PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

NANGANGATING DILA.

A Gospel Reflection on the 23rd Sunday in Ordinary time, September 6, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Madalas kapag tayo ay nakakarinig ng mga balita, nangangati ang ating dila.

HINDI MAPIPIGILAN ANG ATING DILA SA PAGKAKALAT NG MGA TSISMIS O KWENTO TUNGKOL SA BUHAY NG IBANG TAO.

Yan ang trabaho ng isang media practitioner,

LAHAT NG MGA NANGYAYARI SA ATING KAPALIGIRAN AY IBINABALITA SA INYO.

Ultimong mga galaw at kilos ng ibang tao ay ibinabalita pa sa inyo.

Katulad niyan,

ANO ANG MADALAS NA NARIRINIG NATIN NGAYON SA TELEBISYON?

Ang mga PULITIKONG KAKANDIDATO SA ELEKSYON SA SUSUNOD NA TAON.

Nung nakaraang linggo, naging isyu sa media ang panghihimasok ni Justice Secretary Leila De Lima sa isyung kinasasangkutan ng Iglesia ni Cristo na siyang dahilan ng PAG-AALBURUTO NG MGA KAANIB NITO!

Alam ninyo saludo ako kay Secretary Leila De Lima ng Department of Justice. Saludo ako sa ginagawa niyang pag-iimbestiga sa mga anomalyang kinasasangkutan ng lipunan. Kahit sino, ano man ang posisyon, ano man ang estado ng buhay kung may ginawang pagkakamali ay dapat niyang busisihin.

WALANG KINIKILINGAN ANG BATAS!

KUNG IKAW MAN AY MAY GINAWANG ANOMALYA AY DAPAT KANG IMBESTIGAHAN AT MANAGOT SA BATAS!!!!

TAMA LANG ANG GINAWA NI SECRETARY DE LIMA NA ISIWALAT ANG BAHO NG NASABING SEKTA!

KAILANGAN NATING MAKASAGAP NG MGA BALITA UPANG TAYO AY MAGING AWARE SA MGA PANGYAYARI SA ATING KAPALIGIRAN.

Kaya malaki ang utang na loob natin sa mga media practitioner na kilalang mga MAKAKATI ANG DILA.

Dahil sa kanila ay nalalaman natin ang katotohanan,

TINATANGGAP NATIN ANG KATOTOHANANG ITO AT TAYO NAMAN ANG NAGKAKALAT SA IBA.

 Ganyan ang nangyari sa Ebanghelyong  (Mark 7:31-37)  binasa natin sa araw na ito ng 23rd Sunday in Ordinary time, September 6, 2015. Pinagaling ni Hesus ang isang lalaking bingi at utal.

Nung pinagaling ni Hesus ang lalaking ito ay pinagsabihan niya na HUWAG IBALITA KANINUMAN ANG KANYANG GINAWA.

KAHIT PINAGBAWALAN NA NI HESUS ANG LALAKING ITO NA MAGKWENTO KANINUMAN AY LALO PANG NANGATI ANG KANYANG DILA.

Nung pinagaling ni Hesus ang lalaking ito ay naging MAS MADALDAL PA NGAYON.

HINDI NIYA MAPIGILAN ANG KANYANG DILA SA PAGKAKALAT NG MAGANDANG BALITA TUNGKOL KAY HESUS.

Marahil tayo din ay hindi mapigilan ang ating dila kapag nakatanggap tayo ng magandang balita.

Ang MAGANDANG BALITA ngayon ay ang PAGPAPAGALING NI HESUS at ang KABUTIHAN NG DIYOS. 

Kapag tayo ay nakakatanggap ng mga biyaya mula sa Diyos ay NAGPUPURI TAYO SA KANYA.

Kapag may mga taong nakagawa sa atin ng kabutihan ay pinupurihan natin sila,

LAHAT NG MGA MAGAGANDANG KATANGIAN AY NASASABI NATIN.

Nitong nakaraang Biyernes, ay dumalo ako sa isang Necrological Service para kay Fr Aloy Alino. Halos lahat ng mga malalapit na kamag-anak, kaibigan, parokyano at maging ang ilang kaparian ay nagsalita rin tungkol kay Fr Aloy. Halos lahat ng mga binabanggit sa necrological service ay puro mga magagandang katangian ng taong pumanaw.

MABUTI PA ANG PATAY AY NASASABI NATING LAHAT NG MGA MAGAGANDANG KATANGIAN AT ANG KANYANG NAGAWA SA MUNDONG ITO!!!!!

BAKIT HINDI NIYO PA NABANGGIT ANG MGA MAGAGANDANG KATANGIAN NA IYAN NUNG NABUBUHAY PA ANG TAONG IYAN!!!!!

NUNG NABUBUHAY PA SIYA ANG DAMI NINYONG SINASABI NA MGA HINDI MAGAGANDANG SALITA!!!!!!

PINIPINTASAN NIYO PA!!!!!!!

SINISIRAAN NIYO PA ANG TAONG IYAN!!!!!!!!

NAGSASAYANG LANG KAYO NG LAWAY NINYO!!!!!!

USELESS NIYO NANG SABIHIN ANG MGA MAGAGANDANG KATANGIAN NG TAONG IYAN NA NGAYON AY HINDI NA NIYA KAYO NARIRINIG!!!!!!!

Kaya habang nabubuhay pa ang taong malalapit sa buhay natin, yung mga taong nakagawa sa atin ng kabutihan ay papurihan natin sila at i-appreciate natin ang mga nagagawa nilangkabutihan para sa atin.

Tayong lahat ay nakakaranas ng pangangati ng ating dila.

SAAN NGA BA NANGANGATI ANG ATING DILA?

SA KATOTOHANAN BA O KASINUNGALINGAN?