PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

 

proudly presents 

THE EVOLUTION OF CELLULAR PHONE.

A Gospel Reflection on the 25th Sunday in Ordinary time, September 20, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Noong ako ay maliit pa, meron nang cellphone noong araw. Ang Tawag pa sa Cellphone noon ay CELLULAR PHONE. Ito ay pambahay lamang, ito ay may antenna at wireless pa, na kahit saan kang magpunta sa apat na sulok ng iyong bahay ay bitbit mo ang cellphone kapag may kausap ka.

Noon hindi lahat ng tao ay may cellphone,

ang tanging may cellphone lamang noon ay mga MAYAYAMAN LAMANG.

Hindi pa uso ang text sa cellphone noong araw,

ang cellphone ay pantawag lamang.

Nung pumasok tayo sa taong 2000 ay doon lamang nauso ang text sa cellphone at unti-unti ay nagkakaroon ng pagbabago.

Kahit sino, MAYAMAN man o MAHIRAP ay pwede nang bumili ng cellphone.

Nauso na rin ang video camera at photo camera sa cellphone na unti-unti ay nagbabago rin na ngayon ay naglipana na ang touch screen cellphone. At hindi lamang iyan, nauso na rin sa cellphone ang radyo, telebisyon, calculator, games gaya ng candy crush, internet at ang pagda-download ng mga applications.

Sa panahong ito, madalas ay ginagamit natin ang cellphone.

Ginagamit natin ang cellphone sa pagtawag, pagtext, pagkuha ng mga litrato na kahit nasaan tayo ay PASELFIE – SELFIE o GROUPIE na lang,

KONTING GALAW NG KATAWAN MO AY MAY KUHA KA PANG LITRATO,

pati na rin ang pagkuha ng video.

Kapag may mga sakuna gaya ng matinding pagbaha,

ANO ANG GINAGAWA NATIN?

KINUKUNAN PA NATIN NG CAMERA.

KAPAG MAY NAKIKITA TAYONG ISANG TAO NA NALULUNOD SA TUBIG BAHA,

SA HALIP NA TULUNGAN NATIN ANG TAONG NALULUNOD AY PINAGPIPIYESTAHAN PA NATING KUNAN NG LITRATO AT IPO-POST PA NINYO SA FACEBOOK NA ANG ILALAGAY NINYONG HASH TAG AY “TULONG!”

NASAAN ANG PAGTULONG DIYAN?!

KAPAG MAY NAKIKITA TAYONG NASA BINGIT NG KAMATAYAN AY HUWAG NA NATING KUNAN PA NG CAMERA!!!!!!

TUMULONG NA LANG TAYO!!!!!!!

IBIGAY NATIN KUNG ANO ANG PANGANGAILANGAN NG TAONG IYAN!!!!

HINDI  NAMAN KAYO SISIKAT AT MAGIGING DAKILA SA PAGPO-POST NINYO NG MGA LITRATO AT PAGKAKALAT NG MGA VIRAL VIDEO SA INTERNET!!!!!!!

HINDI KAYO SISIKAT AT MAGIGING DAKILA SA PAGKAKAROON NINYO NG MGA BAGONG CELLPHONE!!!!!!

ANG TUNAY NA DAKILA AY ANG PAG-AALAY NG SARILI SA IBA.

Ito ang ipinahihiwatig sa atin ni Hesus sa Ebanghelyong  (Mark 9:30-37)  binasa natin ngayong araw na ito ng 25th Sunday in Ordinary time, September 20, 2015. Ang kadakilaan na ipinakita sa atin ni Hesus ay ang MAG-ALAY NG SARILI PARA SA IBA.

Isa sa mga halimbawa na ipinakita ni Hesus ay ang MAG-ALAY NG KANYANG BUHAY DOON SA KRUS.

DAHIL SA PAG-AALAY NI HESUS NG KANYANG BUHAY DOON SA KRUS AY NABUHAY TAYO.

Ito ang aral na mapupulot natin ngayong araw na ito.

KUNG GUSTO NATING MAGING DAKILA AY MAGLINGKOD TAYO,

MAG-ALAY NG ATING SARILI PARA SA KAPAKANAN NG IBA.

KUNG IKAW AY AMA NG TAHANAN,

IBIGAY MO ANG NARARAPAT SA IYONG PAMILYA,

IBIGAY MO KUNG ANO ANG PANGANGAILANGAN NG IYONG PAMILYA.

Ngayon pa lamang ay marami na tayong nakikitang mga political advertisement sa telebisyon kahit hindi pa oras ng kampanya para sa eleksyon 2016.

MARAMI NA ANG NAGHAHANGAD NA MAGING DAKILA AT MAGKAROON NA NG PUWESTO SA GOBYERNO.

KUNG KAYO MAN AY NAGHAHANGAD NA MAGING DAKILA AY IPAKITA NINYO NA KAYO AY KARAPAT-DAPAT SA PUWESTONG HINAHANGAD NINYO.

HUWAG NA KAYONG MAGSIRAAN PA!!!!!

ANG PROBLEMA SA ATIN KAPAG MEDYO NAKAKA-ANGAT ANG ISA AY TINUTULAK PA NATING PABABA!!!!

THAT IS IMMATURITY!!!!!!!!!!!!!!!!

NAPAKA-IMMATURE ANG GINAGAWA NINYONG IYAN!!!!!!!!!!!!!

KAHIT NA YUNG PAGTATALO NG MGA PULITIKO AY KINAKALAT PA NINYO SA INTERNET!!!!

IMBIS NA MAGSIRAAN KAYO!!!!!

MAGTULUNGAN NA LANG KAYO!!!!!!

PAGTULUNGAN NINYO KUNG PAANO NINYO IAANGAT ANG BANSANG PILIPINAS!!!!!

DIYAN PA KAYO SISIKAT AT MAGIGING DAKILA SA MATA NG DIYOS.

Tayong lahat ay may mga cellphone.

SAAN BA NATING GINAGAMIT ANG CELLPHONE?

GINAGAMIT BA NATIN ITO SA KASAMAAN O SA KABUTIHAN?

Ang Cellphone at iba pang MEDIA GADGETS ay ipinagkaloob sa atin upang IKALAT NATIN ANG KADAKILAAN NG DIYOS.