PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 Katolikong Katesismo on the  29th Sunday in Ordinary time, October 18, 2015. 

MGA MINISTERYO SA SIMBAHAN.

 

 

 

 

Ang Misyon ng Simbahan ay nagpasibol ng maraming ministeryo sa loob ng simbahan. Ang Ministeryo ay nangangahulugang PAGLILINGKOD at ang ministeryong maka-kristyano ay tumutukoy sa PAGLILINGKOD SA BAYAN NG DIYOS. Kasali rito ang anumang pampublikong gawain ng isang nabinyagang alagad ni Kristo, na pinag-alab ng grasya ng Espiritu Santo at isinagawa sa ngalan ng sambayanang kristyano at bilang paglilingkod sa kaharian ng Diyos. 
Ang katangian ng ministeryo ay ipinakikita sa;
Una, PAGGAWA NG ISANG BAGAY.
Ikalawa, PARA SA KAHARIAN NG DIYOS.
Ikatlo, SA PUBLIKO.
Ika-apat, SA NGALAN NG SAMBAYANANG KRISTYANO.
Ika-lima, PINALALAKAS SA PAMAMAGITAN NG KALOOB NG PANANAMPALATAYANG TINANGGAP SA BINYAG O ORDENASYON at
Ika-anim, NAKIKILALA SA LOOB NG IBA’T-IBANG GAWAING PANG-MINISTERYO.
Sa pinakamalawak na kahulugan, ang ministeryo ay hindi tanging karapatan ng iilan KUNDI BOKASYON NG LAHAT NG NABINYAGAN BILANG MGA KRISTYANO. Ang grasya ng aktibong presensya ng Diyos ang siyang PINAGMULAN, ang KONTEKSTO, ang HUKOM, at ang MITHIIN ng lahat ng ministeryo ng simbahan. Lubhang lumawak na sa ngayon ang mga ministeryo sa simbahan, mula sa iba’t-ibang mga paglilingkod at sa antas ng gawaing pang-ministeryo. 
Ang ganitong paglawak ay nagbigay-daan sa iba’t-ibang grupong magkakaiba tulad ng KALOOB, PAGLILINGKOD, MINISTERYO, mga TUNGKULIN at mga GINAGAMPANAN. Ang kailangang parehong bigyang-diin dito ay ang PAGKAKAISA ng misyon ng simbahan kung saan nakikibahagi ang lahat ng nabinyagan at ang maraming pagkakaiba ng ministeryo ng mga pari at ministeryo ng mga layko na kanilang isinasagawa batay sa kanilang natatanging bokasyon bilang layko na kaiba sa banal na ministeryo.