PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

SENT TO PREACH.

A Gospel Reflection on the Solemnity of the Holy Father, St Dominic De Guzman, Founder of the Order of Preachers, Saturday, August 8, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Kamakailan lang ang ilan kong kasamahan sa isang grupo ng Missionaries of Mary ay nagpunta doon sa Manaoag, Pangasinan. Nagpunta sila doon upang makipagkita sa may-ari ng St Camillus College na si Atty Diosdado Mendoza. Sa Kanilang pagkikita ay napag-usapan ang tungkol sa pagsasagawa ng outreach program ng Missionaries of Mary doon sa Manaoag, Pangasinan. Ang kadalasang ginagawa ng grupong ito ay ang magbigay ng Marian Encounter Seminar na ginaganap apat na beses sa isang taon diyan sa UST. Tuwing isinasagawa ang gawaing ito ay marami ang dumadalo na nanggagaling pa sa iba’t-ibang panig ng bansa. Isa sa mga dumadalo dito ay ang grupo ng mga estudyante at empleyado ng St Camillus College. At dahil maganda ang bunga  ng seminar na ito, napagpasyahan ng pamunuan ng St Camillus College na imbitahan ang grupo ng Missionaries of Mary na magsagawa naman ng Marian Encounter Seminar doon sa Manaoag, Pangasinan. Napag-alaman na doon pala sa Manaoag ay 19 na barangay ang kinasasakupan ng parokya ng Manaoag.

At ang nakakalungkot pa dito, 50% ng mga parishioners doon ay HINDI KATOLIKO.

MALAKAS ANG HATAK NG IBANG SEKTA DOON NA HALOS NAGKALAT NA SA MGA BARANGAY NA KINASASAKUPAN NG MANAOAG.

Napapanahon na para pumunta ang grupo ng Missionaries of Mary doon sa Manaoag para IPALAGANAP ANG DEBOSYON KAY MARIA sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Marian Encounter Seminar.

Sa Ebanghelyong  (Matthew 28:16-20) binasa natin ngayong araw na ito ng Sabado ng Kapistahan ni Santo Domingo De Guzman, Agosto 8, 2015,  napapanahon na para isugo ni Hesus ang kanyang mga alagad. Isinugo ni Hesus ang kanyang mga alagad ay para ipangaral ang Ebanghelyo sa buong mundo.

Ang PANGANGARAL NG EBANGHELYO ay isang REGALO ni Santo Domingo De Guzman para sa simbahan.

Ito ang PAMANA na iniwan sa atin ni Santo Domingo.

KUNG WALA SA ATIN ANG NANGANGARAL TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS,

PAANO NATING MAKIKILALA ANG DIYOS?

Iyan ang dahilan kung bakit ninais ni Santo Domingo na ISUGO ANG KANYANG MGA KAPATID NA PARI SA IBA’T-IBANG PANIG NG MUNDO.

Hanggang sa panahong ito, ang mga Prayleng Dominiko ay patuloy pa nating nakikita at naririnig na nagpapahayag ng ebanghelyo at ipinapadala sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Sa susunod na taong 2016 ay ipagdiriwang natin ang 800 years ng pagkakatatag ng Order of Preachers. 

THE ORDER OF PREACHERS WAS FOUNDED BY ST DOMINIC DE GUZMAN IN ORDER TO BRING THE GOSPEL MESSAGE TO THE POOR.

ANG DUKHA AY HINDI LAMANG YUNG LITERAL NA PULUBI O INFORMAL SETTLERS,

ANG DUKHA AY ANG MGA MANGMANG SA KATOTOHANAN!

KAYA TAYO NASA SIMBAHAN NGAYON AT TUMUGON SA TAWAG NG DIYOS  ay UPANG MAGING BAHAGI TAYO SA KANYANG GAWAIN.

PATULOY TAYONG GINAGAMIT NG DIYOS UPANG IPANGARAL ANG KANYANG MGA SALITA,

IPINAPADALA NIYA TAYO SA IBA’T-IBANG PANIG NG MUNDO PARA MANGARAL AT DALHIN ANG LIWANAG NI KRISTO.

Tandaan natin,

IPINADALA TAYO HINDI LAMANG PARA MAGSALITA KUNDI MAKIPAMUHAY AT YAKAPIN ANG KULTURA NG MGA DUKHA,

PAKINGGAN ANG HINAING NG MGA DUKHA AT IPAKITA ANG LIWANAG NI KRISTO.