PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 AMBISYON PARA SA ATING KINABUKASAN.

A Gospel Reflection on the 29th Sunday in Ordinary time, October 18, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Sa mga panahong ito ay nagsasagawa na ng Final Exam sa ilang mga kolehiyo. Natapos na naman ang isang semester. At tuwing natatapos ang isang semester ay dito tinitignan ng mga professor kung ano ang natutunan ng kanilang estudyante.

Kung ang isang estudyante ay medyo angat na ang kanyang level o kaalaman,

ang professor o dean ang magpapasya kung nararapat bang ipasa ang kanilang estudyante.

Ito ang AMBISYON ng bawat estudyante ngayon na MAKAKUHA NG MATATAAS NA GRADO AT MAKATAPOS NG PAG-AARAL.

Ito ang paraan para maabot natin ang ating pangarap sa buhay,

ANG MAG-ARAL NG MABUTI PARA TAYO AY MAKAKUHA NG MATAAS NA GRADO.

ANG PAG-ABOT NG MGA PANGARAP SA BUHAY AY HINDI INSTANT,

KUNDI ITO AY PINAGHIHIRAPAN.

Sa mga estudyante ngayon bago matapos ang semester ay makikita sa kanila ang sobrang stress:

PUYAT SA PAGGAWA NG MGA PROJECTS,

PAGHAHANDA NG THESIS,

PAGRE-REVIEW SA EXAM,

ANG DAMING PINAPAGAWA.

Diyan makikita ang sakripisyo at hirap para lamang makakuha ng mga matataas na grado at matupad ang mga pangarap natin sa buhay.

Sa sitwasyon ko ngayon, nakakaranas ako ng paghihirap. Isa sa mga paghihirap ko ngayon ay ang KAKULANGAN SA PERA NA SIYANG DAHILAN NG AKING PAGHINTO SA PAG-AARAL NG KASALUKUYANG SEMESTER.

LUMAYAS AKO SA PERPETUAL HELP COLLEGE OF MANILA NA IYAN!!!

AT NGAYON AY BALAK KO LUMIPAT AT MAG-ARAL DOON SA COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN DIYAN SA INTRAMUROS, MANILA.

MASARAP MAG-AMBISYON NA MAG-ARAL SA LETRAN.

SUBALIT NAKAKALUNGKOT KUNG WALA KA NAMANG SAPAT NA PERA PARA MAG-ENROLL DOON SA LETRAN.

KAYA MASYADO AKONG NALULUNGKOT AT NAIIYAK NGAYON!!!!!!

DAHIL LAMANG SA KAKULANGAN SA PERA AY HINDI AKO MAKAPAG-ARAL SA LETRAN!

HINDI KO NATUPAD ANG MGA PANGARAP KO NGAYON!

PANGARAP KO PAGKATAPOS NG AKING PAG-AARAL SA KOLEHIYO SA KURSONG AB MASS COMMUNICATION AY MAGTUTULOY NA AKO SA SEMINARYO!

PAANO KO MATUTUPAD ANG PANGARAP KO NA MAGING PARING DOMINIKO BALANG ARAW KUNG NGAYON PA LAMANG AY WALA AKONG PERANG PANG-ARAL DOON SA LETRAN?!

Kaya ngayon ay nagsisikap akong magnegosyo at magbenta ng mga sabon, beauty products, gamot at STAMPITA!

ANG PERANG KIKITAHIN KO DITO AY MAPUPUNTA SA PAG-AARAL KO AT UMAASA NA AKO AY MAKAPAG-ENROLL NGAYONG DARATING NA SECOND SEMESTER!

HINDI BIRO ANG PINAGDADAANAN KO NGAYON!

MAHIRAP MARATING ANG ATING PAROROONAN.

Sa Ebanghelyong  (Mark 10:35-45)  binasa natin ngayong araw na ito ng 29th Sunday in Ordinary time, Oc tober 18, 2015, naghangad ang dalawang alagad na makaupo sa tabi ni Hesus.

IPINAHIHIWATIG SA ATIN NI HESUS NGAYON NA ANG POSISYON AY HINDI BASTA-BASTANG MAKUKUHA.

ANG POSISYON NA IYAN AY INILAAN NG AMA PARA SA MGA KARAPAT-DAPAT NA TAO.

SINU-SINO ANG MGA KARAPAT-DAPAT NA TAO NA TINUTUKOY NI HESUS?

Yung mga taong NAGPAPAKUMBABA.

ANG PAGLILINGKOD AY ISANG PARAAN NG PAGPAPAKUMBABA.

Ito ang dapat nating pagsumikapan para tayo ay magkaroon ng puwesto sa kaharian ng Diyos.

MAGKAKAROON NG KATUPARAN ANG ATING MGA PANGARAP SA BUHAY KUNG TAYO AY MARUNONG MAGPAKUMBABA AT SUMUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS.