PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 INANG MARIA: KALAKBAY SA PAGHARAP SA HAMON NG KARALITAAN AT KABANALAN.

A Gospel Reflection on the Great Solemnity in Honor of the Miraculous Image of OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL DE MANILA, Mother and Queen  of Santo Domingo Church, Dominican Province of the Philippines and Patroness of Quezon City, , Sunday, October 11, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Isa sa matinding problema ng ating bansa ngayon ay ang KAHIRAPAN.

BAKIT MARAMI ANG MGA NAGHIHIRAP NGAYON?

Kung titignan natin ang ating kapaligiran, kahit saan tayo magpunta ay may mga mahihirap.

SINU-SINO NGA BA ANG MGA MAHIHIRAP?

Sa paningin natin, ang mga mahihirap ay ang mga nakatira sa squatters area gaya diyan sa Barangay Tatalon at Barangay Santo Domingo, ang mga pulubi, ang mga walang trabaho, ang mga maysakit at pinabayaan, ang mga mangmang, ang hindi makapag-aral sa mga magagandang eskwelahan.

Ngunit sa kabila ng mga kahirapang ito, ang mga tao ay patuloy pa rin ang pakikibaka sa buhay, patuloy pa rin nilalabanan ang kahirapan.

PAANO NATIN MALALABANAN ANG KAHIRAPANG ITO?

Ang Kasagutan sa tanong na ito ay makikita natin sa Ebanghelyong (Luke 1:39-46) binasa natin ngayong araw na ito ng ating pagdiriwang ng Linggo ng Dakilang Kapistahan ng Milagrosang Imahen ng BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA, Oktubre 11, 2015, ang kasagutan dito ay si MARIA.

SI MARIA AY PINAGPALA SA BABAENG LAHAT,

PINAGPALA SIYA AY SAPAGKAT KABILANG SIYA SA MGA DUKHA.

Alam nating lahat na si Maria ay tinawag upang maging ina ng Diyos.

Subalit ang kanyang pagiging ina ng Diyos ay ginamit niya sa PAGLILINGKOD SA MGA DUKHA,

NAKIISA AT NAKIRAMAY SIYA SA PAGHIHIRAP NATIN.

Tayong lahat na naririto ngayon sa dambana ng Milagrosang Imahen ng ating MAHAL NA INA, ANG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL dito sa Santo Domingo Church. Marahil lahat tayo ay naghahanap ng solusyon sa mga problema at paghihirap natin.

Hindi nangangahulugan na kapag lumapit tayo sa BIRHEN NG LA NAVAL dito sa Santo Domingo Church ay mawawala na agad ang problema at paghihirap natin.

LUMALAPIT TAYO SA IMAHEN NG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DITO SA SANTO DOMINGO CHURCH AY PARA HUMINGI TAYO NG TULONG SA KANYA,

HUMIHILING NA TULUNGAN NIYA TAYO KUNG PAANO NATIN HAHARAPIN ANG HAMON NG BUHAY.

ANG ITINUTURO SA ATIN NI MARIA NGAYON AY HANAPIN ANG SOLUSYON!!!!!!!

Alam niyo po meron akong pinagdadaanang isang matinding pagsubok ngayon. Ang matinding pagsubok na dumating sa buhay ko ay ang FINANCIAL CRISIS sa aming pamilya.

Dahil dito ay nahinto ako sa aking pag-aaral itong semester na ito na DAPAT SANA AY 3RD YEAR AB MASS COMMUNICATION STUDENT at NAWALAN PA AKO NG ESKWELAHAN!!!

WALA NA PO AKO DIYAN SA PERPETUAL HELP COLLEGE OF MANILA NA IYAN!

AT NGAYON AKO AY NAGBABALAK NA LUMIPAT SA COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN DIYAN SA INTRAMUROS, MANILA.

Alam nating napakamahal ang tuition fee doon sa Letran ngunit pipilitin ko pa rin mag-aral doon sapagkat MAGANDA ANG KURSONG MASS COMMUNICATION DOON AT KUMPLETO PA ANG MEDIA FACILITIES.

Kaya ngayon ako ay nakahanap ng isang solusyon kung paano ko matutupad ang pangarap kong ito.

ANG NAGING SOLUSYON DITO AY ANG SUMALI AKO SA ISANG BUSINESS NETWORKING NA KUNG SAAN AKO AY NAGBEBENTA NG MGA HERBAL AT BEAUTY PRODUCTS gaya ng mga sabon at iba pang mga palamuti sa katawan.

Nung ako ay nagbebenta ng mga produktong ito akala ko masosolusyonan na kaagad ang problema ko.

MAY MGA ARAW NA MALAKAS AT MAHINA ANG AKING BENTA.

Kaya nagdesisyon ako na hindi lamang mga ganitong produkto ang ibebenta ko. Lately na lang ako ay nakapagsimulang magnegosyo ng mga stampita.

AKO PO AY NAG-IIMPRENTA AT NAGBEBENTA NG STAMPITA NG MGA RELIGIOUS IMAGES. KASAMA NA RITO ANG STAMPITA NG ATING MAHAL NA INA, ANG MILAGROSANG IMAHEN NG OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL DITO SA SANTO DOMINGO CHURCH.

Kaya kung mapapansin ninyo simula pa nung Enthronement sa ating MAHAL NA INA, ang milagrosang imahen ng BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL nitong nakaraang Oktubre 1, 2015 hanggang sa mga panahong ito, ako ay lagi ninyong nakikitang umiikot sa paligid ng Santo Domingo Church pagkatapos ng 6:00 pm Novena Masses sapagkat NAGBEBENTA AKO NG LA NAVAL STAMPITA. Kaya ako ay nagpapasalamat sa BIRHEN sapagkat simula pa nung Oktubre 1, 2015 hanggang sa mga panahong ito ay TULUY-TULOY ANG PASOK SA AKIN NG PERA at patuloy akong sinasamahan ni MARIA, ANG REYNA NG ROSARYO NG LA NAVAL sa pamamagitan ng PAGPAPADALA NIYA SA AKIN NG MGA KLIYENTE NA TUMATANGKILIK SA LA NAVAL.

Kaya ito ang tanging pangako ko sa mga kliyenteng bumili ng aking ibinebentang LA NAVAL Stampita,

LAGI KO KAYONG KASAMA SA AKING PANALANGIN SA BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DITO SA SANTO DOMINGO CHURCH AT LAGI KO KAYONG IPAGDARASAL NA IPAGKALOOB PA SA INYO NG BIRHEN NG LA NAVAL ANG MARAMI PANG BIYAYA SA BUHAY NINYO.

Ang Ebanghelyong binasa natin ngayon ay may kaugnayan sa pagdiriwang natin ngayon ng LA NAVAL dito sa Santo Domingo Church.

Kung babalikan natin ang kasaysayan ng LA NAVAL DE MANILA,

SI MARIA AY NAKIRAMAY SA PAKIKIPAGLABAN NG MGA SUNDALONG PILIPINO AT KASTILA LABAN SA MGA OLANDES.

ANG LABAN NG LA NAVAL AY NAGANAP DIYAN SA MANILA BAY NOONG 1646.

AT ANO ANG IPINAGLABAN NILA?

ANG PANANAMPALATAYA.

ANG MGA OLANDES AY PUMASOK DITO SA PILIPINAS PARA SAKUPIN TAYO NG KANILANG PANANAMPALATAYANG PROTESTANTE.

At dahil dito, ang mga sundalong pilipino at kastila ay NAKIPAGLABAN SA KANILA AT HININGI NILA ANG GABAY NI MARIA, ANG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL.

Nung sila ay humiling sa ating MAHAL NA INA NG ROSARYO NG LA NAVAL na sila ay samahan sa pakikipagdigma laban sa mga olandes,

NAGWAGI ANG MGA SUNDALONG PILIPINO AT KASTILA SA DIGMAAN,

NATALO NILA ANG MGA OLANDES.

Sa madaling salita ay NAGWAGI ANG PANANAMPALATAYANG KATOLIKO DITO SA PILIPINAS DAHIL SA TULONG NI MARIA, ANG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA.

Ito ang dahilan kung bakit nagdiriwang tayo taun-taon ng Dakilang Kapistahan ng LA NAVAL DE MANILA taun-taon dito sa Santo Domingo Church tuwing ikalawang linggo ng oktubre.

NAGDIRIWANG TAYO NG LA NAVAL AY SAPAGKAT INAALALA NATIN ANG MATAGUMPAY NA DIGMAAN NG ATING PANANAMPALATAYANG KATOLIKO.

ITO AY ISANG PASASALAMAT NATIN DAHIL SINAMAHAN TAYO NI MARIA SA ATING PAKIKIPAGLABAN SA BUHAY.

Sa panahong ito ay hindi pa natatapos ang laban ng LA NAVAL.

MARAMING MGA BANTA NA NAGNANAIS SIRAIN ANG ATING LIPUNAN!

ISA NA RITO AY ANG KAHIRAPAN!

PAG-ATAKE SA SIMBAHAN!

ANG MGA PARI AY BINABATIKOS!!!!!!!

PAGSIRA NG PAMILYA!

ANG PAGSASABATAS NG REPRODUCTIVE HEALTH!!!!!!!!!!

ANG PAGSUSULONG NG BATAS TUNGKOL SA DIVORCE!!!!!

SAME SEX MARRIAGE!!!!!!

ABORTION!!!!!!!

EUTHANASIA!!!!!!

AT MARAMI PANG IBA!!!!!!!!!!

NARIYAN ANG WALANG KATAPUSANG CORRUPTION SA GOBYERNO!!!!!!!!!!!!!!!!!!

PROBLEMA SA GLOBAL WARMING!!!!!!!!!

LAHAT NG MGA PROBLEMANG ITO AY MAY SOLUSYON!

ANG SOLUSYON AT PANLABAN NATIN DITO AY ANG ROSARYO!

IBALIK NATIN ANG ROSARYO SA PAMILYA,

BUMALIK TAYO KAY MARIA -ANG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA DITO SA SANTO DOMINGO CHURCH,

SIMULAN NA NATIN ANG SAMA-SAMANG PAGDARASAL NG ROSARYO SA HARAPAN NG MILAGROSANG IMAHEN NG ATING MAHAL NA INA ANG BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DITO SA SANTO DOMINGO CHURCH.

Nawa sa pagdarasal natin ng Rosaryo ay MAGBUNGA ANG ATING PAGDEDEBOSYON KAY MARIA,

ANG PAGTULAD SA HALIMBAWA NG KABANALAN NI MARIA NA HANDANG TUMULONG AT DUMAMAY SA PAGHIHIRAP NG ATING KAPWA.