  (John 6:1-15) binasa natin ngayong araw na ito ng 17th Sunday in Ordinary time, July 26, 2015.  Ipinakita sa atin ni Hesus kung paano nating paiiralin ang pagkakapatiran, pakikipagrelasyon at pagbabahaginan. 

ANG KAGANDAHANG-LOOB AT KABUTIHAN DITO AY ANG ISANG BATA NA ANG KANYANG DALANG PAGKAIN AY IBINAHAGI SA LIMANG-LIBONG KATAO.

Dahil sa batang ito ay nangyari ang milagro ng Diyos,

ang PAGPAPARAMI NG TINAPAY.

Tayong lahat ay ginagamit din ng Diyos para maganap ang kanyang milagro.

ANG MILAGRO DITO AY KUNG PAANO TAYO MAGBABAHAGI NG ATING BIYAYA, MALIIT MAN O MALAKI!

HINDI SANA NAGHIHIRAP ANG BANSANG PILIPINAS KUNG LAHAT TAYO AY NAGBIBIGAY!

MAY SAPAT NA PONDO ANG GOBYERNO PERO HINDI NILA GINAGAMIT SA PAGBABAHAGI NG TULONG SA IBA!!!!!!

KINAKAMKAM PA NILA ANG KABAN NG BAYAN!!!!!!!!!!!!!!!

ANG MASAMA PA DITO, YUNG PERA AT IBA PANG RELIEF GOODS NA NALIKOM NG GOBYERNO AY ITINAGO NILA!!!!!!!!

HINDI NILA IBINAHAGI SA DAPAT NA PAGBIBIGYAN NITO!!!!!!!!!!!

SINO ANG NAKINABANG DITO?!!!!!

ANG MGA UOD AT ANAY!!!!!!!

ITO ANG NAKAKALUNGKOT NGAYON,

ILAN SA MGA OPISYALES NG GOBYERNO AY HINDI NILA NAUNAWAAN ANG KANILANG BOKASYON!!!!!

ANG BOKASYON NILA AY MAGBAHAGI NG BIYAYA AT KABUTIHAN NG DIYOS!

Ito ang DAPAT nating matutunan sa araw na ito na TAYONG LAHAT AY MGA MISYONERO sa mundong ito. Ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang BOKASYON upang ipagpatuloy at IPADAMA SA BUONG MUNDO ANG KANYANG MILAGRO.